Baldadong Isipan
by: Keith Regacho
Hindi ko alam kung paano ito sisimulan,
Dahil kahit isang taludtod ay walang maumpisahan,
Sa larangan ng tula ako'y di bihasa,
Napakahirap gumawa kung ang isipan ay di hasa.
Isang plano ang pumasok sa isipan ko,
Hindi ko alam kung itutuloy ko ba ito?
Pasimpleng napalingon sa katabi,
at biglang hindi mapakali.
Pagala-gala ang mga mata,
Tila ba may inaasinta,
Ayun! Biglang nagdiwang ang aking isipan,
sa paggawa nitong tula ako`y di mahihirapan.
Sa bawat pag-asinta sa gawa ng katabi,
Ako`y nananalangin na huwag sanang mahuli
Bigla akong nakadama ng konsensya,
Pero HINDI ! Ako`y kumukuha lamang ng sapat na ideya
Asinta dito, asinta diyan,
tila ba ako`y isang agila na dumadagit ng panlamang tiyan,
Sa bawat pag dagit sa gawa ng aking katabi,
Tila may mga ngiting namumutawi sa aking mga labi.
Sa Wakas!. natapos na din sa tula,
at ako`y tuwang-tuwa
nangunguna sa pasahan,
at pilit na nilalagay ang papel sa unahan.
Tila ako`y napaisip
at biglang nanahimik
natapos ako sa tula ko, tama ba ang ginawa ko?
na kahit isang ideay sa tula ay wala ako.