Devotionals

Nakakalimot kaya ang Diyos?


Marahil nadinig mo na ang awiting natutulog ba an Diyos at marahil din ay naitanong mo din ito sa iyong sarili.   Ako rin naitanong ko ito, pero napagtanto ko na ang Diyos ay hindi tao at hindi dapat i-kumpara sa human nature dahil ang tao ay galing sa tao. Ang tao ay inilikha sa wangis ng Diyos. God design man in his own image and likeness. Sa makatuwid, ang ating kabuuan ay galing sa Diyos, ang ating emosyon, pag-iisip, puso at buong pagkatao, nadumihan lamang ito ng kasalanan.

Kung may tanong na natutulog ba ang Diyos, meron din akong tanong, Nakakalimot nga ba ang Diyos?
Sa aking pagbabasa ng sa 2 Corinto, ipinakita sa akin ng Diyos na may mga bagay din Siyang kinakalimutan. Sabi ni Pablo sa 2 Corinto 5:19

Ang ibig kong sabihin, ang tao'y ibinibilang ng Diyos na kanyang kaibigan sa pamamagitan ni Cristo, at nililimot na nya ang kanilang mga kasalanan. At ipinagkatiwala nya sa akin ang balitang ito.

Oo, tama ang nabasa mo. Nililimot ng Diyos ang kasalanan ng tao sa pamamagitan ni Cristo. Parang eraser si Hesus ng lahat ng kasalanan natin; bawat maling desisyon, maling emosyon, maling kaisipan at marami pang nasirang aspeto sa buhay natin. Ang nais ipabatid ni Pablo dito ay ang pag ibig ng Diyos, na hindi binibilang ng Diyos ang kasalanan mo, na sa katunayan, gusto nya yun kalimutan para mapalapit siya sa iyo.

Kapag nakagawa ng isang kasalanan ang sino man sa iyo, mahirap makalimot 'di ba? Laging nagfa-flash back yung sa kamalian ng taong iyon sayo. Pero ang Diyos, hindi kagaya mo. Kaya nyang limutin ang kasalanan mo kung lalapit kay sa Panginoong Hesus. Paano mo ito gagawin? Simple lang, humingi ka ng tawad, tanggapin Siya bilang Diyos at tagapagligtas ng iyong buhay, at isuko sa kanya ang iyong buong katauhan. Hindi exemption dito ang mga taong tumanggap na sa Panginoong Hesus. May mga oras na kapag guilty sila sa kasalanan, hirap na hirap silang lumapit sa Panginoong Diyos. Kapatid, ito ang tatandaan mo, mas malaki ang Pag ibig ng Diyos kaysa sa kasalanan o pagkakamali mo. Alalahanin mo ang cross, humingi ka ng tawad at mag move on. Unti-unti nang nililimot ni Lord yung ginawa mong mali at unti-unting binabalot muli ng glory of God yung buhay mo.

May pag-asa ka! Hindi automatic na nakakalimot ang Diyos, kelangan mo si Hesus! Kelangan mo ng Super Hero kahit sino ka pa.

No comments:

Post a Comment