Sabi ng Professor ko sa Communication Evaluation, ang pinaka ayaw daw ng mga tao ay "evaluation" ayaw nila na makita ang pangit at mali sa kanila, o maaaring ayaw din nila ng criticism. Pero ang tao daw na nagpapa-evaluate ay looking for excellence. Sa pamamagitan daw kasi ng evaluation, natatama nya ang mali at lalo pang napaghuhusay ang mga tama niya.
Ang bilis ng panahon, ilang araw nalang pasko na. Nakakaisang taon na din ang blog na ito. September 2010 ko sinimulan mag blog patungkol sa buhay kristiyano ko. Simula ng nagseryoso ako kay Lord. 2009 palang eh nagba-blog na talaga ako. Tungkol nga lang sa buhay ng mga kaibigan ko, diary type kuno, third year high school ata ako noon. Teka, bakit ba ako napunta doon? Gusto kong magbalik tanaw(madalas daw kasing ginagawa yun bago matapos ang taon) sa isang taon kong puno ng kulay, pagbabago, pagma-mature, pagse-seryoso at paglago bilang isang anak ng Diyos!
Noong nakaraang taon 2010, ang gusto ko lang ay makagraduate ng High School at magka-boyfriend. Oo, magka boyfriend, dahil naiinggit ako sa mga kaklase ko noon, sila may boyfriend na, ako lang wala. So ang goal ko noon ay magkagraduate ng walang nagiging BF at magka BF pagkagraduate. Planado ang mga bagay na iyon, ang sabi ko sa sarili ko ay madaming lalaki sa papasukan kong University, gwapo at matatalino, for sure magkaka BF ako doon!
Pero iba ang kilos ng Diyos sa buhay ko, akala ko ay di ako makakapasok ng Kolehiyo dahil nagkasakit ako, pero way pala niya yun para mas kilalanin ko siya. Noong nagkolehiyo ako, ang goal ko ay acknowledge akong Christian ng mga classmates ko, di dahil sinabi ko, pero halata nila sa pagkilos at pananalita ko. Di naman ako nag fail sa goal kong iyon. Kasabay ng paggiging kolehiyo, sinabi ko din sa sarili kong magfo-focus ako sa ministry ko. So nagpaka active ako sa church kahit na busy ako sa school.
Pinagtuunan ko ng pansin ang mga BATA, discipleship every tuesday night. At di naman ako nawawalan, salamat sa mentor ko na si Juvy Orbiso, mine-mentoran niya ako noong nag-uumpisa palang ako. Sa totoo lang, di pa uso devotion sa akin noon. Kapag nagustuhan ko lang mag devotion, tsaka ako magsusulat. Pero nung mga panahon na iyon, gusto ko talagang magseryoso sa Diyos. Ang 2010 din ang year of encounter that I missed. Ilang beses kong namissed ang Encounter last year. Una kay ma'am Orbiso, next ay sa church, next ulit kila ma'am orbiso. Naunahan nga ako ng mga classmates ko nung High school na mag encounter (2011 na kasi ako nakapag encounter), pero God is always perfect, His time is never last nor early, just in time! Perfect!
Then, di din nagtagal ang mentoring ko with Ma'am Orbiso. Dumating na din ako sa ayoko ng Stagnant na Christian life, so September 2010, together with the other youth, we pray for a youth pastor, at hindi naman ipinagkait ni Lord yun!
October 2010, sinasanay na kaming mag devotion. October 3 ang una kong devotion, Sunday yun, at malamang gabi ko iyon ginawa. ang nakalagay sa devotion ko nun "to detect error, expose it to the light of God's truth". Medyo mali ang grammar at hindi ko din matandaan kung bakit iyan ang inilagay ko, basta ang alam ko lang, di talaga ako marunong mag devotion at kumokopya ako sa DAILY BREAD. So simula noong pagpasok ng October ay may youth pastor na kami, at yun ang una nyang ipinagawa sa amin, ang pag DE-DEVOTION.
Salamat at lifestyle ko na ang pagdedevotion, na kahit may palpak minsan, hindi mo talaga kakayaning wag mag devotion.
Pagdating naman ng kalagitnaan ng october ay may Cell Group na ang adopt sa akin, ang Cell group nila jumever, doon ko nakilala si Sir Janjo(taga history makers, na connected network ng dati kong mentor na si ma'am orbiso, accident? I don't think so). Nakaranas ulit ako ng may nag aalaga sa akin, cool dahil parang ka-edad lang namin ang cell leader. Panibagong experience, sinundan pa ito ng November na Hectic sa sched dahil sa mga convention ng AG at ng S3YD, doon ko na experience na umuwi ng bahay para lang magbihis, kumain, at maligo pagkatapos ay aalis ulit. Doon ko din napagtanto na true love waits dahil sa libro ni Joshua Harris, na hindi ko talaga pinalagpas at binili ko agad pagpasok ng 2011. Pagdating ng December, mas tumindi ang pagnanasa ko sa Diyos! Dahilsa Gathering of the Generals ng History Makers, ang tindi ng ginawa ng Diyos sa buhay ko noon, doon ko naranasan ang FIRE, fire to share the Word, fire to Win the World. Kakaiba talaga pag first time.
At sa paglaon ng 2011, ang tindi pa din ng Diyos sa buhay ko. Kung babalikan ko isa-isa ang bawat buwan at araw na nakalipas, lahat ay ipinagpapasalamat ko sa Diyos na buhay!
ONE YEAR OF GETTING SERIOUS WITH GOD... AND COUNTING!
I'm gonna finish this race, malayo pa ang tatakbuhin ko. Madami pang accomplishments sa buhay ang ibibigay ng Diyos sa akin, count it the MINISTRY, CELL, CHURCH, SCHOOL, FAMILY, CAREER, and my CHARACTER.
I'll be one of the Greatest Leader of this Generation that will Proclaim the Kingdom of God!
I am Eunice, Changed and Loved by God, A servant, A Disciple and a discipler, a cell leader, and a nation transformer!!!!