Tuesday, November 19, 2013

Keep your hopes up!

Naalala mo ba nung bata ka nung nagwawala ka o sumisimangot ka dahil hindi maibigay sa iyo ang gusto mo? Malamang nagdaan sa gantong pangyayari. Nung bata ka pwede kang magwala, umiyak ng malakas, umupo sa sahig at sumipa, dumapa at maglupasay hanggang sa makatulog ka na at makalimutan ang lahat ng nangyari. Sa pagtanda kaya pwede pa din kaya iyon? Malamang kung ginagawa mo pa din ang mga bagay na ito ay hindi malabong bihisan ka ng puting damit at sunduin ng mga nakaunipormeng blue at dalin ka sa ospital o ipatingin sa espesyalista sa utak.


Nakaka-frustrate kapag hindi mo nakukuha ang gusto mo at lalo na kapag nape-pressure ka sa paligid mo. Para sa mga kasabayan ko sa pag-aaral na nakatakdang mag OJT, hindi maiwasang ma-frustrate o ma-pressure sa mga tao sa paligid mo. Sa aking circle of friends halos lahat may OJT na, yung iba patapos na nga. Ang tingin nila sa akin ay madaling makakapasok as intern sa mga kumpanyang pag-aaplyan ko. Bad trip lang dahil hindi naman talaga ganun ang sitwasyon ko. Dahil napag-iwanan na ako pinilit kong maghanap ng mga kumpanya na tumatanggap ng OJT at isang communication firm (yun kasi ang requirement sa amin). Nainterview naman ako at nagbakasakaling iyon na nga ang para sa akin. Kaso ilang araw na ang nakakalipas wala pa ding reply sa akin. Hindi ko alam kung impatient ba ako o sadyang wala talagang patutunguhan ang paghihintay ko.

Isang gabi, pag uwi ko galing sa school may isang unknown number na nagtext sa akin; tulog na, maaga pa ojt bukas. gnyt". Naparaniod ako at na-excite. Inisip kong baka galing iyon sa company, pero may doubt ako behind it dahil hindi man lang nagpakilala kaya nagc confirm ako. Ayun confirm nga, kaklase ko pala. Mas lalong nakakabadtrip!

Sa aking patuloy na pag-iisip, naalala ko yung panalangin ko dati. (ilang buwan lang ang nakakalipas) Sabi ko kay Lord mag se-serve ako sa kanya sa OJT ko. Nasa isip ko ay isang christian network or any christian related firm.

So ano ang lesson behind? Sa mga ka batch ko na wala pang OJT at nai-stress gaya ko, wag na kayong ma-stress. Minsan hindi ibinibigay ni Lord yung mga gusto natin kasi may mas maganda Syang plano para sa atin. Kung sa tingin natin ay maganda na ang plano natin pero ang totoo pala mas maganda ang plano ng Diyos para sa atin. Kung papipiliin ka sa "maganda" o "mas maganda" ano ang pipiliin mo? Walang halong ka plastikan, malamang yung MAS MAGANDA na ang pipiliin mo. Kaya kahit masakit, wait upon the Lord. May bunga naman ang pag hihintay sa will ng Panginoon.

PS: Nag send ako ng application sa isang christian firm. Hopefully matanggap. :)

Sunday, November 10, 2013

Wild thought

Ako'y naguguluhan. Bakit ba ako napabilang sa isang grupo ng mga aspiring writers? Ano bang motibo ko? Para kanino ba ako nagsusulat?

Sa totoo lang hindi naman ako writer, at hindi ko talaga forte ang pagsusulat. Maging ang blog na ito ay puno bunga ng aking mga karanasan at nararamdaman. Hindi ako sanay humawak ng pluma at papel. Madalas akong magsalita kaysa magsulat, nahilig lang ako dahil sa mga nababasa kong libro, na inspired magsulat at kapag hindi na kinakayang sabihin ng bibig, sa papel nalang naisasambulat ang hindi masabit na mga salita.

Noong nakaraang taon, nabasa ko ang post ni Pastor Ronald Molmisa, ang author ng librong LoveStruck, sa lovestruck group page sa facebook. Ito ay tungkol sa kanyang paghahanap ng Mentees para turuan sa pagsusulat. Mga aspiring christian writers.

Aminado akong hindi ako active, hindi nga kasi likas sa akin ang magsulat. Minsan nga, feeling ko "pilit" ang mga ipinapasa kong assignment kay Pastor. Naalala ko nga yung reason ko kung bakit ako sumali sa YES. Na-inspire ako ni Paul, ang author ng epistles, at ilan pang libro sa New testament. Gusto kong magsulat to Glorify the Lord. Kala ko madali lang, it takes passion and discipline as well.

Sabi sa akin ni Pastor, kelangan kong magbasa at magbasa. Hindi ko naman nagagawa. Feeling ko nga hindi ko deserve na mapabilang sa YES. Nito lang, may assigned task sa amin si Pastor, hindi ko ito nagawa at hindi din ako nakapagrespond kung bakit hindi ako nakapagpasa on time. Nahihiya na ako. Di ko alam kung itutuloy ko pa ito o hindi na. Nakita kong online si Pastor, nag-iisip ako ng ita-type ko. Ano naman sasabihin ko? Na ayaw ko na, na hindi ako writer, na hindi ako deserve mapasama sa YES? *

Tinawag nga ba ako ni Lord para magsulat? Ang gulo. Pero gagawin ko pa din yung assigned task. Ipagpe-pray ko ito at tsaka ako magde-desisyon.