Nais kong may maisulat, pero
walang matinong paksa ang gustong magpasulat. Para kang nakikipag habul-habulan
sa tren, ako nag taya, siya ang hahabuli. Nakakapagod, at para bang mauubos na
ang brain cells mo sa kakapiga ng lalabas na topic sa isipan mo. Minsan kahit
walang kwenta ang bagay gusto mong isulat, isusulat mo pa din para hasain ang
sarili sa mga letra at salita. Mahirap ata mabuhay ng walang nasasabi, pero
labas dito ang mga pipi. Hanga ako sa kanila, kaya nilang ilabas ang lahat ng
emosyon para makipag-communicate. Kaya naniniwala ako na kayak o din mailabas
ang emosyon galing sa mga letra at salita. Kaya to, tiwala lang. May
maiisusulat din akong worth it at kakaiba. Naalala ko tuloy ang payo ng
propesor ko dati sa Retorika, magsulat daw kami ng madaling araw, yung tipong
naalimpungatan kaya ka nagising. Kahit ano daw ang nasa isip mo, isulat mo
lang. Sabi niya din, wag daw edit ng edit habang binubuo mo ang iyong likha,
tapusin daw muna ang sinusilat tsaka ayusin. Mga simple payo mula sa aking
simple propesor. Kaya din ako nahihirapan magsulat dahilan na din na walang
direksyon ang pinupunto. Kung sa pagsasalita ay may goal tayo na pag persuade to
be understood, ganun din siguro sa writing. Nga pala, this is a free a
democratic country, exercising freedom of expression should be practice, kahit
ina-amyendahan pa ang Cyber Crime Law. Sabi din ng kasalukuyang mentor ko, “wag
kayong titigil sa pagsusulat, kahit walang pumapansin”. Tama nga naman si Sir,
keep on writing, dadating din ang panahon na mapapansin ako sa muntin kong talento.
Sa bagay, ang talent di lang naman in-born, meron din naming acquired at
passion diba? Gusto kong mahalin ang pagsusulat, kagaya ng pagmamahal ko sa paghawak
ng lente ng camera. Nais kong magsulat at mag direct ng mga kwentong nangyari
sa tunay na buhay, naniniwala kasi ako na mas makapangyarihan sa mga mambabasa
at manunuod ang mga bagay na inspired ng ibang tao, at least hindi ito
kuro-kuro o theory. Nakuha ko ang prinsipyong ito sa movie film na chasing liberty. Masaya na ma-experience
mo personally ang isang bagay at magsilbi iyong inspirasyon para sa ibang tao.
Ayan, may naisulat na din ako sa wakas. Kahit papano, mag patutunguhan pa din
ang sulatin na ito. Lagi lang tandaan ang rule no.9 always bring your notebook
ang your spare pen.
Oha! Good night. *parang diary type lang ito, better think
harder to change the way I write! Aja! Fighting!*
No comments:
Post a Comment