Pero ano ang masasabi mo sa larawan na ito:
Para sa akin, ang nais iparating nito ay may karapatan kang humiling sa Panginoon at sabay na maniwala sa plano at mga pangako Niya sa buhay mo. Nais ng Lord na maging prosperous ka, hindi habang buhay na maghirap. Kaya nanalangin ka para magka trabaho. Hindi naman madamot si Lord e, ibibigay nya talaga ito sa iyo.
Nitong nakaraang buwan, humingi ng tulong ang Daddy ko sa akin. Kung pwede daw ba akong magtrabaho para matulungan sila ni Mommy sa mga gastusin sa bahay at para masuportahan ko na din ang pangangailangan ko. Syempre, kanino pa ba ako tatakbo para humingi ng tulong, edi kay Lord!
Nag try akong mag apply sa iba't ibang company, yung ibang ni-reject ako at yung iba tinanggihan ko. (choosy e!)
Hinahanap ko yung "will" ng Diyos na trabaho para sa akin. Yung tatanggapin ako sa kabila ng nais kong magpatuloy sa pag-aaral at yung may medyo mataas na compensation. Ilang gabi ko itong idinulog sa Panginoon, gusto kong maging assured na yun nga ang will Nya para sa akin.
Makalipas ang ilang araw buhat ng manalangin ako, may isang Manpower agency ang nag train sa akin for free para mai-refer ako sa mga call center companies na associated nila. So matapos ang ilang araw ng training, pinag-apply nila ako sa teleperformance.
During the first day, I was praying that if its God's will for me, makakapasa ako. Alam ko ang risk sa industry na ito, aware din ako sa mga bad views sa call center. Lapitin kasi ito ng mga vices. Habang naghihintay ako ng resulta ng exam ko, may nakausap akong lalaki na dati nang call center agent. Sinabi ko na Comm Research ang course ko at tinanong ko sya kung ano yung dahilan ng paninigarilyo at madaming vices (e.i, alcohol, drugs, caffeine, etc) ng mga call center agents. Isa ang malinaw na nakita kong sagot niya, "PEER PRESSURE". Dati syang nurse at nag shift ng career dahil sa walang pera sa pagiging nurse, puro kawang gawa nalang daw. Sabi nya, hindi naman daw sya naninigarilyo before, pero dahil sa mga kasama nya natuto sya. Ang argument nya ay "15mins lang ang break nyo, ano naman ang magagawa mo sa 15 mins kundi mag yosi at mag kape. Yan talaga ang ka-partner ng mga call center agents!" Naisip ko tuloy, "Am I in the right place Lord?"
Pagkatapos kong pagbulay-bulayan ang sagot ni Kuya, naisip kong malaki ang epekto ng "PEERS". Sa call center, malakas ang "influence". Then, naalala ko ang litratong ito:
Maaring nais ng Diyos na magsilbi akong LIWANAG sa lugar na ito. Hindi malabong kumilos ang Diyos sa mga taong nalululon sa kape, sigarilyo at alak. God wants to infiltrate the darkness, kaya kelangan nyang mag deploy ng LIGHT AGENTS sa darkness!
Naisip ko yan bago ako ma-cut off. Ang sabi sa akin, come back tomorrow for final interview. Bigla akong napaisip..... gusto mo po ba akong mag work sa call center Lord?
Then the next day came (which is today)
Matagal akong naghintay sa lobby para matawag ang pangalan ko, nung tinawag ako nagtanong yung interviewer ng mga basic questions for employment. Kabado at tense na tense ako. Ayaw ko din kasing umuwi ng luhaan, patay ako sa nanay ko ang laki na ng nagagastos ko sa pamasahe. After ng maikling question and answer portion, nag exam akong muli pagkatapos 'nun tinawag muli ang pangalan ko at sinabing "PLEASE BE HERE BY 2:30 pm FOR THE JOB OFFERING"
Mabilis pa sa kidlat ang ngiti sa labi ko, umabot nga ata hanggang bunbunan ang ngiti ko. Grabe tong favor ng Diyos, makakapag-aral ako this sem (self supporting ay hindi pala, supported pala ako ni Lord) habang nagta-trabaho (may mission din akong i-win ang mga officemates ko) at makakatulong ako financially sa bahay natin!
Kaya wag mong kwestunin ang mga nangyayari sa iyong buhay ngayon, panget man yan o maganda kasi may DIVINE PLAN si Lord sa iyo. Kulitan mo ang pananalangin at pakikipag usap kay Lord, pramis sumasagot sya!! God bless your aspirations, present and your future! God loves you so much! :)