Friday, May 17, 2013

The Endangered Specie: Singles

Ang mga Single, especially yung nasa kategoryang No Boyfriend/Girlfriend Since Birth na kabataan ay kabilang sa mga endangered species. Konti na lamang sila at under protection. May mga taong pine-preserve sila at pinapadami. Sa kabila nito, hindi madaling mag preserve ng singles. Wastong pag-aalaga ang ginagawa sa mga ito at kapag handa nang makipagsapalaran, pinapakawalan na sila sa wild. Ang wild  ay puno ng mga Mangangaso na walang tigil sa pagsilo sa kanila, isama pa dito ang nagkalat na patibong; lantaran at patago. Yung mga lantarang patibong ay yung mga mapang-akit at tipong maa-attract yung mga singles gaya ng magandang postura at itsura; yung iba namang patibong ay lantarang panlilinlang, akala mo pasok sa standard na itinakda pero may lahi palang hunyango! Dinaig ang pinakamagaling na impersonator sa bansa. Bukod sa lantarang patibong ay yung patagong patibong, ito yung hindi mo napapansin nasisilo ka na pala at mabibigla ka nalang na nahulog kana sa patibong na ito.


Hindi madali maging single, ang daming temptation at mga maling perspectives. Nineteen years and counting na akong Single, hindi ko ito sinadya NOON pero ngayon, sinasadya ko na. Nais kong i-preserve ang sarili ko para sa Panginoon. At ngayon nagdadaan ako sa wild at nakaka encounter ng iba't ibang patibong. Ang pag hihintay ay malaking hamon sa mga single na gaya ko. Ang hamon na ito ay mahirap kung mali ang pagtingin dito.

Sa totoo lang, biktima ako ng maling pagtingin sa salitang "paghihintay". Noong fourth year high school, akala ko tapos na ang pag hihintay, akala ko sapat na ang apat na taon sa high school para ma-preserve ako, akala ko handa na ako para makipag relasyon. Binago yun nga Diyos at sinabi nyang "Anak extend pa!", kaya hindi pa doon natatapos ang lahat, along the process of waiting, somebody came along unexpectedly (parang kanta to ah!). Parang kidlat ito na tumama sa puno at nag-iwan ng marka. Dumating yung punto na napapanaginipan ko itong taong ito kahit di ko sya iniisip, sabi ko tuloy, "Lord, sya po ba?"

Nalihis ng konti ang pagtingin ko sa Paghihintay, nabahidan ito ng pagnanais sa isang tao. Habang tumatagal, nagkakaroon ako ng desire na sabihin na sa kanya. Pero may pumipigil sa akin, ang Lord. Sa aking pagbubulay bulay, natagpuan ko ang sarili kong nahihintay sa specific guy at hindi na sa Panginoon. Dali-dali akong humingi ng tawad at kahit masakit, I surrendered it all to the Lord. God made me broken, He wants to preserve me and to wait patiently on him alone. God wants my heart and He wants me to be faithful to him. Akala ko yung mga in-a-relationship lang yung nasasaktan, uso na din mag move on kahit Single ka pa. Sa paghihintay, napagtanto kong kasama ko ang Panginoon, sya ang Greatest Preserver ng ating buhay, Siya din ang magtatakda ng panahon kung kailan ka maaring humayo at magparami.

Song of Songs 3:4"Daughters of Jerusalem, I charge you by the gazelles and by does of the field; Do not arouse or awaken love until it so desires."

Isang araw, tinanong ako ng isang youth sa church, "Ate, papaano mo po kinakaya maging Single? Di ka po ba nakakaramdam?" Simple lang ang sagot ko, "sa tuwing nakakaramdam ako ng desire, nanalangin akong patulugin ni God yung gumising kong desire at itago nya ang puso ko."


2 comments:

  1. Ayos... Patok na patok... Share it and Spread with fire...pbr2013

    ReplyDelete
  2. Woaaah! Ngayon ko lang po nakita yung comment nyo. Salamat po :)

    ReplyDelete