Naaalala mo ba ang mga pangako mo sa Panginoon? Yung mga panahon na umiiyak ka pa at talagang desperado na mangyari ang pinapangarap mo. Yung bawat sigaw at iyak mo sa altar ay inaasahan mong maganap at maisakatuparan. Ang mga pangarap mo nais mong palitan ng pangarap ng Panginoong Hesus. Desire mo na mamatay sa sarili at mabuhay para kay Kristo. Ito yung mga panahon na mainit ka at spiritually high.
Naalala mo din ba yung pagkatapos ng cloud nine feeling na iyon ay bigla kang dadanas ng pagsubok at parang nais mo nang ihinto ito. Nagtatanong ka kung tama ba yung mga nangyayari, dapat bang ipagpatuloy o isuko mo nalang. Tapos makikita mo muli ang sarili mo sa paanan ng Panginoon, iniligtas ka muli sa failure mo, napagtanto mo na ang pagiging mainit ay hindi base sa feelings at emotion kaya naman ang ginawa mo ay itaas ang faith mo nang hindi gumagamit ng emosyon.
Nangarap kang muli at may mga kasama ka sa pangarap na ito. Mga taong parehas mo mag-isip at parehas mong tumingin sa bawat sitwasyon. Kasama mo sa bawat kasiyahan at problema. Ang mga pangarap ng Panginoon sabay sabay nyong ninanais at ginugusto. May mga ups and downs sa inyong lahat, pero nanatiling matatag dahil sa Panginoon. Dahil si Hesus ang sentro ng lahat, ang dahilan nito, ang puno't dulo.
Sa bawat araw, linggo, buwan at taon, naiiyak ka na lang dahil may mga prutas at may mga napipigtas. May dadagdag at may aalis. Masaya ka na may bunga at kaganapan ang bawat panalangin, ngunit hindi maalis sa iyo ang kalungkutan na may mga aalis. May mga nalalaglag, para eviction night dahil aalis na sila. Ang twist pa dito, kung sino yung mga hindi mo inaakalang aalis, sila ang lalabas.
Pinilipit mong intindihin ang lahat, dahil maaring ito ang plano ng Panginoon, kung si Paul at Silas nga naghiwalay ng landas e, si Paul at Barnabas din naghiwalay ng landas at kung si Jesus nga e, iniwanan din ang mga disciples nya. Sometimes we need to learn to stand on our own, to experience personally everything without our mentors, our buddies and our partners. Ang nais kasi ng Panginoon ay dumipende ka sa Kanya, alone. Hindi ka makakatayo sa sarili mong mga paa kung patuloy kang sasandal sa tao. Tanggapin mo ang mga pangyayaring ganito. Wag kang matakot, dahil kasama mo ang Panginoon, wag kang mag-dwell sa mga umalis at sa kalungkutan na dulot nito dahil walang maidudulot itong kabutihan sa iyo, malulungkot ka lang. Sa halip ay ituon mo ang iyong mga mata sa Panginoon at sa Kanya umasa. Kahit sino pa ang mang-iwan sa iyo basta wag lang ang Panginoong Hesus, nasa mabuti kang mga kamay. One thing remains, its His love for you. Tuloy lang ang laban kapatid!!
No comments:
Post a Comment