Monday, September 23, 2013

The sweet kiss of thesis

Fourth year college. Kasunod nito ang malalim na buntong hininga. HAY!

Parang lindol ang mga katagang HAY. May after shock itong "Salamat! Ga-graduate na ako!" na merong intensity 8.0 ang lakas ng pagsigaw. Yung feeling na, konting kembot nalang eh matatawag ka nang winner ng Survivor Philippines. But wait, ang akala mong happy thoughts eh may twist. Malamang susundan pa ito ng isa pang after shock, "Ang hirap ng thesis! Ayaw ko naaaa!" na kasing lakas ng atomic bomb ang impact. Apektado ang pag-iisip mo, gusto nang magwagayway ng puting bandera. Susuko na po ako.

Ito pa ang mga senaryong mapapansin sa panahong ito; parang may state of calamity ang news feed mo sa facebook dahil flooded ng mga status tungkol sa thesis; may mga nagra-rally at tila gustong mag million people march sa tapat ng opisina ng professor dahil hindi inaprubahan yung ipina-consult nyong topic; may mga sundalong bawat araw sasabak sa gyera dahil kelangan magsanay at magpanday ng kaisipan; may mga nagte-treasure hunt sa mga library at nagpaka Sherlock Holmes ang peg para mabuo ang pundasyon ng study. Yung iba naman eh parang Will Smith ang peg at I am legend ang drama dahil nag iisa nalang siyang kumikilos sa grupo para ma-isave ang buhay ng thesis; may nagmumukang zombie at gusto na din kumain ng brains para makapag-isip ng mga ita-type nila sa bawat chapter. Na picture mo ba? Parang end times na ang mundo nila. Ang thesis siguro ang climax ng pagiging buhay estudyante.

Relate much ba? Kalma lang muna tayo! Take a deep breath, inhale and exhale. Aminan na to, talagang mahirapan thesis. Pero puro hirap nga lang ba? Baka one side of the picture lang ang nakikita natin. Baka we need to see the full picture, para ma-appreciate natin tong pinaggagagawa natin. Hayaan nyong ibahagi ko ang kwentong thesis ko.

Last semester kami nag umpisa sa thesis, chapter 1-3 ang kelangan matapos para hindi na hussle pagdating ng susunod na sem. Almost 3 months ups and downs ang nangyari. Pero na survive naming ang first phase! Awa ng Diyos, nakapasa kami at may chance na mag martsa sa Marso. May ilang bagay akong natutunan sa paggawa ng thesis, mula last sem hanggang ngayon. (On going pa din ang thesis namin)

1.     Ang thesis, hindi dapat magmukhang krisis! Unang krisis na kakaharapin ay krisis sa budget. Sobrang gastos nito. Kung ikaw lang mag-isa, mag hanap ka nan g pagkukuhanan ng budget, o kaya mag tipid muna at tsaka na manuod ng sine with friends, isa alang-alang ang bulsa. Pero kung grupo kayo, share share din ng burden sa gastusin. Babala para sa mga nagti-thesis na grupo: mag-ingat sa mga FIXER, yung groupmate mong ginagamit ang salapi para wag nang kumilos at tipong sagot na ni Papa ang lahat ng gastos. Aba aba, dapat may fairness dito, wag nang manlamang ng kapwa. Let’s practice fairness and equality, gamit gamit din ng isip.
2.     Ang paggawa ng thesis may ugaling malinis.  Yung ibang nag ti-thesis, di pa man din nag uumpisa eh galit na at uma-attitude na. Kaya nawawasak ang relasyon ng grupo. Consider your groupmates. Kapag hindi maayos ang relasyon mo sa mga kasama mo, hindi mo ma-eenjoy ang journey. Attitude counts!
3.     Thesis it! Enjoy it! Isa ito sa pinakamahalangan elementong natutunan ko. Ang i-enjoy ang thesis. Minsan nga, 60% ang tawanan at kwentuhan at 40% ang gawa para sa thesis. Wag ikulong ang sarili sa thesis na parang ito na ang A Whole New World mo. Wala dyan ang Princess Jasmine mo at Aladdin. Wake up! Take time to breath, kelangan mo din ng new environment pa minsan minsan. Wag lang sa library gumawa, kung trip nyo mag overnight do it o kaya kung medyo may budget, try nyo magkape sa starbucks! Hehe!

Kaya nagiging mahirap ang isang bagay dahil sa ating mind setting. Naalala ko nga yung commercial ng isang vitamins “What the mind can conceive your body can achieve.” Try mong mahalin ang proseso ng thesis. Tandaan na kapag ikaw ay nasa gitna ng  nagraragasang ilog hindi sago tang lumaban sa agos ng tubig para maligtas, ang tanging pag-asa mo ay magpadala sa daloy ng tubig at mag-hintay ng bato na pwedeng kapitan. Ganun din sa thesis, magpaagos ka lang dito at mag-hintay ng solidong bato na iyong kakapitan. Hang in there!


Remember na laging may naghihintay na nilaga pagkatapos ng pagta-tyaga. Okay lang yan kung nahihirapan ka. Okay lang din na isigaw mo yung mga sentimiento mo dahil nakakabawas yan ng stress. Pero wag kang susuko, wag mong iisiping end of the world na. Hardships are life requirement for us to be better individuals.

"Be strong and courageous. Do not be afraid or terrified because of them, for the LORD your God goes with you; he will never leave you nor forsake you" Deuteronomy 31:6


1 comment:

  1. Ahm. Maganda ung thought ng article mo. nakaka-inspire. very good choice of words. nagkaroon ng clarity. ung format lang medyo magulo pero i consider it good. ung coherence and content excellent as well as the creativity. dahil jan, i'll give you 95.56%.. congratulations.

    ReplyDelete