Anong magagawa mo para matulungan ang isang tao? Malamang ang sagot sa tanong na ito ay DEPENDE. Depende sa kung ano ang problema ng isang tao. Pero kadalasan mayroon tayong nalilimutang unang bagay na dapat gawin.
Paano mo sya matutulungan?
1. MAKINIG KA LANG MUNA.
Nakaranas ka na bang maka receive ng text mula sa isang kaibigan na pangalan mo lang ang laman at isang sad emoticon.
Example: Eunice! :(
Yung ganyan? Alam na agad ng isip mo sa unang text palang, may sasabihin ang kaibigan mo at kailangan ka nya. Take note: kelangan ka nya!
Wala pa man ding kwento ang friend mo, nag conclude kana agad o kaya nag payo. Minsan, kelangan lang natin maging tenga para makinig at outlet para makapglabas sila ng saloobin. Sa ganoong paraan, nakakatulong ka na sa kanila. Huwag kanang mag isip pa ng mas malalim, ang pakikinig ay pagtulong sa taong puno ng bigat at suliranin.
Mahirap mapag isa. Mahirap ang mag isang harapin ang problema. Kelangan mo ng kasama o kaibigan.
Nito lang, may kaibigan ako na nagdaan sa bigat ng kalooban. Stress sya sa bahay at parang nagkaroon ng emotional trauma. Minsan lang yun mag drama sa amin, kaya nung sinabi nyang ayaw pa nyang umuwi agad namin syang sinamahan sa pag-aaliw.
Kelangan ng isang tao ang companion. At kelangan din minsan magmukhang payaso sa harap nilanpara maibsan ang kanilang bigat na dala-dala.
3. WOE! (Words Of Encouragement)
Para makatulong ka, palakasin mo ang loob nila. Speak life to them. Build them up and avoid tearing down their hearts. Tandaan mo na makapangyarihan ang salita. It can either make or break you.
Minsan hinahanap natin ito sa ating mga magulang o mga taong mas matanda sa atin. Pero kung naisip mo ito, napag-isipan mo na din ba na kailangan din ng ating mga magulang at nakakatanda ang WOE?
Oo, lahat tao kelangan nito, regardless of their age. Lahat kasi nakakaramdam ng pain. Kahit nga bata eh. Sa pamamagitan ng salita, maari kang bumago ng buhay.
Pwede kang bumuhay ng mga namamatay na pag asa, mga tigang na batis ng pagmamahal at pagpapatawad.
4. Ipanalangin mo sila.
Di naman kelangan mahal(costly) kapag tumulong ka, gaya ng pag donate ng 10million sa isang orphanage. Madalas kelangan natin ng KAMAY para tumulong, BIBIG para manalangin, PUSO para sa magbigay ng compassion.
Higit sa lahat, KAILANGAN MO SI JESUS PARA MAKATULONG SA IBA, DAHIL HINDI KA MAKAKATULONG KUNG HINDI MO NARANASANG TULUNGAN.