Monday, April 28, 2014

KUWENTO AT DILA

Pastor Leo Duites


May iba't ibang kuwento ang tao:
May kuwentong totoo.
May kuwentong imbento.
May kuwentong nadagdagan.
May kuwentong binabawasan.
May kuwentong iniiba.
May kuwentong nanganganak.
May kuwentong pinapatay.
May kuwentong puro mali.
May kuwentong bagong-bago.
May kuwentong lumang luma.
May kuwentong may kabuluhan.
May kuwentong walang kuwenta.

Di lahat ng kuwento dapat pakinggan.
Di lahat ng kwento dapat paniwalaan.
Di lahat ng kuwento dapat ipasa sa kapwa.
Di lahat ng kuwento dapat ikuwento.

Mag-ingat sa mga taong sobrang makuwento.
Mag-ingat sa mga taong sobrang makitid ang pag-unawa.
Mag-ingat sa mga taong dagdag-bawas.
Mag-ingat sa taong walang kontrol ang dila. - ka leo

KAWIKAAN 10:19 "Ang taong masalita ay malapit sa pagkakasala, ngunit ang nagpipigil ng dila ay dunong ang pakilala."


No comments:

Post a Comment