Tuesday, December 13, 2011

First Year!

                 Sabi ng Professor ko sa Communication Evaluation, ang pinaka ayaw daw ng mga tao ay "evaluation" ayaw nila na makita ang pangit at mali sa kanila, o maaaring ayaw din nila ng criticism. Pero ang tao daw na nagpapa-evaluate ay looking for excellence. Sa pamamagitan daw kasi ng evaluation, natatama nya ang mali at lalo pang napaghuhusay ang mga tama niya.

Ang bilis ng panahon, ilang araw nalang pasko na. Nakakaisang taon na din ang blog na ito. September 2010 ko sinimulan mag blog patungkol sa buhay kristiyano ko. Simula ng nagseryoso ako kay Lord. 2009 palang eh nagba-blog na talaga ako. Tungkol nga lang sa buhay ng mga kaibigan ko, diary type kuno, third year high school ata ako noon. Teka, bakit ba ako napunta doon? Gusto kong magbalik tanaw(madalas daw kasing ginagawa yun bago matapos ang taon) sa isang taon kong puno ng kulay, pagbabago, pagma-mature, pagse-seryoso at paglago bilang isang anak ng Diyos!

Noong nakaraang taon 2010, ang gusto ko lang ay makagraduate ng High School at magka-boyfriend. Oo, magka boyfriend, dahil naiinggit ako sa mga kaklase ko noon, sila may boyfriend na, ako lang wala. So ang goal ko noon ay magkagraduate ng walang nagiging BF at magka BF pagkagraduate. Planado ang mga bagay na iyon, ang sabi ko sa sarili ko ay madaming lalaki sa papasukan kong University, gwapo at matatalino, for sure magkaka BF ako doon!

Pero iba ang kilos ng Diyos sa buhay ko, akala ko ay di ako makakapasok ng Kolehiyo dahil nagkasakit ako, pero way pala niya yun para mas kilalanin ko siya. Noong nagkolehiyo ako, ang goal ko ay acknowledge akong Christian ng mga classmates ko, di dahil sinabi ko, pero halata nila sa pagkilos at pananalita ko. Di naman ako nag fail sa goal kong iyon. Kasabay ng paggiging kolehiyo, sinabi ko din sa sarili kong magfo-focus ako sa ministry ko. So nagpaka active ako sa church kahit na busy ako sa school.

Pinagtuunan ko ng pansin ang mga BATA, discipleship every tuesday night. At di naman ako nawawalan, salamat sa mentor ko na si Juvy Orbiso, mine-mentoran niya ako noong nag-uumpisa palang ako. Sa totoo lang, di pa uso devotion sa akin noon. Kapag nagustuhan ko lang mag devotion, tsaka ako magsusulat. Pero nung mga panahon na iyon, gusto ko talagang magseryoso sa Diyos. Ang 2010 din ang year of encounter that I missed. Ilang beses kong namissed ang Encounter last year. Una kay ma'am Orbiso, next ay sa church, next ulit kila ma'am orbiso. Naunahan nga ako ng mga classmates ko nung High school na mag encounter (2011 na kasi ako nakapag encounter), pero God is always perfect, His time is never last nor early, just in time! Perfect!

Then, di din nagtagal ang mentoring ko with Ma'am Orbiso. Dumating na din ako sa ayoko ng Stagnant na Christian life, so September 2010, together with the other youth, we pray for a youth pastor, at hindi naman ipinagkait ni Lord yun!

October 2010, sinasanay na kaming mag devotion. October 3 ang una kong devotion, Sunday yun, at malamang gabi ko iyon ginawa. ang nakalagay sa devotion ko nun "to detect error, expose it to the light of God's truth". Medyo mali ang grammar at hindi ko din matandaan kung bakit iyan ang inilagay ko, basta ang alam ko lang, di talaga ako marunong mag devotion at kumokopya ako sa DAILY BREAD. So simula noong pagpasok ng October ay may youth pastor na kami, at yun ang una nyang ipinagawa sa amin, ang pag DE-DEVOTION.

Salamat at lifestyle ko na ang pagdedevotion, na kahit may palpak minsan, hindi mo talaga kakayaning wag mag devotion.

Pagdating naman ng kalagitnaan ng october ay may Cell Group na ang adopt sa akin, ang Cell group nila jumever, doon ko nakilala si Sir Janjo(taga history makers, na connected network ng dati kong mentor na si ma'am orbiso, accident? I don't think so). Nakaranas ulit ako ng may nag aalaga sa akin, cool dahil parang ka-edad lang namin ang cell leader. Panibagong experience, sinundan pa ito ng November na Hectic sa sched dahil sa mga convention ng AG at ng S3YD, doon ko na experience na umuwi ng bahay para lang magbihis, kumain, at maligo pagkatapos ay aalis ulit. Doon ko din napagtanto na true love waits dahil sa libro ni Joshua Harris, na hindi ko talaga pinalagpas at binili ko agad pagpasok ng 2011. Pagdating ng December, mas tumindi ang pagnanasa ko sa Diyos! Dahilsa Gathering of the Generals ng History Makers, ang tindi ng ginawa ng Diyos sa buhay ko noon, doon ko naranasan ang FIRE, fire to share the Word, fire to Win the World. Kakaiba talaga pag first time.

At sa paglaon ng 2011, ang tindi pa din ng Diyos sa buhay ko. Kung babalikan ko isa-isa ang bawat buwan at araw na nakalipas, lahat ay ipinagpapasalamat ko sa Diyos na buhay!

ONE YEAR OF GETTING SERIOUS WITH GOD... AND COUNTING!
I'm gonna finish this race, malayo pa ang tatakbuhin ko. Madami pang accomplishments sa buhay ang ibibigay ng Diyos sa akin, count it the MINISTRY, CELL, CHURCH, SCHOOL, FAMILY, CAREER, and my CHARACTER.

I'll be one of the Greatest Leader of this Generation that will Proclaim the Kingdom of God!
I am Eunice, Changed and Loved by God, A servant, A Disciple and a discipler, a cell leader, and a nation transformer!!!!

Friday, October 14, 2011

LIVE IT!

Knowledge is already given,it is one step to understand what's happening around us, yet learning is something that we should see. You can never say you learn something without applying it in your life, but still we can consider that as knowledge, a lifeless knowledge without a purpose.



Anong sense ng alam mo ang isang bagay pero wala namang nangyayari sa buhay mo. Naalala ko ang isang kwento ng napaka talinong TAO, magaling sa math, science at english, in fact nag e-excel siya sa academics. Pero pag uwi nya sa kanila, laging nagtataka ang tatay niya dahil sa mga simpleng utos nito ay hindi ito kayang gawin ng anak niya. Dahil dito nasabihan niya ng ganito ang anak niya "Matalino ka nga sa eskwela, pero bakit parang wala kang natutunan? Simpleng gawain lang ay hindi mo magawa ng maayos, hindi ka marunong sumunod!" ....Of course galit ang tatay niya, madalas siyang pagsabihan nito na gamitin niya ang talino niya sa buhay.




Sa totoo lang, ako ang batang iyan. Totoo na nag e-excel ako sa mga academics ko noong bata pa ako, kahit naman ngayon eh, pero madalas sabihin sa akin iyon ng Daddy ko, matalino nga ako pero ang bobo ko sa totoong buhay. Nagbalik tanaw lang ako sa kamusmusan ko at naaaninag ko ang sarili ko ngayon nasa kamusmusan ko noon.


Para daw mag mature ang tao, kailangan nito ng experience, hindi lang puro libro at test papers, kailangan natin ng experience. Ito kasi ang exam ng buhay, hindi para sa grade but for maturity. Eh bakit ba kasi kailangan mag mature? Well, para maintindihan ang mga bagay bagay, If I really want to live in a purposive life, I'll choose maturity.


Kung purpose in life ang hahanapin ko, sure ball ako kay Lord. Kung maturity lang din ang pag uusapan, sure ball din ako sa Kanya. Kung life ang pag uusapan sure ball ka din kay Lord, well All things sure ball ka sa kanya. Kaya I decided to get to know God, syempre BIBLE, Church, Devotion, Prayer and Mentor and BOOOOM, knowledge at dagdagan mo pa ng mga Conference, Convention and Seminars. All these things nakakatulong and it gives knowledge. Pero ang masaklap eh, parang bumalik nga ako sa pagkabata kung saan nag e-excel ako sa papel. Parang ganito yan, "Parang alam mo na hindi mo naman talaga alam"... wala kasing application.


Sabi ng youth pastor namin, "Nothing is learned until it is applied" isang malaking tama. Itinatatak ko ito sa isip ko, pero wala pa din. Sabi naman ng una kong mentor, na teacher ko nung fourth year high school ako "Change is a process, it is step by step." TUMPAK ulit. Pero how about the application?
Ang sagot? "I DO THE RADICAL APPLICATION" gawin mo na ngayon at wag mo na ipagpa mamaya.




Somehow, if failure comes because of disobedience madalas kang mag-iisip na ayaw mo na, i give up, i quit. But God will be there, His grace is more than enough, yun ang totoo, pero dahil nag e-emo ka, iiwasan mo si Lord. Ikaw ang lalayo, soon you'll quit, you'll give up and stop. Ang resulta back slide para sa mga mababaw.


Dati ko nang naisip to, pero chever ko lang ever! Mas mahalaga ang Lord sa akin, iniisip ko na TALO talaga ako kapag ang Diyos na ang nawala sa akin. Ako lang naman ang bumibitaw sa LORD, kaya ako din ang babalik.


Nag struggle ako sa devotion ko, I find out na puro information ang devotion ko at knowledge, walang application. Kung ia-apply ko naman, frustrated to the max talaga ako. Soon, it become worst. Problema na ang oras dahil super busy sa school at nadagdagan pa ito ng character problem ko, plus nagbasa ako ng online love story na hindi masyadong kilala. One of my weakness ay fantasy, isa kasing fiction story yun at nakakarelate ako, nasabi ko pa nga, kaya ko ding gumawa ng ganito. Nahihiya ako kay Lord, from 9pm to 4am gising ako just reading that trash. Fantasy keeps me away from the reality. It will capture me. At isa yun sa mga weakness ko. The next day, I need to talk to someone, who could undestand me, and I have Sarah my sister/classmate, one of my closest. Then, i told her to pray for me, parehas kami na yun ang weakness. Naalala ko tuloy ang binasa kong libro ni Joshua Harris ang "not even a hint"   at sinabi doon na, kapag na-identify mo ang weaknesses mo, run away from it. That day, hindi ako umuwi agad sa bahay, then sarah and I hang out. Para mas makapag usap kami.




Because of these things, i tried to refuse to teach one of the lesson ng Pre-En, di kasi ako ayos, ang buhay ko, character and life style. Nag struggle ako, somehow natatakot ako na if I go and teach, God would not be on my side and will left me. Pero.... Should I stop because of my mistakes? Should I left God with "I don't wanna serve you, I'm unworthy, try to find someone else". Should I? My Youth Pastor Said, "Grab every opportunity to serve God, if you refuse, Satan will surely make a party for you, but if you accept it, Jesus would be very proud of you!" Don't let Jesus down!




Struggles may hinder us from God, but a heart that loves serving and willing to be corrected will find a way to God. Let God moves, trust the Holy Spirit and don't Let Jesus Down! Live in a radical way, obedience and application. FIRE!