Thursday, August 25, 2011

KAKAiBA KA TALAGA

Natatawa ako na may halong tuwa habang binabasa ang instructions ng God kay Moses sa Mount Sinai, magtaka ka kung ano sa passage na iyon ang nakakatawa? Well, mamaya ko na irereveal. Pero grabe  ang enjoyment ko while reading it.


Dati kapag binabasa ko ang Bible, ang gusto ko lang ay magpaantok. Sabi kasi ng ibang tao kung gusto mong matulog o magpatulog, napaka effective daw ang pagbabasa ng Bible. Una, dahil hindi mo maintindihan sa sobrang lalim, mas nanaisin mo pang matulog. Pangalawa, wala ka talagang hilig magbasa at panghuli wala kang interes at tingin mo lang sa Bible ay simpleng libro..Umabot ako sa sitwasyong nagpa story telling nalang ako sa Daddy ko dahil di ko nga iyon maintindihan. Dahil doon, na enganyo ako at nag start mag basa. Pero wa epek." Ano bang problema? Bakit walang epekto at stagnant pa din ang spiritual life ko" natanong ko tuloy ang sarili. Hindi agad agad ang sagot ng Lord, madami palang paraan ang pagsagot niya, sa sitwasyon ko eh, proseso pala. Proseso ang paglago ng Spiritual life ko at proseso din upang maintindihan mo ang Bible.




Since nung nagkaroon ako ng mentor muli, I started doing my devotion. Interesado na ako sa Bible, dahil gusto ko din makilala more ang Diyos. Tama pala, mas naiintindihan ko na, may changes na! Pero may kulang pa din, papano ba magdevotion ng tama? Tama at patama sa sarili mo? Kelan nagiging obligasyon at responsibilidad ang devotion?




Naranasan ko na gumising sa umaga at magdevotion pero walang laman, tila ba mga salita nalang na ordinaryo ang Bible. Walang fire walang anything. PATAY!
PERO, hindi. Mali pala ako, hindi totoo na patay ang Bible, buhay ito at kahit na inaakala kong patay na ito, tsaka ko nadinig ang palakas na palakas na tibok nito. Buhay ang Bible, buhay ang salita ng Diyos, at gusto kong ma experience ang super extraordinary type ng devotion, hindi 
obligado, hindi responsibilidad pero devotion out from LOVE. Ang Love ko sa Diyos.




Kakaiba talaga ang Lord. Ang Prayer ko sa Kanya ay isang Letter at ang Salita Niya sa Bible ay ang sagot niya sa akin. Kakaiba ang Lord, hindi mo aakalain matatawa ka sa isang bagay na hindi naman nakakatawa at maiiyak ka sa bagay na hindi nakakaiyak. Grabe kumilos ang Holy Spirit! Superb. Ito na ang pagpapatuloy ng kwento ko;


Kaninang umaga I was reading Exodus 27 to 30, ito ay ang instructions ni God kay Moses sa mount Sinai. God was telling Moses the exact things that he must do. Natatawa ako while reading it, may nakita akong bagong character ni God na ikinasaya ko, ikinatuwa, mas lalo ko Siyang gustong makilala. Deeply wanting to know more about HIM. Akala ko Stiff God si Lord. Hindi pala. Based in Exo.27-30 1)God is for excellence.. gusto niya hindi yung the best pero yung excellent! 2).God is a Great Organizer.. natutuwa ako dahil God organizes things inside the tabernacle, organizes every details, every color, every type, everything! Haha.. In short Metikoloso si LORD, maarte ayaw ng magulo. Detalyado nga lahat, pati sukat meron. DA best talaga si LORD. 3). God is not Just Passionate but also Fashionable.. HAHA, bakit kamo? read there that God determine the Colors and other stuff. Grabe! Nag eenjoy ako, hindi baduy ang LORD, ikaw lang ang nagpapabaduy.

Dahil sa tatlong bagay na ito naisip ko, May karpentero kaya sa Langit? O ano kaya ang baong fashion statement ni God ngayon.



Don't get me wrong but as you can see, God wants us to see new things about Him. Hindi siya stiff God, rather He is also  a cool God. Thanks to the Bible, who speaks for God. Astig! I want more.. more of You LORD!

No comments:

Post a Comment