Medyo magda-drama lang ako.
Natatandaan mo pa ba nung magkakilala tayo at naging magkaibigan? Para kitang nililigawan, kapag nagte-text ka, agad agad akong sumasagot, kapag may problema ka agad akong nagpapayo. Natatandaan mo ba nung umiyak ka dahil sa mga problema mo, nakakatawa kasi ang awkward na sumandal ka sa balikat ko. Pero kahit na ganun natutunan kong na tanggapin ka ng buong buong.
Hindi lang kaibigan ang turing ko sa iyo, tinuring ding kitang kapatid at oo tinatawag kitang anak. Dahil sa naniniwala akong tinawag ako para mag disciple, ginawa ko yung mga alam kong ginawa ni Jesus sa mga disciples nya, pero mukhang hindi ata hanggang sa huli.
Alam kong nasa akin din ang problema, nagkulang ako ng panahon sa iyo. Natutuwa akong may mga bago kang kaibigan, at ang pinaka malapit sayo ngayon ay may malalim ding relasyon sa Panginoon.
Hindi ako nagseselos. Sa katunayan, I considered it pure joy to see you growing. Yun ang nais ko para sa iyo at maging sa mga iba pang inaalagaan ko.
Ngayon nais kong malaman mong nasasaktan ako dahil nararamdaman kong iniiwasan mo ako. Sana'y nagpaalam ka, mahirap kasing AWOL (absence without leaving). Natatakot akong kausapin ka at mangamusta dahil iisang sagot nanaman ang aking makukuha.. "okay lang po ako Ate."
Mahigit dalawang buwan na tayong di nagkakausap, bago pa nun di ka na din nakikipag usap sa akin o sa mga kasama natin sa Church. Gusto kitang makita at makausap. Gusto kong malaman mong mahal kita at masasabi kong malalim na ang pinagsamahan natin. Gusto ko ding malaman mong miss na kita.
Naisip ko lang, ganto din kaya ang nararamdaman ni Jesus nung iniwan sya ng mga disciples.
Sana magpaalam ka man lang or sana wag mong itapon lahat ng yon. Tye-tyempo lang ako ng magandang timing para makipag usap sa iyo. Kasama ka sa prayer list ko. Nawa'y lumago ka sa pananampalataya sa Panginoong Diyos.
Di kita kayang baguhin, ang kaya ko lang ay mahalin ka magbago man ang panahon. Ikaw ang kauna unahang tao na pinanalangin ko sa Panginoon para lumago sa pananampalaya. Ikaw din ang kaunanahang answered prayer ko about great commission.
Kung nagkulang man ako bilang discipler, sorry. Sorry Lord at sorry sayo.
Mula dito huhugot ako ng panibagong lakas para mag disciple muli, para magmahal muli, para mag invest muli kasi alam ko, ito ang career na worth working for and worth dying for.
I love you nak and never forget that Jesus loves you no matter what!