Thursday, February 24, 2011

Seventeen Years

Labing Pitong taon na pala ako nabubuhay sa mundo. Week long celebration ang kaarawan ko, slaamat sa aking pamilya, mga malalapit na kaibigan at marami pang iba. Wala man akong bisita sa aking kaarawan-- dahil wala naman ang bibisitahin, nasa school-- ay naging nasaya ito. Star Studded nga. Dahil noong nasa conference ako, dumating ang ilang artista ng ABS, at nagpamigay ng pera, pero di ako nakigulo. Masaya na ako sa nakikita ko.

Nasa bahay namin ang mama ko, (lola) And masaya ako dahil wala man ang mga kaibigan ko ay ramdam ko pa din ang presensya nila dahil sa mga nag text, tumawag at bumati sa facebook, maging sa personal. Akala ko ay magiging bitter nanaman ako sa ika-17 years ko sa mundong ibabaw. But I proved it wrong. Ang daming reasons ang ibinigay sa akin ni Lord para magsaya sa araw ng birthday ko, at boung month ng february.


Kung gaya ng pagbabaliktanaw ang gagawin ko ay baka maging nobela na ito. Medyo busy ako ngayon sa school, research, final requirements at mga library ang ginagawa ko plus typing. Ang sakit na nga sa likod, at gumagawa ako ng kwento. Finals namin sa filipino, iniba ko ang kwento ko. Tungkol ito sa Mata ng Bulag, matang bulag sa katotohanan ng buhay. gusto ko'ng bigyang diin ang napapansin ko sa lipunan at kahit medyo hindi reyalistik ang pagbubukas ng bulag na mata ng aking bidang karakter ay magiging makatotohanan ito sa paglaon ng istorya. Na eexcite na akong matapos iyon. At iniisp ko na din ang aking research paper na gagawin ko bukas. May report pa nga ako. Grabe! Pero masaya ako, tila ba hindi na din nakakaramdam ng pagod. Nagkakaroon pa nga ako ng pagkakataon mag facebook. Bukod sa eskwela ay, may mga dapat din akong uyusin sa ministry namin. Wala pa rin akong cellgroup na matino. Nawawala ang mga hinahawakan ko. Di pa ako ganun ka firm at kahanda para humawak. Lalo't higit sa sitwasyon ko. Malayo ang bahay ko. for Now, I'm still praying for my cellgroup. At naghahanda para sa Bigating Event ng aming Youth sa MARCH 26, sa katunayan, mayroon kaming isang bwan para mag handa, mag ready at manalangin.

Sa pagpasok ko sa ika-17 years ng aking buhay, napag alaman kong, I AM JUSTIFIED, at hindi dapat ako mag depend sa feelings. But trust Jesus that He died for me, His Death is more than enough to cover all my sins. And I  Submitted myself, for the Lord to work over all in my life,

Ang saya at nakaka bless. Iyan lang ang masasabi ko sa aking Birthday. Thank you Lord. Happy Edsa! 25 kasi ngayon. Heeheh.God bless

Sunday, February 20, 2011

Thank you

Birthday mo ngayon Its time to PARTEY!! whoooooaaah....


Count down na. bilang na ang araw ko bilang sweet sixteen. I'm turning seventeen. Ano ba ang nararamdaman ko? Ano ba ang inaabangan ko? Ano-ano ba ang plano sakin ng Diyos sa Pagpasok ko sa isa pang taon ng surpresa. Katulad noong nakaraang taon. Noong iiwan ko ang pagiging 15, naisip ko. Di ko man lang na enjoy, kaya pagdating ko ng 16 ko, ie-enjoy ko ang buong taon na iyon. Madami akong pagbabalik tanaw sa pagiging sweet sixteen. Madaming masasayang alala, at mga pagkakamali na nagpapatatag sa akin. Lalo't higit na isa na akong kolehiyo ngayon. Sweet Sixteen is very memorable. College plus clinging more unto God. Mas nag grow kasi ako since nung nag sixteen ako, self surveyed lang. Kidding aside, ang mga na experience ko sa sweet sixteen ay babaunin ko. Nakagraduate ako ng high school, naka pasok ako sa PUP bilang isang communication research student, lumawak ang network ko as a Christian, nakilala akong Christian ng mga bagong kong kaklase, lumalalim pa ang relasyon ko sa Diyos, naging consistent ang devotion ko, nagkaroon ako ng pagkakataon na umatteng ng iba't ibang seminars, nagkaroon ang Church ng youth Pastor, at higit sa lahat, nao-oversome ko ang mga weaknesses ko (bukod sa math). In terms of relationship status, napag alaman ko na di ako dapat magmadali, pagkatapos akong matulungan ng Lord sa pagbasa ng "I kissed Dating goodbye" ni Joshua Harris at "Lovestruck" ni Pastor ronald Molmisa, sa tingin ko ay nagmature ako pagdating dito, sabayan pa ng mga teachings ng youth pastor namin. KABOG! bongga ang sweet sixteen ko. Masaya at full of blessings.


Kung susumahin ko pala ang kabuuan ng taon ng pagiging sixteen, eh kulang na kulang ito. Madami pala akong blessings na natanggap at naranasan. Sa kabila ng pag-iisip na, mahina ako, hindi pala. Si Lord ang nagpapalakas sa akin Sabi nga sa Philippians 4:13 "I can do everything through Him who gives me strength".
At sa 2 araw na nalalabi, ano kaya ang verse na ibibigay ni Lord sa akin. What is the vision He will give me. Pala isipan pa. Waiting for His plan.


I'm very excited sa dadating na panibagong taon sa buhay ko. On Christ the Solid rock I will stand. YEAH BABY ! I'm turning seventeen :)))) Hallelujah... Here's the song for me




Thank You
33 Miles


What if in morning when I wake up 
Even before I fill my coffee cup 
I said thank You 
Thank You 

What if I look at the day and the hours ahead 
And before I move forward I bowed my head 
And said thank You 
Oh I said thank You 

What if I looked at my life in a different way 
Took a little more time to stop and pray 
I know it would change all the moments in between 
So here I go 

Thank You for everything 
Thank You for loving me 
It don?t even matter what tomorrow brings 
Well I will sing my 

Thank You for sun and rain 
For what You give and take away 
For all Your goodness I will always say 
Thank You 
Oh I'll say thank You 

What if I lost everything that I had 
I could smile and somehow still be glad 
And say thank You 
Thank you 

Cause life is joy, life is pain 
But the prayer on my heart will never change 
I say thank You 
Oh I?ll say thank You