Labing Pitong taon na pala ako nabubuhay sa mundo. Week long celebration ang kaarawan ko, slaamat sa aking pamilya, mga malalapit na kaibigan at marami pang iba. Wala man akong bisita sa aking kaarawan-- dahil wala naman ang bibisitahin, nasa school-- ay naging nasaya ito. Star Studded nga. Dahil noong nasa conference ako, dumating ang ilang artista ng ABS, at nagpamigay ng pera, pero di ako nakigulo. Masaya na ako sa nakikita ko.
Nasa bahay namin ang mama ko, (lola) And masaya ako dahil wala man ang mga kaibigan ko ay ramdam ko pa din ang presensya nila dahil sa mga nag text, tumawag at bumati sa facebook, maging sa personal. Akala ko ay magiging bitter nanaman ako sa ika-17 years ko sa mundong ibabaw. But I proved it wrong. Ang daming reasons ang ibinigay sa akin ni Lord para magsaya sa araw ng birthday ko, at boung month ng february.
Kung gaya ng pagbabaliktanaw ang gagawin ko ay baka maging nobela na ito. Medyo busy ako ngayon sa school, research, final requirements at mga library ang ginagawa ko plus typing. Ang sakit na nga sa likod, at gumagawa ako ng kwento. Finals namin sa filipino, iniba ko ang kwento ko. Tungkol ito sa Mata ng Bulag, matang bulag sa katotohanan ng buhay. gusto ko'ng bigyang diin ang napapansin ko sa lipunan at kahit medyo hindi reyalistik ang pagbubukas ng bulag na mata ng aking bidang karakter ay magiging makatotohanan ito sa paglaon ng istorya. Na eexcite na akong matapos iyon. At iniisp ko na din ang aking research paper na gagawin ko bukas. May report pa nga ako. Grabe! Pero masaya ako, tila ba hindi na din nakakaramdam ng pagod. Nagkakaroon pa nga ako ng pagkakataon mag facebook. Bukod sa eskwela ay, may mga dapat din akong uyusin sa ministry namin. Wala pa rin akong cellgroup na matino. Nawawala ang mga hinahawakan ko. Di pa ako ganun ka firm at kahanda para humawak. Lalo't higit sa sitwasyon ko. Malayo ang bahay ko. for Now, I'm still praying for my cellgroup. At naghahanda para sa Bigating Event ng aming Youth sa MARCH 26, sa katunayan, mayroon kaming isang bwan para mag handa, mag ready at manalangin.
Sa pagpasok ko sa ika-17 years ng aking buhay, napag alaman kong, I AM JUSTIFIED, at hindi dapat ako mag depend sa feelings. But trust Jesus that He died for me, His Death is more than enough to cover all my sins. And I Submitted myself, for the Lord to work over all in my life,
Ang saya at nakaka bless. Iyan lang ang masasabi ko sa aking Birthday. Thank you Lord. Happy Edsa! 25 kasi ngayon. Heeheh.God bless
No comments:
Post a Comment