Wednesday, January 26, 2011

Lima.

valentine na BABY <3 hearts
everywhere.
Limang araw nalang Pebrero na!. Chineese New year? MALI!... Birthday ko? Pwede. Lovelife? Oo.

Ang pebrero daw araw ng mga puso. Ewan ko ba sino nagpauso niyan. Bakit ba kasi february pa? Base sa naalala ko na sinabi ng teacher ko nung grade five eh base daw yun sa greek mythology. Well, ayoko nang mag research, kaya kung gusto mo i check kung tama. Go for it! Basta arbitrary na ito. February Araw ng mga puso " VALENTINES DAY". Ngayong Buwan uso ang SMP! pero hindi na naman pasko eh, Samahan ng malalamig ang Pebrero!. Oha? Pero kailangan ba ng karelasyon sa february? O kailangan ba talaga ng Boyfriend o Girlfriend para sumaya?


Hmm.. I admire Pastor Ronald Molmisa, Author ng Lovestruck. I used to read his blogs. And natutuwa ako, gusto ko siya gayahin, pangarap ko rin magsulat ng libro. Pangarap ko rin maging isang magaling na manunulat. Na inspire niya ako. Ayokong maging Plagiarism ang gagawin ko. Kasi pebrero, usaping pag ibig nanaman ito. Kaya, Ishe-share ko nalang ang karanasan ko sa buhay pag ibig.


LIMA, limang araw nalang pebrero na, araw ng mga puso, Chineese new year, lovapalooza, chocolates, valentine parties at marami pang nakakakilig na mga bagay.Bakit ba kasi naisip ko pang magsulat patungkol sa countdown ng pebrero? Una, dahil February is my month. Pebrero ako pinanganak. Sabi nila(social norms) kulang kulang daw kaming mga pebrero, bugnutin at mahirap daw mahalin. Aba? Meganun!!!!. Mantakin mo yun, bwan lang ng kapanganakan mo eh, hinuhulaan na agad kung ano ang meron sayo. So much for february.. Ito ang isa pa sa mga dahilan kung bakit ako magsusulat patungkol sa pag ibig...Unang pumasok sa isip ko ay ang past and present crushes ko. Naks, kilig momment! Sige balik tanaw sa High School at nitong first Semester.

Noong High school ako, meron akong barkada, ang WEIRDZ, we are 12 in all, 8 boys and 4 girls. Bukod dun eh, Close ako sa mga kaklase kong lalaki. At close din ako sa crush ko na nasa church. I find myself wrong to engage with that kind of close friends-relationship. Lalo na sa panahon ngayon. I promised to God, to my dad and mom na ga-graduate ako ng High school nang walang nagiging boyfriemd. And yes! nagawa ko yun. Yung lang ang motto ko noong fourth year, since nagbu-bloom na ang buhay pag-ibig, ay Bawal Magkaboyfriend pero it doesn't mean na bawal din akong magmahal. I keep that to myself, I can have crushes and admiration and infatuation. Pero hanggang dun lang. Later on, after I graduated, I learned to flirt, which is a very wrong deed. I'm sharing this di para tularan nyo, but to set as a lesson. At habang nakikita ko na I went beyond the limit, i began to pray for the one God will give me. Nag struggle ako last year sa pag-ibig. Peer pressure plus curiousity plus experience-sake ang dahilan ko kung bakit gusto ko magka boyfriend. Wala lang, para may experience lang. And then I began to dream about a certain guy, close sa akin. And I continue to pray, at napapanaginipan ko siya continually. I asked the Lord, "Panginoon, vision ba ito?"... and i felt something weird and different sa actions ng taong ito. We're not that open to each other before and it's totally different. I have crush on him, before when i was 13, hehe ang bata no? Crush lang naman. Then I killed that infatuation, baka makasira sa ministry. And It was the right thing to do.  Moving on, I get closer to him, and we both have common priority, To serve, To love, To live for GOD. So I read books on relationships. I have read Pastor Molmisa's Lovestruck and Joshua Harris's I kissed dating Goodbye. And it helped me a a lot. Na over come ko na ang lovelife. LIMA? malay mo, limang taon pa bago ako pumasok sa relasyon. I firmly believe LOVE IS WAITING. God is Love, Patience is to wait and to wait is a worth it decision in life.



Don't waste time. If love doesn't come, use your singleness as a gift, and as an opportunity to serve God at your best. Don't be deceive by your heart. Search God. He is love. Live in purity, learn to wait. LIMAng araw bago mag pebrero. Ano? sasali kaba sa SMP( samahan ng malalamig ang pebrero) o SNP( samahan ng nagmamahal sa panginoon)-- Credits to: Pastor Ronald Molmisa.

What If?

Di ko alam kung ano isusulat ko ngayong gabi, somehow past time ko nalang siguro ito. Wala pa akong devotion, at gagawa palang ako. Wala lang, gusto ko lang na may maipost ko kahit irrelevant ang dating, at kahit wala naman talagang nagbabasa nito kung hindi ako, kung di ko pa sabihin na basahin ng mga kaibigan ko eh, walang mangangahas na magbasa nitong blog ko.

Sa totoo lang, masaya ako na hindi. Masaya dahil alam ko na nariyan parin ang Diyos at kasama ko Siya sa mga hamon ng buhay. Malungkot dahil, di ko nagagawa ang mga dapat na ginagawa ko para maibalik sa Kanya ang kabutihan Niya sa buhay ko.

May mga circumstances na gumagamit si Lord ng tao para makabawas ng Stress natin (I guess), minsan naman para makadagdag sa stress natin. That's how I think. Pero may kokontra sa akin, at kumontra. Depende daw sa tao yun kung paano niya i-hahandle. Well, I used to find friends na masasabihan ko ng saloobin ko. But, I know it's best if we turn to God first before our friends. Unahin si Lord. Then turn to your friends for more advice. Paano naman ako? Eh, halos di ko nakikita ang mga friends ko, at nag i-struggle ako maghanap ng totoong kaibigan sa loob ng paaralan. Kung hindi naman conflict sa ugali, eh sa kasarian naman ang conflict. Close ako sa mga lalaki, and I know it's risky to get close so much. Dapat may limit. At dapat may sister ka talala. Your best friend. REAL best friend. Well in that way, makakahanap ka ng solusyon sa mga suliranin mo.

What If? lahat nalang ng maisip mo na tanong eh, what if? Pero the only this I can assure you is Jeremiah 29:11.. Read, learn and live :)

Thursday, January 13, 2011

Wasting Time?

Kung Kolehiyo ka na, alam ko na naranasan mo na ito.. Ang mag computer, mag bukas ng FB, FS, YM, twitter at iba'y ibang social networking sites, sa araw bago ang midterm mo, finals at mga requirements sa mga major subjects. Paano, mas gusto mo kasing mag rush at mag cram sa araw ng pagpasa ng mga requirements at pag rereview sa araw ng exam. Nakakatawa 'no? At kapag bigayan na ng resulta ng test, mag aalburuto ka. Mag sisisi, at sabay nangako sa sarili, "Pagbubutihin ko next sem!". Nangako pa! Itaga mo pa sa bato, bungad sa mga kaklase, mga kaibigan at very supportive na magulang!


Napapansin ko yan sa sarili ko, gaya ngayon. Dapat ay gumagawa ako ng report ko sa major subject ko, Communication theories and models, at dapat nag rereview din ako sa isa pang major subject ko, dahil midterm na next week. Ewan ko ba, gusto ko laging nagka-cram. Always lsat minute. Kapag tinamaad ka nga naman ng katamara oh, lahat na ng excuses para gawin ang dapat gawin, hahanapan mo ng butas. Nature ko na siguro yun.    As a matter of fact, midterm ko kanina sa Algebra, at oo, nag aral lang ako nung umaga na at ilang oras nalang ang nalalabi, dadating na ang professor namin. Naku! buti may nasagot ako, pero expected ko na mababa ang makukuha ko'ng grades. Kasabay pa nito, di ko inayos ang essay ko sa filipino. Hanep! parang diary epek tong blog na ito. Sa mga nakakabasa nito, maaring nakakarelate kayo sa akin o baka iniisip nyo na isa lang akong batang walang magawa at nag we-wasting time sa blogspot na ito. Isang tao na kulang sa pansin, at nag uubos ng pera para ipang bayad sa  computer shops. Well, para sa akin, lahat ng bagay may kabuluhan. Maaring habang binabasa mo ito, marami pang bagay ang naglalaro sa isipan mo. Di ko alam kung ano-ano yun. Ang panigurado ko lang, TAMA ang iniisip mo. Malay ko ba kung anu yon.


See that? isa ito sa mga paraan ko para makaiwas sa trabaho sa school. Mag blog ng wala lang. Pero stress free din ang pagpopost ko. Ikaw ba naman ang mag aral ng 4 days kasama ang mga number, di ka ba naman magkatagyawat sa ilong at pisngi! Mantakin mo yun!. nainlab ka sa mga numbers! haha.. I find my self wasting time when i use to run from what I must be doing. Parang ito. Pero, minsan kailangan natin iwasan ang pag ka-cram. I have learned my lesson. And to repeat the same mistake is Stupidity. Sabi yan ng prof ko. Medyo tumpak, pero, mas ok ata ito, "Nothing is learned until it is applied".Sabi yan ng youth pastor namin. Di pa ako natuto hangga't di ko na-aapply sa buhay ko. Oh Boy! tama si Pastor. Kailangan ng changes. Kailangan nang kalimutan ang dating gawi, kagaya nito. Maybe this time, nasa gitna ito. I waste my time for something I might not waste in the future. Para masaya, don't waste your time, Ito lang ang bagay na hindi mo na maibabalik. Better review na sa aking mga lessons. It feels great on reflecting on your own lifestlye. Change Kapatid.

Tuesday, January 4, 2011

PAKIRAMDAM

Dalawang post para sa gabing ito, di naman siguro masama. Para lang maiba at msaya ang istorya.

Pangalawang araw pala ngayon ng pasukan! Hay!!!.. Linggo palang ng gabi, nagpost agad ako sa FB ng Kissed Your Sweet Vacation Goodbye!. Paano ba naman eh, ang sarap at ang saya ng bakasyon, halos bitin pa nga ako. Lunes palang eh, tukso agad ang pambungad ng aking mga butihing mga kamag-aral sa akin. New Year, New Look. Bakit nga ba naging unat ang buhok ko? PAKIRAMDAM ko kasi mas ok ang straight na buhok, di kasi buhaghag. Di ko naman sinabi na ikakaganda ko ang pagpapa unat ng buhok. Kanya kanyang trip yan. Di man kami sinipot ng Filipino at English namin eh, masaya naman kahit papaano ang unang raw ng klase. Grabe parang kahapon lang yun, pero parang ang tagal tagal na. Ganun ba talaga pag malamig? PAKIRAMDAM ko tuloy nag iisa ako. Dumating na ang araw ng Martes, aba! 12pm pala ang klase ko, kala ko eh ligtas na ako sa trabahong bahay, di pala. Kailangan ko maglaba ng mga damit.Wash Day ko pala. PAKIRAMDAM ko kasi, senyorita nanaman ako. Umalis ako ng bahay ng 11:15, PAKIRAMDAM ko kasi, malelate na ako. At Oo, late nga ako. Nakiramdam ako kung ayos ba ang mood ng klase, PAKIRAMDAM ko nagkakasiyahan sila, at kung ano-ano nanaman ang ikinikwento ni tatay. Pagpasok ko, PAKIRAMDAM ko na ookrayin na ako dahil late nanaman ako at nagkakasiyahan sila! PATAY, sakin nanaman ang atensyon nito. At di nga ako nagkamali, pumasok ako nang parang wala lang at tipong sinakyang ang mga birong narinig, PAKIRAMDAM ko kasi, immune na ako doon. Nagtatanong pala si sir tungkol sa Christmas at New year. Nang ako na ang tatanungin, kung ano nangyari sa Christmas ko o New year, handa akong sumagot, pero isang mabutihing kaibigan ang sumagot para sa akin. "Nagpa straight po Siya", na siya naman nag bigay daan para okrayin ako ni tatay. "Ok lang sana kung buhok ang pinapa straight, pero kailangan din yung mukha".. Joke yun alam ko, pero ... PAKIRAMDAM ko, sobrang napahiya ako. Nakababa iyong ng self steem ko. Panandaliang tawanan man iyon at katuwan sa karamihan, sa akin, tatatak iyon, mag iiwan ng paalala, mag iiwan ng bakas ng PAKIRAMDAM.


Sa buhay natin, kailangan makiramdam at matutong makiramdam. Sino ba naman ang gustong makipag usap sa taong walang pakiramdam, walang reaksyon walang kahit ano. Lahat ng Tao, alam ko biniyayaan ng Diyos ng PAKIRAMDAM, sobra man o konti, mayroon parin. Ang mahalaga ay maalala mo ang salitang pakiramdam sa mga oras na swak at karapat-dapat gamitan. Too much is bad, too less is also bad. MODERATE lang. Wag OA sa sensitivity, overcome it, at huwag rin OA sa puntong wala kang pakiramdam sa kausap mo. May limitation ang lahat ng bagay. Alamin mo lang kung nasaan kana, dapat pa bang ipagpatuloy? o bahagyang huminto, mag isip kung may nasabing mali. PAKIRAMDAMAN MO.

Welcome 2011

Di pa naman siguro ako huli no? January 4 palang naman ngayon, kaya new year pa din. Di ako nakapagpost nung Christmas at New year. Well para sa pag update ng buhay ko, ikekwento ok ito, halos sariwa pa sa aking mga alala, parang nung isang taon lang yun.

Kakatapos ko lang Mag facebook. Napaka dami kong dapat isulat ngayon, maaga pa ang klase ko bukas, pero mukhang kailangan ko mag post para maging unang entry ko ngayong taon na ito, feeling ko tuloy eh isa na akong sikat na blogger, echos lang naman! So much stories to tell. Madaming nangyari na di ko na nailagay dito. Pero syempre, gusto kong ilagay iyon dito.

Welcome 2011, Year Of Victory!. Di metal rabbit, gaya nang sabi sa Fung Shui. ang 2011 Victory sabi ng Lord. After ng Christmas, excited na ako para sa pinakahuli kong event na pupuntahan sa taong 2010, ang GATHERING OF THE GENERALS ng History Makers. Ang araw bago ako pumunta doon sa cuneta, ramdam ko ang excited feeling, nag iisa man ako sa upuan at walang kakilala ni isa man sa mga nakatabi ko GORA parin. Nung una nag aalangan pa ako kung ma eenjoy ko ba yun? Nasa VIP ang mga ka cell group ko, at ako, nag iisa sa bleachers, la kausap, la kakwentuhan. Tinawagan ko si Sir Janjo, ang cell leader ko, sabi niya "ano ba ang pinunta mo dito? Ang VIP seat ba?".. that reminds me kung ano ba ang objective ko bakit ako umatend sa Gathering of the Generals. SI LORD ANG DAHILAN kung bakit ako nandun. Napakalaki ng impact sa akin ng event na iyon, napakadami kong natutunan at gustong i-apply pag alis ko sa lugar na iyon. So I prayed, " Ayoko na ng ganito! everytime nalang na nasa conference ako at mga seminar nandoon yung kaisipan na KAYA KO TO! pero pag actual na wala na yung excited feeling na magbahagi, wala na yung Fire!. Lord, help me. Dadalin ko ang fire mo pag alis ko sa lugar na iyon" Later that day, araw ng EB ng clan ng G4C ang clan ng GANG. Nag pray ako sa Lord, take that as an opportunity na mag share ng salita niya. Right then, 8 souls ang tumanggap sa Lord, Wow! work ng Holy Spirit. Itinuturi kong regalo sa Diyos ang mga souls na iyon. Dapat alagaan, dapat palaguin. Dadating ang new year, pero wala akong iniisip kundi sila! Sana pumunta sila sa sunday at mga sana sa isipan ko. I prayed for revival sa church pagdating nung Sunday, and I praise God, dahil nagdala Siya ng new souls sa congregation, mostly mga youth! Nabuhayan ako lalo ng loob, at hanggang sa ngayon araw ng Martes, I keep on planning para sa darating na friday.. Ano kaya ang gagawin namin. May nakapag share sakin nito, di ko lang matandaan kung sino at saan ko ito narinig. " Di na uso ang mga planning planning, Alisin na yan program! Let Us Depend on the work of the Holy Spirit." Kailangan mag depend sa Holy Spirit. We can't do it alone, we need God to help us.


2011 is for Victory, we won souls for God, and we will continue so. Like Paul, We will fight, win and preserve!. I'm looking forward on God's plan in my life, sa Ministry ko, School at pamilya. I want to use my singleness as a gift! A great blessing!. Wala na akong oras, isang buwan at ilang araw nalang eh magdadagdag nanaman ako ng bilang sa aking edad. Mula sa Sweet Sixteen, Say Hello to Victorious Seventeen. I know God will continue to Use me in His Goodness! Hallelujah! God bless us all. Welcome 2011