Thursday, January 13, 2011

Wasting Time?

Kung Kolehiyo ka na, alam ko na naranasan mo na ito.. Ang mag computer, mag bukas ng FB, FS, YM, twitter at iba'y ibang social networking sites, sa araw bago ang midterm mo, finals at mga requirements sa mga major subjects. Paano, mas gusto mo kasing mag rush at mag cram sa araw ng pagpasa ng mga requirements at pag rereview sa araw ng exam. Nakakatawa 'no? At kapag bigayan na ng resulta ng test, mag aalburuto ka. Mag sisisi, at sabay nangako sa sarili, "Pagbubutihin ko next sem!". Nangako pa! Itaga mo pa sa bato, bungad sa mga kaklase, mga kaibigan at very supportive na magulang!


Napapansin ko yan sa sarili ko, gaya ngayon. Dapat ay gumagawa ako ng report ko sa major subject ko, Communication theories and models, at dapat nag rereview din ako sa isa pang major subject ko, dahil midterm na next week. Ewan ko ba, gusto ko laging nagka-cram. Always lsat minute. Kapag tinamaad ka nga naman ng katamara oh, lahat na ng excuses para gawin ang dapat gawin, hahanapan mo ng butas. Nature ko na siguro yun.    As a matter of fact, midterm ko kanina sa Algebra, at oo, nag aral lang ako nung umaga na at ilang oras nalang ang nalalabi, dadating na ang professor namin. Naku! buti may nasagot ako, pero expected ko na mababa ang makukuha ko'ng grades. Kasabay pa nito, di ko inayos ang essay ko sa filipino. Hanep! parang diary epek tong blog na ito. Sa mga nakakabasa nito, maaring nakakarelate kayo sa akin o baka iniisip nyo na isa lang akong batang walang magawa at nag we-wasting time sa blogspot na ito. Isang tao na kulang sa pansin, at nag uubos ng pera para ipang bayad sa  computer shops. Well, para sa akin, lahat ng bagay may kabuluhan. Maaring habang binabasa mo ito, marami pang bagay ang naglalaro sa isipan mo. Di ko alam kung ano-ano yun. Ang panigurado ko lang, TAMA ang iniisip mo. Malay ko ba kung anu yon.


See that? isa ito sa mga paraan ko para makaiwas sa trabaho sa school. Mag blog ng wala lang. Pero stress free din ang pagpopost ko. Ikaw ba naman ang mag aral ng 4 days kasama ang mga number, di ka ba naman magkatagyawat sa ilong at pisngi! Mantakin mo yun!. nainlab ka sa mga numbers! haha.. I find my self wasting time when i use to run from what I must be doing. Parang ito. Pero, minsan kailangan natin iwasan ang pag ka-cram. I have learned my lesson. And to repeat the same mistake is Stupidity. Sabi yan ng prof ko. Medyo tumpak, pero, mas ok ata ito, "Nothing is learned until it is applied".Sabi yan ng youth pastor namin. Di pa ako natuto hangga't di ko na-aapply sa buhay ko. Oh Boy! tama si Pastor. Kailangan ng changes. Kailangan nang kalimutan ang dating gawi, kagaya nito. Maybe this time, nasa gitna ito. I waste my time for something I might not waste in the future. Para masaya, don't waste your time, Ito lang ang bagay na hindi mo na maibabalik. Better review na sa aking mga lessons. It feels great on reflecting on your own lifestlye. Change Kapatid.

No comments:

Post a Comment