Dalawang post para sa gabing ito, di naman siguro masama. Para lang maiba at msaya ang istorya.
Pangalawang araw pala ngayon ng pasukan! Hay!!!.. Linggo palang ng gabi, nagpost agad ako sa FB ng Kissed Your Sweet Vacation Goodbye!. Paano ba naman eh, ang sarap at ang saya ng bakasyon, halos bitin pa nga ako. Lunes palang eh, tukso agad ang pambungad ng aking mga butihing mga kamag-aral sa akin. New Year, New Look. Bakit nga ba naging unat ang buhok ko? PAKIRAMDAM ko kasi mas ok ang straight na buhok, di kasi buhaghag. Di ko naman sinabi na ikakaganda ko ang pagpapa unat ng buhok. Kanya kanyang trip yan. Di man kami sinipot ng Filipino at English namin eh, masaya naman kahit papaano ang unang raw ng klase. Grabe parang kahapon lang yun, pero parang ang tagal tagal na. Ganun ba talaga pag malamig? PAKIRAMDAM ko tuloy nag iisa ako. Dumating na ang araw ng Martes, aba! 12pm pala ang klase ko, kala ko eh ligtas na ako sa trabahong bahay, di pala. Kailangan ko maglaba ng mga damit.Wash Day ko pala. PAKIRAMDAM ko kasi, senyorita nanaman ako. Umalis ako ng bahay ng 11:15, PAKIRAMDAM ko kasi, malelate na ako. At Oo, late nga ako. Nakiramdam ako kung ayos ba ang mood ng klase, PAKIRAMDAM ko nagkakasiyahan sila, at kung ano-ano nanaman ang ikinikwento ni tatay. Pagpasok ko, PAKIRAMDAM ko na ookrayin na ako dahil late nanaman ako at nagkakasiyahan sila! PATAY, sakin nanaman ang atensyon nito. At di nga ako nagkamali, pumasok ako nang parang wala lang at tipong sinakyang ang mga birong narinig, PAKIRAMDAM ko kasi, immune na ako doon. Nagtatanong pala si sir tungkol sa Christmas at New year. Nang ako na ang tatanungin, kung ano nangyari sa Christmas ko o New year, handa akong sumagot, pero isang mabutihing kaibigan ang sumagot para sa akin. "Nagpa straight po Siya", na siya naman nag bigay daan para okrayin ako ni tatay. "Ok lang sana kung buhok ang pinapa straight, pero kailangan din yung mukha".. Joke yun alam ko, pero ... PAKIRAMDAM ko, sobrang napahiya ako. Nakababa iyong ng self steem ko. Panandaliang tawanan man iyon at katuwan sa karamihan, sa akin, tatatak iyon, mag iiwan ng paalala, mag iiwan ng bakas ng PAKIRAMDAM.
Sa buhay natin, kailangan makiramdam at matutong makiramdam. Sino ba naman ang gustong makipag usap sa taong walang pakiramdam, walang reaksyon walang kahit ano. Lahat ng Tao, alam ko biniyayaan ng Diyos ng PAKIRAMDAM, sobra man o konti, mayroon parin. Ang mahalaga ay maalala mo ang salitang pakiramdam sa mga oras na swak at karapat-dapat gamitan. Too much is bad, too less is also bad. MODERATE lang. Wag OA sa sensitivity, overcome it, at huwag rin OA sa puntong wala kang pakiramdam sa kausap mo. May limitation ang lahat ng bagay. Alamin mo lang kung nasaan kana, dapat pa bang ipagpatuloy? o bahagyang huminto, mag isip kung may nasabing mali. PAKIRAMDAMAN MO.
No comments:
Post a Comment