Di pa naman siguro ako huli no? January 4 palang naman ngayon, kaya new year pa din. Di ako nakapagpost nung Christmas at New year. Well para sa pag update ng buhay ko, ikekwento ok ito, halos sariwa pa sa aking mga alala, parang nung isang taon lang yun.
Kakatapos ko lang Mag facebook. Napaka dami kong dapat isulat ngayon, maaga pa ang klase ko bukas, pero mukhang kailangan ko mag post para maging unang entry ko ngayong taon na ito, feeling ko tuloy eh isa na akong sikat na blogger, echos lang naman! So much stories to tell. Madaming nangyari na di ko na nailagay dito. Pero syempre, gusto kong ilagay iyon dito.
Welcome 2011, Year Of Victory!. Di metal rabbit, gaya nang sabi sa Fung Shui. ang 2011 Victory sabi ng Lord. After ng Christmas, excited na ako para sa pinakahuli kong event na pupuntahan sa taong 2010, ang GATHERING OF THE GENERALS ng History Makers. Ang araw bago ako pumunta doon sa cuneta, ramdam ko ang excited feeling, nag iisa man ako sa upuan at walang kakilala ni isa man sa mga nakatabi ko GORA parin. Nung una nag aalangan pa ako kung ma eenjoy ko ba yun? Nasa VIP ang mga ka cell group ko, at ako, nag iisa sa bleachers, la kausap, la kakwentuhan. Tinawagan ko si Sir Janjo, ang cell leader ko, sabi niya "ano ba ang pinunta mo dito? Ang VIP seat ba?".. that reminds me kung ano ba ang objective ko bakit ako umatend sa Gathering of the Generals. SI LORD ANG DAHILAN kung bakit ako nandun. Napakalaki ng impact sa akin ng event na iyon, napakadami kong natutunan at gustong i-apply pag alis ko sa lugar na iyon. So I prayed, " Ayoko na ng ganito! everytime nalang na nasa conference ako at mga seminar nandoon yung kaisipan na KAYA KO TO! pero pag actual na wala na yung excited feeling na magbahagi, wala na yung Fire!. Lord, help me. Dadalin ko ang fire mo pag alis ko sa lugar na iyon" Later that day, araw ng EB ng clan ng G4C ang clan ng GANG. Nag pray ako sa Lord, take that as an opportunity na mag share ng salita niya. Right then, 8 souls ang tumanggap sa Lord, Wow! work ng Holy Spirit. Itinuturi kong regalo sa Diyos ang mga souls na iyon. Dapat alagaan, dapat palaguin. Dadating ang new year, pero wala akong iniisip kundi sila! Sana pumunta sila sa sunday at mga sana sa isipan ko. I prayed for revival sa church pagdating nung Sunday, and I praise God, dahil nagdala Siya ng new souls sa congregation, mostly mga youth! Nabuhayan ako lalo ng loob, at hanggang sa ngayon araw ng Martes, I keep on planning para sa darating na friday.. Ano kaya ang gagawin namin. May nakapag share sakin nito, di ko lang matandaan kung sino at saan ko ito narinig. " Di na uso ang mga planning planning, Alisin na yan program! Let Us Depend on the work of the Holy Spirit." Kailangan mag depend sa Holy Spirit. We can't do it alone, we need God to help us.
2011 is for Victory, we won souls for God, and we will continue so. Like Paul, We will fight, win and preserve!. I'm looking forward on God's plan in my life, sa Ministry ko, School at pamilya. I want to use my singleness as a gift! A great blessing!. Wala na akong oras, isang buwan at ilang araw nalang eh magdadagdag nanaman ako ng bilang sa aking edad. Mula sa Sweet Sixteen, Say Hello to Victorious Seventeen. I know God will continue to Use me in His Goodness! Hallelujah! God bless us all. Welcome 2011
No comments:
Post a Comment