Tuesday, December 31, 2013

Welcome 2014

Adapted prayer from Jeremiah.

Ah, Sovereign Lord, you have made the heavens and the earth by your great power and outstreched arm. Nothing is too hard for you. You show love to thousands but bring punishment for the fathers' sins into the laps of their children after them. O great and powerful God, whose name is the Lord Almighty, great are your purposes and might are your deeds. Your eyes are open to all the ways of men; you reward everyone according to his conduct and as his deeds deserve. You performed miraculous signs and wonders in Egypt and have continued them to this day, both in Israel and among all mankind, and have gained the renown that is still yours.

Jeremiah 32:17-20


Salamat po Panginoon sa lahat ng bagay na nangyari nitong 2013. Masaya ako dahil kasama kita nung pumasok at lumabas sa taong iyon. Ganoon din naman ngayon 2014, kasama kitang pumasok at simulan ang taong ito. Alam ko pong may plano kang mas maganda sa plano ko sa  taon na ito. Panalangin ko po na patuloy mong pagpalain ang aking buhay at extended sa mga tao sa paligid ko at sa pamamagitan nito makita at ma witness ng lahat na Ikaw Panginoon ay Diyos na walang katulad. Yung lahat ng nangyayari sa akin laging ikaw ang sentro. Parang may reflector yung buong katauhan ko at sayo lagi ang balik. Panginoon, sa Iyo po ang lahat- ang taong ito at ang buhay naming lahat. Mahal po kita! Happy New year! *Hugs and Kisses* :)

Tuesday, December 10, 2013

What should you boast about?

JEREMIAH 9:23-24

This is what the LORD says:

"Let not the wise man boast for his wisdom or the strong man boast of his strength or the rich man boast of his riches, but let him who boasts boast about this:

"he understands and knows me, that I am the LORD who exercises kindness, justice and righteousness on earth for this I delight" 

Declares the LORD 

Sunday, December 8, 2013

Kababata ko pala

Lahat ng pangyayari sa buhay natin ay may dahilan. Kapag may nakasalubong ka sa daan o kapag binati ka ng good morning ng kapitbahay mo lahat iyon ay may dahilan. Kahit yung mga masasamang pangyayari sa buhay mo may dahilan din yan.

Nagturo ako sa alternative learning system (ALS), isang sistema na nagbibigay ng pagkakataon sa mga matatanda at out of school youth na hindi nakapagtapos ng high school. Values class ang itinuturo ko sa kanila. Ginaganap ito sa loob ng aming church tuwing lunes. Mahigit 200 estudyante ang aking nakakasalamuha sa values class. Konting inspirasyon at salita ng Diyos ang ibinabahagi ko sa kanila. Isang araw, pagkatapos kong maturo ng true love waits at magpatawag ng mga batang gustong magpalinis sa Panginoon at handang tanggapin si Hesus bilang Diyos at tagapagligtas nila- may isang babae ang higit na pumukaw ng atensyon ko. Nalaman ko sa akin co-youth worker ang pangalan nya. Itatago ko sya sa pangalang 'Lyn'.

Sa aking pagsisiyasat, napag alaman kong malaki ang problem nitong si Lyn. Siya ay 18yrs old na at isang batang ina. Sa edad na 17 nagbuntis siya. Naisip kong matindi ang magiging testimony ng batang ito kapag nakakilala at lumalim ng pananampalataya sa Diyos.


Naging active sya sa pag aattend sa aming youth service. Sa kanyang pag attend mas lalo ko pang nakakwentuhan si Lyn. May sakit pala ang anak niya, G6PD. Ito ay namamanang sakit. Komplikasyon ito sa dugo kung saan kulang ang enzyme glucose-6 phosphate dehydrogenase (G6PD) na tumutulong sa red blood cells para mag function ng maayos. Maaring magtuloy ang sakit na ito sa anemia at kung ano ano pang komplikasyon sa dugo.


Dahil sa kalagayan ng anak ni Lyn, nahihirapan syang pumunta ng church. At isa pang dahilan ay ang kanyang kinakasama. Ang nobyo at tatay ng anak nya ay nananakit. Wala na akong ibang nasabi sa kanya. Ipinanalangin ko nalang sya.

Weeks later hindi na talaga nakakapunta ng church si Lyn. Tinatawagan ko sya pero laging not available ang phone nya. Mabuti nalang pumunta ang kaibigan ni Lyn sa church. Sabi ni Karen, friend ni Lyn hindi daw talaga ito makakapag church dahil hindi pinayagan ng asawa nya.

Kagabi, pagkatapos ng youth service nagpasama ako kay Karen para pumunta sa bahay ni Lyn. Nakatira sila sa slum areas. Dumaan kami sa maliit na eskinita dahil nasa dulo ang bahay nila Lyn. Medyo madilim sa ibaba, nasa taas pala ang bahay nila. Isang kwarto lang ito at maraming tulugan. Tulog na ang anak nya, at humihingi pa ng pera ang asawa nya.

Tinanong ko si Lyn kung okay lang ba sya at kung bakit nanghihingi ng pera ang asawa nya. Sabi ni Lyn kahit P20 nalang daw ang pera nya hihingiin pa ito ng asawa nya para ipangtaya sa lotto. Napailing ako sa sitwasyon ni Lyn. Sobrang kailangan niya ang Diyos sa buhay niya para maitama lahat ng maling nangyari sa kanya. Pagkatapos ko syang ipanalangin sinabi ko sa kanyang ipapanalangin ko din ang asawa niya. Mabilis na tumanggi si Lyn, baka daw kasi magalit ang asawa nya at baka pag alis ko daw ay saktan sya nito. Nag rebuke ako sa isip. Ngumiti ako at sinabing walang matigas na tinapay sa Diyos. Tiwala lang, ipag-pe-pray ko lang naman sya.

Dumating ang asawa niya, sabi nito sa akin "kilala kita! kapit-bahay nga kita dati eh!"

Nagulat ako sa sinabi nya. Di ko matandaan kung sino sya. Sumagot ako at nagtanong "Sino ka ba? Saan kita naging kapitbahay?"

Sabi nya, "Kababata mo ako, si Puroy!"

That moment, sobrang namangha ako sa kilos ng Diyos. Sinong mag aakala na ang kinakasama ni Lyn ay dati ko palang kalaro noong bata. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Karen at Lyn. Di rin sila makapaniwala. Success! Naipanalangin ko si Puroy, wala siyang ligtas sa pag-ibig at kabaitan ng Diyos. Di ko na din pinalagpas ang pagkakataon at ipinalangin ko din ang mga magulang ni Lyn.

Sa aming paglalakad, sinabi ko sa kanya na hindi aksidente ang lahat ng nangyari. May purpose ang Diyos at naniniwala akong God is moving to change her life.

Ikaw na bumabasa nito ngayon, maniwala ka! God is moving also in  your life. He's never late nor too soon. His timing is always perfect! God bless you!

Tuesday, November 19, 2013

Keep your hopes up!

Naalala mo ba nung bata ka nung nagwawala ka o sumisimangot ka dahil hindi maibigay sa iyo ang gusto mo? Malamang nagdaan sa gantong pangyayari. Nung bata ka pwede kang magwala, umiyak ng malakas, umupo sa sahig at sumipa, dumapa at maglupasay hanggang sa makatulog ka na at makalimutan ang lahat ng nangyari. Sa pagtanda kaya pwede pa din kaya iyon? Malamang kung ginagawa mo pa din ang mga bagay na ito ay hindi malabong bihisan ka ng puting damit at sunduin ng mga nakaunipormeng blue at dalin ka sa ospital o ipatingin sa espesyalista sa utak.


Nakaka-frustrate kapag hindi mo nakukuha ang gusto mo at lalo na kapag nape-pressure ka sa paligid mo. Para sa mga kasabayan ko sa pag-aaral na nakatakdang mag OJT, hindi maiwasang ma-frustrate o ma-pressure sa mga tao sa paligid mo. Sa aking circle of friends halos lahat may OJT na, yung iba patapos na nga. Ang tingin nila sa akin ay madaling makakapasok as intern sa mga kumpanyang pag-aaplyan ko. Bad trip lang dahil hindi naman talaga ganun ang sitwasyon ko. Dahil napag-iwanan na ako pinilit kong maghanap ng mga kumpanya na tumatanggap ng OJT at isang communication firm (yun kasi ang requirement sa amin). Nainterview naman ako at nagbakasakaling iyon na nga ang para sa akin. Kaso ilang araw na ang nakakalipas wala pa ding reply sa akin. Hindi ko alam kung impatient ba ako o sadyang wala talagang patutunguhan ang paghihintay ko.

Isang gabi, pag uwi ko galing sa school may isang unknown number na nagtext sa akin; tulog na, maaga pa ojt bukas. gnyt". Naparaniod ako at na-excite. Inisip kong baka galing iyon sa company, pero may doubt ako behind it dahil hindi man lang nagpakilala kaya nagc confirm ako. Ayun confirm nga, kaklase ko pala. Mas lalong nakakabadtrip!

Sa aking patuloy na pag-iisip, naalala ko yung panalangin ko dati. (ilang buwan lang ang nakakalipas) Sabi ko kay Lord mag se-serve ako sa kanya sa OJT ko. Nasa isip ko ay isang christian network or any christian related firm.

So ano ang lesson behind? Sa mga ka batch ko na wala pang OJT at nai-stress gaya ko, wag na kayong ma-stress. Minsan hindi ibinibigay ni Lord yung mga gusto natin kasi may mas maganda Syang plano para sa atin. Kung sa tingin natin ay maganda na ang plano natin pero ang totoo pala mas maganda ang plano ng Diyos para sa atin. Kung papipiliin ka sa "maganda" o "mas maganda" ano ang pipiliin mo? Walang halong ka plastikan, malamang yung MAS MAGANDA na ang pipiliin mo. Kaya kahit masakit, wait upon the Lord. May bunga naman ang pag hihintay sa will ng Panginoon.

PS: Nag send ako ng application sa isang christian firm. Hopefully matanggap. :)

Sunday, November 10, 2013

Wild thought

Ako'y naguguluhan. Bakit ba ako napabilang sa isang grupo ng mga aspiring writers? Ano bang motibo ko? Para kanino ba ako nagsusulat?

Sa totoo lang hindi naman ako writer, at hindi ko talaga forte ang pagsusulat. Maging ang blog na ito ay puno bunga ng aking mga karanasan at nararamdaman. Hindi ako sanay humawak ng pluma at papel. Madalas akong magsalita kaysa magsulat, nahilig lang ako dahil sa mga nababasa kong libro, na inspired magsulat at kapag hindi na kinakayang sabihin ng bibig, sa papel nalang naisasambulat ang hindi masabit na mga salita.

Noong nakaraang taon, nabasa ko ang post ni Pastor Ronald Molmisa, ang author ng librong LoveStruck, sa lovestruck group page sa facebook. Ito ay tungkol sa kanyang paghahanap ng Mentees para turuan sa pagsusulat. Mga aspiring christian writers.

Aminado akong hindi ako active, hindi nga kasi likas sa akin ang magsulat. Minsan nga, feeling ko "pilit" ang mga ipinapasa kong assignment kay Pastor. Naalala ko nga yung reason ko kung bakit ako sumali sa YES. Na-inspire ako ni Paul, ang author ng epistles, at ilan pang libro sa New testament. Gusto kong magsulat to Glorify the Lord. Kala ko madali lang, it takes passion and discipline as well.

Sabi sa akin ni Pastor, kelangan kong magbasa at magbasa. Hindi ko naman nagagawa. Feeling ko nga hindi ko deserve na mapabilang sa YES. Nito lang, may assigned task sa amin si Pastor, hindi ko ito nagawa at hindi din ako nakapagrespond kung bakit hindi ako nakapagpasa on time. Nahihiya na ako. Di ko alam kung itutuloy ko pa ito o hindi na. Nakita kong online si Pastor, nag-iisip ako ng ita-type ko. Ano naman sasabihin ko? Na ayaw ko na, na hindi ako writer, na hindi ako deserve mapasama sa YES? *

Tinawag nga ba ako ni Lord para magsulat? Ang gulo. Pero gagawin ko pa din yung assigned task. Ipagpe-pray ko ito at tsaka ako magde-desisyon.

Monday, September 23, 2013

The sweet kiss of thesis

Fourth year college. Kasunod nito ang malalim na buntong hininga. HAY!

Parang lindol ang mga katagang HAY. May after shock itong "Salamat! Ga-graduate na ako!" na merong intensity 8.0 ang lakas ng pagsigaw. Yung feeling na, konting kembot nalang eh matatawag ka nang winner ng Survivor Philippines. But wait, ang akala mong happy thoughts eh may twist. Malamang susundan pa ito ng isa pang after shock, "Ang hirap ng thesis! Ayaw ko naaaa!" na kasing lakas ng atomic bomb ang impact. Apektado ang pag-iisip mo, gusto nang magwagayway ng puting bandera. Susuko na po ako.

Ito pa ang mga senaryong mapapansin sa panahong ito; parang may state of calamity ang news feed mo sa facebook dahil flooded ng mga status tungkol sa thesis; may mga nagra-rally at tila gustong mag million people march sa tapat ng opisina ng professor dahil hindi inaprubahan yung ipina-consult nyong topic; may mga sundalong bawat araw sasabak sa gyera dahil kelangan magsanay at magpanday ng kaisipan; may mga nagte-treasure hunt sa mga library at nagpaka Sherlock Holmes ang peg para mabuo ang pundasyon ng study. Yung iba naman eh parang Will Smith ang peg at I am legend ang drama dahil nag iisa nalang siyang kumikilos sa grupo para ma-isave ang buhay ng thesis; may nagmumukang zombie at gusto na din kumain ng brains para makapag-isip ng mga ita-type nila sa bawat chapter. Na picture mo ba? Parang end times na ang mundo nila. Ang thesis siguro ang climax ng pagiging buhay estudyante.

Relate much ba? Kalma lang muna tayo! Take a deep breath, inhale and exhale. Aminan na to, talagang mahirapan thesis. Pero puro hirap nga lang ba? Baka one side of the picture lang ang nakikita natin. Baka we need to see the full picture, para ma-appreciate natin tong pinaggagagawa natin. Hayaan nyong ibahagi ko ang kwentong thesis ko.

Last semester kami nag umpisa sa thesis, chapter 1-3 ang kelangan matapos para hindi na hussle pagdating ng susunod na sem. Almost 3 months ups and downs ang nangyari. Pero na survive naming ang first phase! Awa ng Diyos, nakapasa kami at may chance na mag martsa sa Marso. May ilang bagay akong natutunan sa paggawa ng thesis, mula last sem hanggang ngayon. (On going pa din ang thesis namin)

1.     Ang thesis, hindi dapat magmukhang krisis! Unang krisis na kakaharapin ay krisis sa budget. Sobrang gastos nito. Kung ikaw lang mag-isa, mag hanap ka nan g pagkukuhanan ng budget, o kaya mag tipid muna at tsaka na manuod ng sine with friends, isa alang-alang ang bulsa. Pero kung grupo kayo, share share din ng burden sa gastusin. Babala para sa mga nagti-thesis na grupo: mag-ingat sa mga FIXER, yung groupmate mong ginagamit ang salapi para wag nang kumilos at tipong sagot na ni Papa ang lahat ng gastos. Aba aba, dapat may fairness dito, wag nang manlamang ng kapwa. Let’s practice fairness and equality, gamit gamit din ng isip.
2.     Ang paggawa ng thesis may ugaling malinis.  Yung ibang nag ti-thesis, di pa man din nag uumpisa eh galit na at uma-attitude na. Kaya nawawasak ang relasyon ng grupo. Consider your groupmates. Kapag hindi maayos ang relasyon mo sa mga kasama mo, hindi mo ma-eenjoy ang journey. Attitude counts!
3.     Thesis it! Enjoy it! Isa ito sa pinakamahalangan elementong natutunan ko. Ang i-enjoy ang thesis. Minsan nga, 60% ang tawanan at kwentuhan at 40% ang gawa para sa thesis. Wag ikulong ang sarili sa thesis na parang ito na ang A Whole New World mo. Wala dyan ang Princess Jasmine mo at Aladdin. Wake up! Take time to breath, kelangan mo din ng new environment pa minsan minsan. Wag lang sa library gumawa, kung trip nyo mag overnight do it o kaya kung medyo may budget, try nyo magkape sa starbucks! Hehe!

Kaya nagiging mahirap ang isang bagay dahil sa ating mind setting. Naalala ko nga yung commercial ng isang vitamins “What the mind can conceive your body can achieve.” Try mong mahalin ang proseso ng thesis. Tandaan na kapag ikaw ay nasa gitna ng  nagraragasang ilog hindi sago tang lumaban sa agos ng tubig para maligtas, ang tanging pag-asa mo ay magpadala sa daloy ng tubig at mag-hintay ng bato na pwedeng kapitan. Ganun din sa thesis, magpaagos ka lang dito at mag-hintay ng solidong bato na iyong kakapitan. Hang in there!


Remember na laging may naghihintay na nilaga pagkatapos ng pagta-tyaga. Okay lang yan kung nahihirapan ka. Okay lang din na isigaw mo yung mga sentimiento mo dahil nakakabawas yan ng stress. Pero wag kang susuko, wag mong iisiping end of the world na. Hardships are life requirement for us to be better individuals.

"Be strong and courageous. Do not be afraid or terrified because of them, for the LORD your God goes with you; he will never leave you nor forsake you" Deuteronomy 31:6


Tuesday, September 17, 2013

Pangarap kong...

Ang Sarap mangarap diba? Yung tipong sagad sa katotohanan. Sabi ng Prof. ko (di ko na tanda yung pangalan nya) kung mangangarap ka nalang din naman eh lubos lubusin mo na dahil libre lang ang mangarap. Kaya kapag nangangarap ako, to the highest level na. Sabi nga ng isang awitin, to dream the impossible dream.

Pero parang may problema ata doon kung hanggang pangarap nalang. Yung pangarap na nanatiling pangarap nalang. Walang evolution na nangyari. Buti pa ang pokemon nag e-evolve eh yung pangarap mo?

Poreber. Poreber ka nalang bang pobre? Pobre as in mahirap. Mahirap na pakilusin para maabot yung pangarap mo. Enebe nemen yen!

Kilos kilos din pag may time ah! Wag puro pangarap. Kasi Hindi pangarap ang tawag dun kundi pantasya. Dream will drive you to achieve it, but fantasy will stop you and it will satisfy you with something that doesn't really exist at all. 

How does God react?

This entry was written last November 11, 2012 on my devotion journal.

2 Timothy 2:11-13
"If we died with Him
We will also live with Him.
If we endure
We will also reign with Him,
If we disown Him,
He will also disown us.
If we are faithless,
HE WILL REMAIN FAITHFUL
For He cannot disown himself."

In every action we made, there is an equal reaction from God.

Tandaan na may reward ang pagpapagod mo for God's Kingdom. Continue the race.

• endure
•persevere
•run

*********************************************************************************


Ito ang devotion ko nung araw na iyon.  Saktong Sunday nung araw ding iyon. Ito yung mga panahong nanghihina ako at gusto nang sumuko. Basta mag quit na lang, kasi pagod na ako. Walang progreso sa mga sitwasyon. Pero sa Kabila ng ganung kaisipan ang mga comforting words na ito ang yumakap sa akin. Para akong kandilang sinindihan, umiiyak at natutunaw.

Ngayong gabi, nag-i-scan talaga ako ng old notes dahil may hinahanap akong event na nangyari noon. Nagbabakasakali akong naisulat yun. Bigo man ako sa paghahanap nun, Hindi ako nabigo sa mga nabasa ko. Puno ng pag-Asa ang mga luma kong mga devotion. Ang saya basahin.  Masayang Nakita iyon na mangyari. 

Hep hep hep! Bago ako magtapos sa entry na ito, gusto ko lang sabihin na kahit anong hirap ang Meron ka sa buhay mo, relax lang kapatid. Hindi ka naman super loser! Ya got the King by your side. Nasayo na ang lahat! Talo ka man sa paningin nila, aba! Sa mata lang nila yun no! Because the truth is, though you have nothing, God got it all for you! (with SM tone)


God bless you!

Sunday, June 23, 2013

Tuloy lang kapatid!

Naaalala mo ba ang mga pangako mo sa Panginoon? Yung mga panahon na umiiyak ka pa at talagang desperado na mangyari ang pinapangarap mo. Yung bawat sigaw at iyak mo sa altar ay inaasahan mong maganap at maisakatuparan. Ang mga pangarap mo nais mong palitan ng pangarap ng Panginoong Hesus. Desire mo na mamatay sa sarili at mabuhay para kay Kristo. Ito yung mga panahon na mainit ka at spiritually high.


Naalala mo din ba yung pagkatapos ng cloud nine feeling na iyon ay bigla kang dadanas ng pagsubok at parang nais mo nang ihinto ito. Nagtatanong ka kung tama ba yung mga nangyayari, dapat bang ipagpatuloy o isuko mo nalang. Tapos makikita mo muli ang sarili mo sa paanan ng Panginoon, iniligtas ka muli sa failure mo, napagtanto mo na ang pagiging mainit ay hindi base sa feelings at emotion kaya naman ang ginawa mo ay itaas ang faith mo nang hindi gumagamit ng emosyon.


Nangarap kang muli at may mga kasama ka sa pangarap na ito. Mga taong parehas mo mag-isip at parehas mong tumingin sa bawat sitwasyon. Kasama mo sa bawat kasiyahan at problema. Ang mga pangarap ng Panginoon  sabay sabay nyong ninanais at ginugusto. May mga ups and downs sa inyong lahat, pero nanatiling matatag dahil sa Panginoon. Dahil si Hesus ang sentro ng lahat, ang dahilan nito, ang puno't dulo.
Sa bawat araw, linggo, buwan at taon, naiiyak ka na lang dahil may mga prutas at may mga napipigtas. May dadagdag at may aalis. Masaya ka na may bunga at kaganapan ang bawat panalangin, ngunit hindi maalis sa iyo ang kalungkutan na may mga aalis. May mga nalalaglag, para eviction night dahil aalis na sila. Ang twist pa dito, kung sino yung mga hindi mo inaakalang aalis, sila ang lalabas.


Pinilipit mong intindihin ang lahat, dahil maaring ito ang plano ng Panginoon, kung si Paul at Silas nga naghiwalay ng landas e, si Paul at Barnabas din naghiwalay ng landas at kung si Jesus nga e, iniwanan din ang mga disciples nya. Sometimes we need to learn to stand on our own, to experience personally everything without our mentors, our buddies and our partners. Ang nais kasi ng Panginoon ay dumipende ka sa Kanya, alone. Hindi ka makakatayo sa sarili mong mga paa kung patuloy kang sasandal sa tao. Tanggapin mo ang mga pangyayaring ganito. Wag kang matakot, dahil kasama mo ang Panginoon, wag kang mag-dwell sa mga umalis at sa kalungkutan na dulot nito dahil walang maidudulot itong kabutihan sa iyo, malulungkot ka lang. Sa halip ay ituon mo ang iyong mga mata sa Panginoon at sa Kanya umasa. Kahit sino pa ang mang-iwan sa iyo basta wag lang ang Panginoong Hesus,  nasa mabuti kang mga kamay. One thing remains, its His love for you. Tuloy lang ang laban kapatid!!


Thursday, May 23, 2013

Plano ko o Plano ni Lord?

May mga bagay tayong ipinapanalangin at hinihingi na ibigay sa atin ng Diyos. Madalas kapag nagiging hobby na ang paghingi sa Diyos ay napapalitan ang pangalan nya mula sa PANGINOON sa PENGENOON. Sa tuwing humihingi ako ng pabor mula sa Tatay ko sa langit, lagi kong sinasabi itong mga salitang ito, "kung will mo po ito sa akin". Maingat ako na wag maging tagahingi lang, pero taga sunod din ng nais ng Diyos sa buhay ko.

Pero ano ang masasabi mo sa larawan na ito:

Para sa akin, ang nais iparating nito ay may karapatan kang humiling sa Panginoon at sabay na maniwala sa plano at mga pangako Niya sa buhay mo. Nais ng Lord na maging prosperous ka, hindi habang buhay na maghirap. Kaya nanalangin ka para magka trabaho. Hindi naman madamot si Lord e, ibibigay nya talaga ito sa iyo.


Nitong nakaraang buwan, humingi ng tulong ang Daddy ko sa akin. Kung pwede daw ba akong magtrabaho para matulungan sila ni Mommy sa mga gastusin sa bahay at para masuportahan ko na din ang pangangailangan ko. Syempre, kanino pa ba ako tatakbo para humingi ng tulong, edi kay Lord!

Nag try akong mag apply sa iba't ibang company, yung ibang ni-reject ako at yung iba tinanggihan ko. (choosy e!)
Hinahanap ko yung "will" ng Diyos na trabaho para sa akin. Yung tatanggapin ako sa kabila ng nais kong magpatuloy sa pag-aaral at yung may medyo mataas na compensation. Ilang gabi ko itong idinulog sa Panginoon, gusto kong maging assured na yun nga ang will Nya para sa akin.

Makalipas ang ilang araw buhat ng manalangin ako, may isang Manpower agency ang nag train sa akin for free para mai-refer ako sa mga call center companies na associated nila. So matapos ang ilang araw ng training, pinag-apply nila ako sa teleperformance.

During the first day, I was praying that if its God's will for me, makakapasa ako. Alam ko ang risk sa industry na ito, aware din ako sa mga bad views sa call center. Lapitin kasi ito ng mga vices. Habang naghihintay ako ng resulta ng exam ko, may nakausap akong lalaki na dati nang call center agent. Sinabi ko na Comm Research ang course ko at tinanong ko sya kung ano yung dahilan ng paninigarilyo at madaming vices (e.i, alcohol, drugs, caffeine, etc) ng mga call center agents. Isa ang malinaw na nakita kong sagot niya, "PEER PRESSURE". Dati syang nurse at nag shift ng career dahil sa walang pera sa pagiging nurse, puro kawang gawa nalang daw. Sabi nya, hindi naman daw sya naninigarilyo before, pero dahil sa mga kasama nya natuto sya. Ang argument nya ay "15mins lang ang break nyo, ano naman ang magagawa mo sa 15 mins kundi mag yosi at mag kape. Yan talaga ang ka-partner ng mga call center agents!" Naisip ko tuloy, "Am I in the right place Lord?"

Pagkatapos kong pagbulay-bulayan ang sagot ni Kuya, naisip kong malaki ang epekto ng "PEERS". Sa call center, malakas ang "influence". Then, naalala ko ang litratong ito: 

Maaring nais ng Diyos na magsilbi akong LIWANAG sa lugar na ito. Hindi malabong kumilos ang Diyos sa mga taong nalululon sa kape, sigarilyo at alak. God wants to infiltrate the darkness, kaya kelangan nyang mag deploy ng LIGHT AGENTS sa darkness!


Naisip ko yan bago ako ma-cut off. Ang sabi sa akin, come back tomorrow for final interview. Bigla akong napaisip..... gusto mo po ba akong mag work sa call center Lord?


Then the next day came (which is today)

Matagal akong naghintay sa lobby para matawag ang pangalan ko, nung tinawag ako nagtanong yung interviewer ng mga basic questions for employment. Kabado at tense na tense ako. Ayaw ko din kasing umuwi ng luhaan, patay ako sa nanay ko ang laki na ng nagagastos ko sa pamasahe. After ng maikling question and answer portion, nag exam akong muli pagkatapos 'nun tinawag muli ang pangalan ko at sinabing "PLEASE BE HERE BY 2:30 pm FOR THE JOB OFFERING"

Mabilis pa sa kidlat ang ngiti sa labi ko, umabot nga ata hanggang bunbunan ang ngiti ko. Grabe tong favor ng Diyos, makakapag-aral ako this sem (self supporting ay hindi pala, supported pala ako ni Lord) habang nagta-trabaho (may mission din akong i-win ang mga officemates ko) at makakatulong ako financially sa bahay natin!

Kaya wag mong kwestunin ang mga nangyayari sa iyong buhay ngayon, panget man yan o maganda kasi may DIVINE PLAN si Lord sa iyo. Kulitan mo ang pananalangin at pakikipag usap kay Lord, pramis sumasagot sya!! God bless your aspirations, present and your future! God loves you so much! :)

Friday, May 17, 2013

Wanted: Generous

How generous are you?


In my prayer, I asked the Lord about the double "G": generosity and giving, because I'm having trouble with this area. He knows that my last week's offering was the last bill in my purse, so I told God today that I only have some coins left which means that might be the amount I'll be giving tomorrow.

After that prayer, I opened the Bible in 2 Corinthians 8 and surprisingly, the first 15 verses speaks about generosity! (What a perfect timing!) I read the whole text about generosity and  focused on two verses which suits my situation.

"Out of the most severe trial, their overflowing joy and their extreme poverty welled up in rich generosity" - 2 Corinthians 8:2 

I am actually waiting on God's blessings, because I gave last Sunday and I am holding on His promises I expected that right away I'll be blessed materially. But, something strikes my heart and as if I did something wrong. Suddenly, a question puffs up like a mushroom.

What was really your intention when you put the envelop inside the basket? Were you blessing the Lord because you are expecting something in return? Or were you giving because that is an ACT of your LOVE to God?

An atomic bomb explodes in my heart and formed in an image of mushroom. (OUCH!)
I was selfish. I was not generous, but self-centered. Even I feel like I want to quit reading, God told me to go on.

Paul was referring to the generosity of the Macedonian Churches. Paul was appealing to the Church of Corinthians to take their generosity as an example. The Generosity of the Macedonian Church was out of:

1. Most severe trial.

The word "most" is superlative, which means superiority or highest and the word "severe" means extremely bad or unpleasant; incurable, and lastly the word trial means "act of testing".

Let's think of the most doomed situation in life, poverty, starvation, slavery, natural calamities, economic fluctuation and more. The people in Macedonia (even if my examples were exaggerated) were able to give generously despite of their "most severe trial".


The most in need people are mostly generous. They give not because they have plenty but because they know what it feels to have nothing. So since, this is an act of testing we should give more in times of we have less.


2. Overflowing Joy.

You must be thinking that this people might have gone crazy! Who would be able to have OVERFLOWING JOY in times of pain and hardships?

Actually aside from the Macedonian Church, I know another one. It is the Filipinos. They smile and laugh despite of calamities and hardships in life, not because they are used to it but because they don't focus on the circumstances, they are hopeful. So every time a typhoon will hit their country, they are ready to be waterproof.


The church must be overflowing with joy in times of trials because once more they will able to witness God's miracle and power. So each time you will experience hardships, close your eyes, lift your head and smile on the Big Guy above and say "Bro! Kaw po bahala sa akin ah!"


3. Extreme Poverty.

WHAAAAAAT?!!

Could somebody be generous out of poverty? BIG YES!
This people were not really normal from you expect to see in others. People may think you're crazy because you act not fittingly in their world, but let me remind you this: You may be in this world, but you don't belong here because you are a child of God.

God's child can always be generous despite of severe trials and poverty. Why? Because their father owns everything. Generosity is not always based on material things and money. It is boundless and in every way they could express and give it.


So how are they doing it? How did this people we're able to give generosity and have overflowing joy regardless of these factors?

Here is the answer:

"And now brothers we want you to know about the GRACE that God has given the Macedonian Churches." -2 Corinthians 8:1

The answer is just above the verse we focused on. Same thing, the answer is the Big Guy above. His never ending grace will enable us to be generous. His grace is the inner force that drives the Macedonian Churches to do crazy things for his Glory. So are you ready to be driven by His grace to be generous?

God bless your pocket and wallet! Hehehehe! Let's be generous! :)

The Endangered Specie: Singles

Ang mga Single, especially yung nasa kategoryang No Boyfriend/Girlfriend Since Birth na kabataan ay kabilang sa mga endangered species. Konti na lamang sila at under protection. May mga taong pine-preserve sila at pinapadami. Sa kabila nito, hindi madaling mag preserve ng singles. Wastong pag-aalaga ang ginagawa sa mga ito at kapag handa nang makipagsapalaran, pinapakawalan na sila sa wild. Ang wild  ay puno ng mga Mangangaso na walang tigil sa pagsilo sa kanila, isama pa dito ang nagkalat na patibong; lantaran at patago. Yung mga lantarang patibong ay yung mga mapang-akit at tipong maa-attract yung mga singles gaya ng magandang postura at itsura; yung iba namang patibong ay lantarang panlilinlang, akala mo pasok sa standard na itinakda pero may lahi palang hunyango! Dinaig ang pinakamagaling na impersonator sa bansa. Bukod sa lantarang patibong ay yung patagong patibong, ito yung hindi mo napapansin nasisilo ka na pala at mabibigla ka nalang na nahulog kana sa patibong na ito.


Hindi madali maging single, ang daming temptation at mga maling perspectives. Nineteen years and counting na akong Single, hindi ko ito sinadya NOON pero ngayon, sinasadya ko na. Nais kong i-preserve ang sarili ko para sa Panginoon. At ngayon nagdadaan ako sa wild at nakaka encounter ng iba't ibang patibong. Ang pag hihintay ay malaking hamon sa mga single na gaya ko. Ang hamon na ito ay mahirap kung mali ang pagtingin dito.

Sa totoo lang, biktima ako ng maling pagtingin sa salitang "paghihintay". Noong fourth year high school, akala ko tapos na ang pag hihintay, akala ko sapat na ang apat na taon sa high school para ma-preserve ako, akala ko handa na ako para makipag relasyon. Binago yun nga Diyos at sinabi nyang "Anak extend pa!", kaya hindi pa doon natatapos ang lahat, along the process of waiting, somebody came along unexpectedly (parang kanta to ah!). Parang kidlat ito na tumama sa puno at nag-iwan ng marka. Dumating yung punto na napapanaginipan ko itong taong ito kahit di ko sya iniisip, sabi ko tuloy, "Lord, sya po ba?"

Nalihis ng konti ang pagtingin ko sa Paghihintay, nabahidan ito ng pagnanais sa isang tao. Habang tumatagal, nagkakaroon ako ng desire na sabihin na sa kanya. Pero may pumipigil sa akin, ang Lord. Sa aking pagbubulay bulay, natagpuan ko ang sarili kong nahihintay sa specific guy at hindi na sa Panginoon. Dali-dali akong humingi ng tawad at kahit masakit, I surrendered it all to the Lord. God made me broken, He wants to preserve me and to wait patiently on him alone. God wants my heart and He wants me to be faithful to him. Akala ko yung mga in-a-relationship lang yung nasasaktan, uso na din mag move on kahit Single ka pa. Sa paghihintay, napagtanto kong kasama ko ang Panginoon, sya ang Greatest Preserver ng ating buhay, Siya din ang magtatakda ng panahon kung kailan ka maaring humayo at magparami.

Song of Songs 3:4"Daughters of Jerusalem, I charge you by the gazelles and by does of the field; Do not arouse or awaken love until it so desires."

Isang araw, tinanong ako ng isang youth sa church, "Ate, papaano mo po kinakaya maging Single? Di ka po ba nakakaramdam?" Simple lang ang sagot ko, "sa tuwing nakakaramdam ako ng desire, nanalangin akong patulugin ni God yung gumising kong desire at itago nya ang puso ko."


The Epic Fail Scenario

Education, according to my professor in Political Governance and Politics, is a privilege that must be seized. It is absolutely important for everyone since it makes our lives better. A tweet from Bob Ong Quotes says that “dalawang dekada ka nalang papasok sa eskwela, kung di mo pa pagtatyagaan, limang dekada kang maghihirap at magdurusa. Kung alam lang ito ng bawat estudyante sa Pilipinas, lulubusin nilang mag aral”. It did make a strong point of view in education and how should we take it in life; hence, it is the key for success.

People get to school for the main purpose of learning, passing and achieving, in like manner. Who on earth will spend his time to go in an institution like school with no intention as such as these, or if not, will purposely fail all his subjects. Well that my friend, is insanity. A pre-school student may not understand deeply the essence of education, but the child may think of it as a place where he could have fun and enjoy his life. A child gets excited of getting to school, but it changes as he grows. School more becomes a place to acquire friends, heart partners or enemies. Inside a classroom, ambiance depends on how the students perceive the quintessence of that institution. I personally experience a situation where I myself want to set an atmosphere inside the class. For GCs or also known as grade conscious, the competitive spirit must be the thing that makes us alive, a drug that keep us  going towards an extra mile, even go beyond our limitation and might step on someone else’s territory. For every class with GCs, the atmosphere is war and downgrade syndrome; however, for every class with IDCs or I Don’t Care students, their means of passing and learning are cheating and dropping. This is school, an establishment, a place where there is team work, consumerism of test answers, friends with profit and individualism etc.

Studying is hard even for a pre-school or a grade school student. It just becomes easy for us when we have a deep understanding on our lessons we had before. At this point where age can be a license for a deeper perceptive of insights, they would be able to handle more difficult situations in life, especially for college students, whereas, school is like a tenebrous park with supernatural creatures around. This park is full of pressures and stress; these things compel the student to see the supernatural creatures that give out fear. But it’s not just the negative side alone, students moreover need to view college as a door that opens greater opportunities in life. On the contrary getting to that door is not as easy as it looks, the map may show a short cut, yet it could be dangerous, likewise in tertiary education.

Some professors are like rose, pretty yet thorny and when you tried to get in touch with it you’ll get yourself hurt. Inside the classroom, professor changes attitude. He could be cool and friendly, and could also be your furious enemy. His magical marker can change your life.  Once he entered class, it’s like an angel had descended from heaven came in to teach them lessons, either in good or hard way. Everyone’s silent and trying to catch up with that he is telling. He teaches not only his subject, but as well as life principles. He’s unpredictable and a good man at the moment. Every semester is a challenge to get the heart of every professor to avoid violence and conflict and the class effort to retain that peace is a very amusing. But crisis always takes picture in every story, a gloomy and dark atmosphere covers the whole class as he changes the mood, seriousness and sadness is there, reclining on chair becomes a sin, heads should be all down to make him relent his anger. Education is not just about reading books and reviewing notes, sometimes reading and reviewing the professor is a safety precautionary measure not to fail.  After countless days, judgments must takes place. Pass or fail is the magical and intriguing question that captures every soul. But, remember that even at the end, twists are never new to everyone. “I am holding your grades, see you next semester!”

No one plan to not make the grade, yet Epic fail! Education indeed is a privilege, never take it for granted, likewise, work is a privilege, never ever abuse it. Make rooms for second chance, education are not meant for failure, but for every failure comes new and improve individuals that will seize every moment inside this institution.


*This article was written last year as a sample article for our community magazine. This is not that good but for the sake of those who wants to read this, I'm posting it. :)

Tuesday, May 14, 2013

Nakakalimot ba ang Diyos?


Marahil nadinig mo na ang awiting natutulog ba an Diyos at marahil din ay naitanong mo din ito sa iyong sarili.   Ako rin naitanong ko ito, pero napagtanto ko na ang Diyos ay hindi tao at hindi dapat i-kumpara sa human nature dahil ang tao ay galing sa Diyos. Ang tao ay inilikha sa wangis ng Diyos. God design man in his own image and likeness. Sa makatuwid, ang ating kabuuan ay galing sa Diyos, ang ating emosyon, pag-iisip, puso at buong pagkatao, nadumihan lamang ito ng kasalanan.

Kung may tanong na natutulog ba ang Diyos, meron din akong tanong, Nakakalimot nga ba ang Diyos?
Sa aking pagbabasa ng sa 2 Corinto, ipinakita sa akin ng Diyos na may mga bagay din Siyang kinakalimutan. Sabi ni Pablo sa 2 Corinto 5:19

Ang ibig kong sabihin, ang tao'y ibinibilang ng Diyos na kanyang kaibigan sa pamamagitan ni Cristo, at nililimot na nya ang kanilang mga kasalanan. At ipinagkatiwala nya sa akin ang balitang ito.

Oo, tama ang nabasa mo. Nililimot ng Diyos ang kasalanan ng tao sa pamamagitan ni Cristo. Parang eraser si Hesus ng lahat ng kasalanan natin; bawat maling desisyon, maling emosyon, maling kaisipan at marami pang nasirang aspeto sa buhay natin. Ang nais ipabatid ni Pablo dito ay ang pag ibig ng Diyos, na hindi binibilang ng Diyos ang kasalanan mo, na sa katunayan, gusto nya yun kalimutan para mapalapit siya sa iyo.

Kapag nakagawa ng isang kasalanan ang sino man sa iyo, mahirap makalimot 'di ba? Laging nagfa-flash back yung sa kamalian ng taong iyon sayo. Pero ang Diyos, hindi kagaya mo. Kaya nyang limutin ang kasalanan mo kung lalapit kay sa Panginoong Hesus. Paano mo ito gagawin? Simple lang, humingi ka ng tawad, tanggapin Siya bilang Diyos at tagapagligtas ng iyong buhay, at isuko sa kanya ang iyong buong katauhan. Hindi exemption dito ang mga taong tumanggap na sa Panginoong Hesus. May mga oras na kapag guilty sila sa kasalanan, hirap na hirap silang lumapit sa Panginoong Diyos. Kapatid, ito ang tatandaan mo, mas malaki ang Pag ibig ng Diyos kaysa sa kasalanan o pagkakamali mo. Alalahanin mo ang cross, humingi ka ng tawad at mag move on. Unti-unti nang nililimot ni Lord yung ginawa mong mali at unti-unting binabalot muli ng glory of God yung buhay mo.

May pag-asa ka! Hindi automatic na nakakalimot ang Diyos, kelangan mo si Hesus! Kelangan mo ng Super Hero kahit sino ka pa.

Monday, February 4, 2013

Paki Linaw po

Kung saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama: nguni't siyang nagiingat ng kautusan ay maligaya sya. -Kawikaan 29:18



Dear Lord,


Malinaw po ba ang Vision mo sa buhay ko? Gusto ko po na yung Vision mo ang maging Vision ko. At hindi lang basta alam ko yun vision, pero nagagawa ko, nangyayari, may resulta po. Simula noong 2010, lagi ko nang naririnig ang Vision o ang Great Commission. Uma-attend ng mga seminars at conference, umiyak at lumuhod, nanalangin para sa Vision na ito. Di naman po lingid sa kaalaman nyo na nag-lie low po ako sa pag gawa ng Vision. Nakita ko ang resulta nun. Ngayong pag pasok naman po gn 2013, muli mo pong ibinabalik ito sa akin. Ang kahalagahan nito, di lang sa ministry ko, pero maging sa buhay ko mismo.

Nais po kitang sundan, higit sa nais ay pagsunod po. May resulta po, kahit na hindi mabilis, pero meron po. Grant me a favor Father, help me open a cell group this February. Let the Vision of Jesus lives in me, make it happen. I want to witness more of Your Greatness and Power!

Woaah! I wanna see it! I'm excited! #PowerOfCommitment!
Thank You Jesus! :)

Wednesday, January 9, 2013

Father of Lights





Like a flame, love burned in Your eyes
Driving You to pay the greatest price
You bought my life, so I could be Your light
Reflecting You, reflecting love



Everything good comes from You,
Father of lights
Your love will always pierce through the darkest night



Love has a voice, 
Love has a name, Jesus, Jesus
Your love is the light, filling my eyes, Jesus, Jesus



You wore the weight of death upon your heart
And Your last breath tore the veil apart
You made a way, for me to walk in grace
So I could love You face to face

Everything good comes from You,
Father of lights
Your love will always pierce through the darkest night

Love has a voice,
Love has a name, Jesus, Jesus
Your love is the light, filling my eyes, Jesus, Jesus

Love has a voice,
Love has a name, Jesus, Jesus
Your love is the light, filling my eyes, Jesus, Jesus

I will never be the same,
Love has called my name
From the ashes I rise to proclaim
Your love is undefeated,
Forever You will reign
Justice has won again

Monday, January 7, 2013

A Documentary Review: Father of Lights

 Last year, my classmate Sarah shared her movies and stuffs like that to me, and one of these files is the documentary film furious love by Darren Wilson. At first, I thought it would be just another ordinary film that Christians produce for the purpose of inspiring others and spreading the fire, that time I was full of it. I just let it be stored in my hard drive and leave it there. But last Friday, January 4, 2013, I've watched the film. I was moved really by what I've seen, compelled by the movie, I prayed. Then, that night, I was reading tweets from my friends and from the people I'm following. One of them tweeted, "Alright download complete! Father of Lights by Darren Wilson", I did not know that the guy who produced furious love is the guy who produce this so called film. So I google it and found out that this film is trilogy. I download it and had just finished watching it, couple of minutes ago. After this post, I'm going to my quiet place and talk to my Father. Just at this moment, I feel grateful for the people who produced this film. I'm currently taking Communication Research, and might be in line with media and stuff like that. I produce short films and currently finished a documentary film for an inter-collegiate docufest. What I've watched is something I can relate to, something I can be useful for God's kingdom. Early this morning Sarah asked me "pwede din ba tayong gumawa ng Christtian Documentary?" and I said, I want to, let's pray for it.

I am God's daughter and Because Jesus is in me, I am with the Light and I will shine in this world, and I will be useful in God's Kingdom. Gonna reach out and spread love to His people. :)