Tuesday, January 4, 2011

PAKIRAMDAM

Dalawang post para sa gabing ito, di naman siguro masama. Para lang maiba at msaya ang istorya.

Pangalawang araw pala ngayon ng pasukan! Hay!!!.. Linggo palang ng gabi, nagpost agad ako sa FB ng Kissed Your Sweet Vacation Goodbye!. Paano ba naman eh, ang sarap at ang saya ng bakasyon, halos bitin pa nga ako. Lunes palang eh, tukso agad ang pambungad ng aking mga butihing mga kamag-aral sa akin. New Year, New Look. Bakit nga ba naging unat ang buhok ko? PAKIRAMDAM ko kasi mas ok ang straight na buhok, di kasi buhaghag. Di ko naman sinabi na ikakaganda ko ang pagpapa unat ng buhok. Kanya kanyang trip yan. Di man kami sinipot ng Filipino at English namin eh, masaya naman kahit papaano ang unang raw ng klase. Grabe parang kahapon lang yun, pero parang ang tagal tagal na. Ganun ba talaga pag malamig? PAKIRAMDAM ko tuloy nag iisa ako. Dumating na ang araw ng Martes, aba! 12pm pala ang klase ko, kala ko eh ligtas na ako sa trabahong bahay, di pala. Kailangan ko maglaba ng mga damit.Wash Day ko pala. PAKIRAMDAM ko kasi, senyorita nanaman ako. Umalis ako ng bahay ng 11:15, PAKIRAMDAM ko kasi, malelate na ako. At Oo, late nga ako. Nakiramdam ako kung ayos ba ang mood ng klase, PAKIRAMDAM ko nagkakasiyahan sila, at kung ano-ano nanaman ang ikinikwento ni tatay. Pagpasok ko, PAKIRAMDAM ko na ookrayin na ako dahil late nanaman ako at nagkakasiyahan sila! PATAY, sakin nanaman ang atensyon nito. At di nga ako nagkamali, pumasok ako nang parang wala lang at tipong sinakyang ang mga birong narinig, PAKIRAMDAM ko kasi, immune na ako doon. Nagtatanong pala si sir tungkol sa Christmas at New year. Nang ako na ang tatanungin, kung ano nangyari sa Christmas ko o New year, handa akong sumagot, pero isang mabutihing kaibigan ang sumagot para sa akin. "Nagpa straight po Siya", na siya naman nag bigay daan para okrayin ako ni tatay. "Ok lang sana kung buhok ang pinapa straight, pero kailangan din yung mukha".. Joke yun alam ko, pero ... PAKIRAMDAM ko, sobrang napahiya ako. Nakababa iyong ng self steem ko. Panandaliang tawanan man iyon at katuwan sa karamihan, sa akin, tatatak iyon, mag iiwan ng paalala, mag iiwan ng bakas ng PAKIRAMDAM.


Sa buhay natin, kailangan makiramdam at matutong makiramdam. Sino ba naman ang gustong makipag usap sa taong walang pakiramdam, walang reaksyon walang kahit ano. Lahat ng Tao, alam ko biniyayaan ng Diyos ng PAKIRAMDAM, sobra man o konti, mayroon parin. Ang mahalaga ay maalala mo ang salitang pakiramdam sa mga oras na swak at karapat-dapat gamitan. Too much is bad, too less is also bad. MODERATE lang. Wag OA sa sensitivity, overcome it, at huwag rin OA sa puntong wala kang pakiramdam sa kausap mo. May limitation ang lahat ng bagay. Alamin mo lang kung nasaan kana, dapat pa bang ipagpatuloy? o bahagyang huminto, mag isip kung may nasabing mali. PAKIRAMDAMAN MO.

Welcome 2011

Di pa naman siguro ako huli no? January 4 palang naman ngayon, kaya new year pa din. Di ako nakapagpost nung Christmas at New year. Well para sa pag update ng buhay ko, ikekwento ok ito, halos sariwa pa sa aking mga alala, parang nung isang taon lang yun.

Kakatapos ko lang Mag facebook. Napaka dami kong dapat isulat ngayon, maaga pa ang klase ko bukas, pero mukhang kailangan ko mag post para maging unang entry ko ngayong taon na ito, feeling ko tuloy eh isa na akong sikat na blogger, echos lang naman! So much stories to tell. Madaming nangyari na di ko na nailagay dito. Pero syempre, gusto kong ilagay iyon dito.

Welcome 2011, Year Of Victory!. Di metal rabbit, gaya nang sabi sa Fung Shui. ang 2011 Victory sabi ng Lord. After ng Christmas, excited na ako para sa pinakahuli kong event na pupuntahan sa taong 2010, ang GATHERING OF THE GENERALS ng History Makers. Ang araw bago ako pumunta doon sa cuneta, ramdam ko ang excited feeling, nag iisa man ako sa upuan at walang kakilala ni isa man sa mga nakatabi ko GORA parin. Nung una nag aalangan pa ako kung ma eenjoy ko ba yun? Nasa VIP ang mga ka cell group ko, at ako, nag iisa sa bleachers, la kausap, la kakwentuhan. Tinawagan ko si Sir Janjo, ang cell leader ko, sabi niya "ano ba ang pinunta mo dito? Ang VIP seat ba?".. that reminds me kung ano ba ang objective ko bakit ako umatend sa Gathering of the Generals. SI LORD ANG DAHILAN kung bakit ako nandun. Napakalaki ng impact sa akin ng event na iyon, napakadami kong natutunan at gustong i-apply pag alis ko sa lugar na iyon. So I prayed, " Ayoko na ng ganito! everytime nalang na nasa conference ako at mga seminar nandoon yung kaisipan na KAYA KO TO! pero pag actual na wala na yung excited feeling na magbahagi, wala na yung Fire!. Lord, help me. Dadalin ko ang fire mo pag alis ko sa lugar na iyon" Later that day, araw ng EB ng clan ng G4C ang clan ng GANG. Nag pray ako sa Lord, take that as an opportunity na mag share ng salita niya. Right then, 8 souls ang tumanggap sa Lord, Wow! work ng Holy Spirit. Itinuturi kong regalo sa Diyos ang mga souls na iyon. Dapat alagaan, dapat palaguin. Dadating ang new year, pero wala akong iniisip kundi sila! Sana pumunta sila sa sunday at mga sana sa isipan ko. I prayed for revival sa church pagdating nung Sunday, and I praise God, dahil nagdala Siya ng new souls sa congregation, mostly mga youth! Nabuhayan ako lalo ng loob, at hanggang sa ngayon araw ng Martes, I keep on planning para sa darating na friday.. Ano kaya ang gagawin namin. May nakapag share sakin nito, di ko lang matandaan kung sino at saan ko ito narinig. " Di na uso ang mga planning planning, Alisin na yan program! Let Us Depend on the work of the Holy Spirit." Kailangan mag depend sa Holy Spirit. We can't do it alone, we need God to help us.


2011 is for Victory, we won souls for God, and we will continue so. Like Paul, We will fight, win and preserve!. I'm looking forward on God's plan in my life, sa Ministry ko, School at pamilya. I want to use my singleness as a gift! A great blessing!. Wala na akong oras, isang buwan at ilang araw nalang eh magdadagdag nanaman ako ng bilang sa aking edad. Mula sa Sweet Sixteen, Say Hello to Victorious Seventeen. I know God will continue to Use me in His Goodness! Hallelujah! God bless us all. Welcome 2011