MERRY CHRISTMAS! pambungad na bati pagsapit ng 12midnight ng December 24. Noche Buena ang inaabangan ng karamihan, at ang iba ay mahinbing nang natutulog.
BAM! BOOM! Mga ingay mula sa labas.. Tunog ng Cellphone! Ayy ingay! At naisip ko, Christmas na! Pero bakit ganun? Ang dilim. Walang gising sa bahay namin. Ako lang ba ang sasalubong ng Pasko? Bungad ko sa sarili habang kinakapata ang patay alarm na cellphone. Natigil ako, nasilaw. Aray! Sakit sa mata. Aba kumukusot pa. Pagtingin ko, 1 message receive;
From Sarah
One night in Bethlehem, a child was born to die. There was no festive nor tasty foods at all. It was just a silent night on the manger, and the rest of the town were all sleeping. It was sad though that Christ was born where animals were lying. There was no room for the King on that night... it is on their time.Today God has given us the opportunity to welcome out King.
Does the King of the whole world has a room in your life?... Or will you just sleep tonight like those when the first Christmas had happened?
Ginunita ang nabasa, ipinoproseso, at BOOM! Nagising ang aking diwa! Ako'y nagsalita. "yanyan?.. gising na ba si Mommy?.. tara Noche Buena tayo!". At nagising nga si Mommy. Sinalubong naming tatlo sa hapag ang Noche buena. Di man sila gumising, naipag diwang naman naming tatlo ang Pasko.
Ang Pasko, sabi sa aking ni Pbr (Youth Pastor namin) ay ang tinatawag na PASS OVER. Nang mabasa ko ang mensahe mula kay sarah, naalala ko. Oo nga! Naging Pass over nga ang pagsilang kay Jesus, dahil tulog ang lahat. Maswerte ako dahil, nabasa ko ang mensahe na iyon. Naisip ko kasi, tradisyon lang ang Noche Buena, nakapagpapataba lang ito, at nakakapagpadagdag ng eyebags! But I found myself in a wrong interpretation of Noche Buena. Bukod sa masayang kainan kasama ang pamilya, mas higit pa pala sa pagkain ang pinagdiriwang namin! It's the Birth of Jesus Christ!
So then, morning came! Pagdilat ng mata... Aba! Ako nalang pala ang natira sa higaan. Lahat sila nakaligo na, mabango, masaya, excited at nangingislap ang mga mata. Eh syempre! Christmas eeh. Habang nakahiga at di pa alam kung ano ang gagawin, lumipad ang aking isipan. Nag isip, nakabuo ng ideya. Haha, magsusulat ako ng mangyayari sa araw na to! Iba-blog ko yan! Pabirong kong naisip. Pero habang sa katahimikan ng kwarto, sumariwa sa aking mga alala ang mga panahong AKO ang excited sa Christmas Day. Evaluation ang nangyari sa 2 oras na pagmumuni-muni. Hayaan nyong ibahagi ko ang mga kwentong Pasko noong ako'y mag uhog pa.
MASAYA, ang laging interpretasyon ni Eunice sa Pasko. Aba! Bukas, mamamasko ako. Aalis kami ni Papa Taba (lolo daddy's side), at mamamasko kami, pupunta ako sa malalayong lugar! Yes ang dami ko nanamang pera! Sabay ngiti habang kumakain ng almusal. Matapos ang maghapong byahe, pagmamano, pagkain ng iba't ibang left over galing sa Noche Buena, plakdang binibilang ni Eunice ang perang napamaskuhan. YES! naka 760 ako! (pinakamataas na napamaskuhan, may butal pa.. di lang matandaan). Sana next Christmas mas malaki pa ang mapamaskuhan ko.
Lumipas ang ilang pang pasko. Di na gaya ng dati ang pasko ni Eunice, pakonti kasi ng pakonti ang napapamaskuhan niya. Nahihiya na kasi sya. Sabi ng mga tito at tita niya eh, malaki na sya. Kasabay ng pagbabago sa Pasko ni Eunice ay nabago rin ang kanyang interpretasyon sa Pasko. Alam niya na ang pasko ay Para kay Hesu Kristo. At marami pang interpretasyon. Hanggang sa tuluyan nang nalimutan ni Eunice na mamasko sa Christmas Day.
SA NGAYON, napag alaman ni Eunice na ang Christmas ay para sa kanyang tagapagligtas. Para kay Hesus! Nabuhay Siya Para mamatay para sa kabayaran sa Aking(ating) mga kasalanan. At para makasama natin Siya sa buhay na walang hanggan.
Di ko na siguro mababanggit ang ilan pang nangyari sa araw na ito. Masaya ako, dahil Ipinagdiriwang ng pamilya ko ang Christmas. Merry Christmas to you! God bless
Eunice's personal blog. This is about her thoughts, her experiences and adventures as she runs the journey of life together with her Savior.
Saturday, December 25, 2010
Wednesday, December 22, 2010
Nalimutan Ko Na
May mga importanteng bagay na madalas nalilimutan natin, lalo na kung tungkol ito sa sarili natin. Madalas lagi tayo nakatuon sa kahalagahan ng ibang tao sa buhay natin at nalilimutan ang importansya ng sarili natin sa iba ring tao. Di natin nasisipat ang mga naiambag natin sa kanilang mga buhay para magdulot ng malaking pagbabago nang di man lang natin alam. Importante ka pala sa buhay nila.
Gusto kong Ibahagi ngayon ang conversation na nagpaalala sa akin ng VALUE ko sa buhay ng isang kaibigan. Major impact pala yun sa buhay nya, at gusto nyang makilala ako ng mga taong mahal niya, para sabihing Siya ang ginamit ng Diyos para mamulat ako sa katotohanan. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko pero yan ang sinabi ni kaibigan. Para di na magkaroon ng mga pag iisip at malisyosong isip, ikekwento ko na ang buong pangyayari sa akin ngayong araw na ito.
Nasa Salon ako kanina, aba sosyal na ako aah, nagpaganda konti. Sa paglabas ko sa salon, napaisip ako.. May maganda bang nangyari sa araw na to? may makabuluhan bang nabago sa buhay ko? O sa ibang tao?.. Syempre, WALA. Maghapon lang ako nakaupo sa Salon eeh. Kaya naman habang nasa jeep ako, I prayed and ask the Lord, to be a blessing to others and share His words to others.Surprisingly, naisip ko si Erica, my close friend na nag aaral ngayon sa Baguio, kakosa ko nung High School days and one of my closest friends. So then nagdecide ako na bumaba sa phase 3, sa kasamaang palad, eh wala sya, nasa ph1 pala. Baka nagkita sila ni Dust. Dahil nadisappoint ako, pumunta ako ng bakery at bumili ng tinapay. Biglang sumagi sa isip ko si BAM/BEB.ANG/VIVIEN TIZON, ang kaibigan ko ring matalik noong High School. Kaya naman di na ako nag dalawang isip na pumunta sa kanila, at nung tumawag ako, isang malakas na sigaw ang narinig ko.. " EUNICEEEEEEEEE".. sigaw ni bam.. Grabe! namiss ako ni Bam, di ko akalain. Di pa rin sya nagbabago, still the same, no changes at all, bukod sa tumataba na sya at nagkakaroon na rin ng belt bags. Habang nag uusap kami at nag aantay ng sasakyan na papaakyat sa bahay namin, nabanggit nya ang present life niya sa kolehiyo. Ang pag aaral niya, mga kaibigan niya, mga guro at marami pang bagay, pero ang pinaka TUMBOK ng kwento niya ay ang Nobyo niya. Natawa ako, dahil gusto niya akong ipakilala dito, para daw ipakilala ang taong tumulong sa kanya na mamulat sa Spiritual Life. Na flattered ako, at To Go be the Glory, naging pagpapala pala ako sa buhay ni bam. Datin kasi syang Atheist at di talaga naniniwala na may Diyos. But God turned her life 180degree. Napakadaming binago ng Diyos sa buhay ni Bam. And thankful ako sa Lord dahil dito.
Habang nag uusap kami, na touch sobra ang puso ko. Naging parte pala ako ng MAJOR impact, and Bam reminds me the "VALUE OF MY EXISTENCE". Grabe! at super na bless ako dito. Kitams, answered prayer agad ni Lord, So then, may makabuluhang nangyari ngayong araw na ito!
You can be a blessing to others. Seek opportunities to Serve, not to be entertain :)
God bless Everyone
Subscribe to:
Posts (Atom)