Saturday, December 25, 2010

Happy Birthday Jesus

MERRY CHRISTMAS! pambungad na bati pagsapit ng 12midnight ng December 24. Noche Buena ang inaabangan ng karamihan, at ang iba ay mahinbing nang natutulog.

BAM! BOOM! Mga ingay mula sa labas.. Tunog ng Cellphone! Ayy ingay! At naisip ko, Christmas na! Pero bakit ganun? Ang dilim. Walang gising sa bahay namin. Ako lang ba ang sasalubong ng Pasko? Bungad ko sa sarili habang kinakapata ang patay alarm na cellphone. Natigil ako, nasilaw. Aray! Sakit sa mata. Aba kumukusot pa. Pagtingin ko, 1 message receive;

From Sarah

One night in Bethlehem, a child was born to die. There was no festive nor tasty foods at all. It was just a silent night on the manger, and the rest of the town were all sleeping. It was sad though that Christ was born where animals were lying. There was no room for the King on that night... it is on their time.Today God has given us the opportunity to welcome out King.


Does the  King of the whole world has a room in your life?... Or will you just sleep tonight like those when the first Christmas had happened?


Ginunita ang nabasa, ipinoproseso, at BOOM! Nagising ang aking diwa! Ako'y nagsalita. "yanyan?.. gising na ba si Mommy?.. tara Noche Buena tayo!". At nagising nga si Mommy. Sinalubong naming tatlo sa hapag ang Noche buena. Di man sila gumising, naipag diwang naman naming tatlo ang Pasko.


Ang Pasko, sabi sa aking ni Pbr (Youth Pastor namin) ay ang tinatawag na PASS OVER. Nang mabasa ko ang mensahe mula kay sarah, naalala ko. Oo nga! Naging Pass over nga ang pagsilang kay Jesus, dahil tulog ang lahat. Maswerte ako dahil, nabasa ko ang mensahe na iyon. Naisip ko kasi, tradisyon lang ang Noche Buena, nakapagpapataba lang ito, at nakakapagpadagdag ng eyebags! But I found myself in a wrong interpretation of Noche Buena. Bukod sa masayang kainan kasama ang pamilya, mas higit pa pala sa pagkain ang pinagdiriwang namin! It's the Birth of Jesus Christ!



So then, morning came! Pagdilat ng mata... Aba! Ako nalang pala ang natira sa higaan. Lahat sila nakaligo na, mabango, masaya, excited at nangingislap ang mga mata. Eh syempre! Christmas eeh. Habang nakahiga at di pa alam kung ano ang gagawin, lumipad ang aking isipan. Nag isip, nakabuo ng ideya. Haha, magsusulat ako ng mangyayari sa araw na to! Iba-blog ko yan! Pabirong kong naisip. Pero habang sa katahimikan ng kwarto, sumariwa sa aking mga alala ang mga panahong AKO ang excited sa Christmas Day. Evaluation ang nangyari sa 2 oras na pagmumuni-muni. Hayaan nyong ibahagi ko ang mga kwentong Pasko noong ako'y mag uhog pa.

MASAYA, ang laging interpretasyon ni Eunice sa Pasko. Aba! Bukas, mamamasko ako. Aalis kami ni Papa Taba (lolo daddy's side), at mamamasko kami, pupunta ako sa malalayong lugar! Yes ang dami ko nanamang pera! Sabay ngiti habang kumakain ng almusal. Matapos ang maghapong byahe, pagmamano, pagkain ng iba't ibang left over galing sa Noche Buena, plakdang binibilang ni Eunice ang perang napamaskuhan. YES! naka 760 ako! (pinakamataas na napamaskuhan, may butal pa.. di lang matandaan). Sana next Christmas mas malaki pa ang mapamaskuhan ko.

Lumipas ang ilang pang pasko. Di na gaya ng dati ang pasko ni Eunice, pakonti kasi ng pakonti ang napapamaskuhan niya. Nahihiya na kasi sya. Sabi ng mga tito at tita niya eh, malaki na sya. Kasabay ng pagbabago sa Pasko ni Eunice ay nabago rin ang kanyang interpretasyon sa Pasko. Alam niya na ang pasko ay Para kay Hesu Kristo. At marami pang interpretasyon. Hanggang sa tuluyan nang nalimutan ni Eunice na mamasko sa Christmas Day.


SA NGAYON, napag alaman ni Eunice na ang Christmas ay para sa kanyang tagapagligtas. Para kay Hesus! Nabuhay Siya Para mamatay para sa kabayaran sa Aking(ating) mga kasalanan. At para makasama natin Siya sa buhay na walang hanggan.



Di ko na siguro mababanggit ang ilan pang nangyari sa araw na ito. Masaya ako, dahil Ipinagdiriwang ng pamilya ko ang Christmas. Merry Christmas to you! God bless

No comments:

Post a Comment