May mga importanteng bagay na madalas nalilimutan natin, lalo na kung tungkol ito sa sarili natin. Madalas lagi tayo nakatuon sa kahalagahan ng ibang tao sa buhay natin at nalilimutan ang importansya ng sarili natin sa iba ring tao. Di natin nasisipat ang mga naiambag natin sa kanilang mga buhay para magdulot ng malaking pagbabago nang di man lang natin alam. Importante ka pala sa buhay nila.
Gusto kong Ibahagi ngayon ang conversation na nagpaalala sa akin ng VALUE ko sa buhay ng isang kaibigan. Major impact pala yun sa buhay nya, at gusto nyang makilala ako ng mga taong mahal niya, para sabihing Siya ang ginamit ng Diyos para mamulat ako sa katotohanan. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko pero yan ang sinabi ni kaibigan. Para di na magkaroon ng mga pag iisip at malisyosong isip, ikekwento ko na ang buong pangyayari sa akin ngayong araw na ito.
Nasa Salon ako kanina, aba sosyal na ako aah, nagpaganda konti. Sa paglabas ko sa salon, napaisip ako.. May maganda bang nangyari sa araw na to? may makabuluhan bang nabago sa buhay ko? O sa ibang tao?.. Syempre, WALA. Maghapon lang ako nakaupo sa Salon eeh. Kaya naman habang nasa jeep ako, I prayed and ask the Lord, to be a blessing to others and share His words to others.Surprisingly, naisip ko si Erica, my close friend na nag aaral ngayon sa Baguio, kakosa ko nung High School days and one of my closest friends. So then nagdecide ako na bumaba sa phase 3, sa kasamaang palad, eh wala sya, nasa ph1 pala. Baka nagkita sila ni Dust. Dahil nadisappoint ako, pumunta ako ng bakery at bumili ng tinapay. Biglang sumagi sa isip ko si BAM/BEB.ANG/VIVIEN TIZON, ang kaibigan ko ring matalik noong High School. Kaya naman di na ako nag dalawang isip na pumunta sa kanila, at nung tumawag ako, isang malakas na sigaw ang narinig ko.. " EUNICEEEEEEEEE".. sigaw ni bam.. Grabe! namiss ako ni Bam, di ko akalain. Di pa rin sya nagbabago, still the same, no changes at all, bukod sa tumataba na sya at nagkakaroon na rin ng belt bags. Habang nag uusap kami at nag aantay ng sasakyan na papaakyat sa bahay namin, nabanggit nya ang present life niya sa kolehiyo. Ang pag aaral niya, mga kaibigan niya, mga guro at marami pang bagay, pero ang pinaka TUMBOK ng kwento niya ay ang Nobyo niya. Natawa ako, dahil gusto niya akong ipakilala dito, para daw ipakilala ang taong tumulong sa kanya na mamulat sa Spiritual Life. Na flattered ako, at To Go be the Glory, naging pagpapala pala ako sa buhay ni bam. Datin kasi syang Atheist at di talaga naniniwala na may Diyos. But God turned her life 180degree. Napakadaming binago ng Diyos sa buhay ni Bam. And thankful ako sa Lord dahil dito.
Habang nag uusap kami, na touch sobra ang puso ko. Naging parte pala ako ng MAJOR impact, and Bam reminds me the "VALUE OF MY EXISTENCE". Grabe! at super na bless ako dito. Kitams, answered prayer agad ni Lord, So then, may makabuluhang nangyari ngayong araw na ito!
You can be a blessing to others. Seek opportunities to Serve, not to be entertain :)
God bless Everyone
No comments:
Post a Comment