Saturday, December 25, 2010

Happy Birthday Jesus

MERRY CHRISTMAS! pambungad na bati pagsapit ng 12midnight ng December 24. Noche Buena ang inaabangan ng karamihan, at ang iba ay mahinbing nang natutulog.

BAM! BOOM! Mga ingay mula sa labas.. Tunog ng Cellphone! Ayy ingay! At naisip ko, Christmas na! Pero bakit ganun? Ang dilim. Walang gising sa bahay namin. Ako lang ba ang sasalubong ng Pasko? Bungad ko sa sarili habang kinakapata ang patay alarm na cellphone. Natigil ako, nasilaw. Aray! Sakit sa mata. Aba kumukusot pa. Pagtingin ko, 1 message receive;

From Sarah

One night in Bethlehem, a child was born to die. There was no festive nor tasty foods at all. It was just a silent night on the manger, and the rest of the town were all sleeping. It was sad though that Christ was born where animals were lying. There was no room for the King on that night... it is on their time.Today God has given us the opportunity to welcome out King.


Does the  King of the whole world has a room in your life?... Or will you just sleep tonight like those when the first Christmas had happened?


Ginunita ang nabasa, ipinoproseso, at BOOM! Nagising ang aking diwa! Ako'y nagsalita. "yanyan?.. gising na ba si Mommy?.. tara Noche Buena tayo!". At nagising nga si Mommy. Sinalubong naming tatlo sa hapag ang Noche buena. Di man sila gumising, naipag diwang naman naming tatlo ang Pasko.


Ang Pasko, sabi sa aking ni Pbr (Youth Pastor namin) ay ang tinatawag na PASS OVER. Nang mabasa ko ang mensahe mula kay sarah, naalala ko. Oo nga! Naging Pass over nga ang pagsilang kay Jesus, dahil tulog ang lahat. Maswerte ako dahil, nabasa ko ang mensahe na iyon. Naisip ko kasi, tradisyon lang ang Noche Buena, nakapagpapataba lang ito, at nakakapagpadagdag ng eyebags! But I found myself in a wrong interpretation of Noche Buena. Bukod sa masayang kainan kasama ang pamilya, mas higit pa pala sa pagkain ang pinagdiriwang namin! It's the Birth of Jesus Christ!



So then, morning came! Pagdilat ng mata... Aba! Ako nalang pala ang natira sa higaan. Lahat sila nakaligo na, mabango, masaya, excited at nangingislap ang mga mata. Eh syempre! Christmas eeh. Habang nakahiga at di pa alam kung ano ang gagawin, lumipad ang aking isipan. Nag isip, nakabuo ng ideya. Haha, magsusulat ako ng mangyayari sa araw na to! Iba-blog ko yan! Pabirong kong naisip. Pero habang sa katahimikan ng kwarto, sumariwa sa aking mga alala ang mga panahong AKO ang excited sa Christmas Day. Evaluation ang nangyari sa 2 oras na pagmumuni-muni. Hayaan nyong ibahagi ko ang mga kwentong Pasko noong ako'y mag uhog pa.

MASAYA, ang laging interpretasyon ni Eunice sa Pasko. Aba! Bukas, mamamasko ako. Aalis kami ni Papa Taba (lolo daddy's side), at mamamasko kami, pupunta ako sa malalayong lugar! Yes ang dami ko nanamang pera! Sabay ngiti habang kumakain ng almusal. Matapos ang maghapong byahe, pagmamano, pagkain ng iba't ibang left over galing sa Noche Buena, plakdang binibilang ni Eunice ang perang napamaskuhan. YES! naka 760 ako! (pinakamataas na napamaskuhan, may butal pa.. di lang matandaan). Sana next Christmas mas malaki pa ang mapamaskuhan ko.

Lumipas ang ilang pang pasko. Di na gaya ng dati ang pasko ni Eunice, pakonti kasi ng pakonti ang napapamaskuhan niya. Nahihiya na kasi sya. Sabi ng mga tito at tita niya eh, malaki na sya. Kasabay ng pagbabago sa Pasko ni Eunice ay nabago rin ang kanyang interpretasyon sa Pasko. Alam niya na ang pasko ay Para kay Hesu Kristo. At marami pang interpretasyon. Hanggang sa tuluyan nang nalimutan ni Eunice na mamasko sa Christmas Day.


SA NGAYON, napag alaman ni Eunice na ang Christmas ay para sa kanyang tagapagligtas. Para kay Hesus! Nabuhay Siya Para mamatay para sa kabayaran sa Aking(ating) mga kasalanan. At para makasama natin Siya sa buhay na walang hanggan.



Di ko na siguro mababanggit ang ilan pang nangyari sa araw na ito. Masaya ako, dahil Ipinagdiriwang ng pamilya ko ang Christmas. Merry Christmas to you! God bless

Wednesday, December 22, 2010

Nalimutan Ko Na

May mga importanteng bagay na madalas nalilimutan natin, lalo na kung tungkol ito sa sarili natin. Madalas lagi tayo nakatuon sa kahalagahan ng ibang tao sa buhay natin at nalilimutan ang importansya ng sarili natin sa iba ring tao. Di natin nasisipat ang mga naiambag natin sa kanilang mga buhay para magdulot ng malaking pagbabago nang di man lang natin alam. Importante ka pala sa buhay nila.

Gusto kong Ibahagi ngayon ang conversation na nagpaalala sa akin ng VALUE ko sa buhay ng isang kaibigan. Major impact pala yun sa buhay nya, at gusto nyang makilala ako ng mga taong mahal niya, para sabihing Siya ang ginamit ng Diyos para mamulat ako sa katotohanan. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko pero yan ang sinabi ni kaibigan. Para di na magkaroon ng mga pag iisip at malisyosong isip, ikekwento ko na ang buong pangyayari sa akin ngayong araw na ito.


Nasa Salon ako kanina, aba sosyal na ako aah, nagpaganda konti. Sa paglabas ko sa salon, napaisip ako.. May maganda bang nangyari sa araw na to? may makabuluhan bang nabago sa buhay ko? O sa ibang tao?.. Syempre, WALA. Maghapon lang ako nakaupo sa Salon eeh. Kaya naman habang nasa jeep ako, I prayed and ask the Lord, to be a blessing to others and share His words to others.Surprisingly, naisip ko si Erica, my close friend na nag aaral ngayon sa Baguio, kakosa ko nung High School days and one of my closest friends. So then nagdecide ako na bumaba sa phase 3, sa kasamaang palad, eh wala sya, nasa ph1 pala. Baka nagkita sila ni Dust. Dahil nadisappoint ako, pumunta ako ng bakery at bumili ng tinapay. Biglang sumagi sa isip ko si BAM/BEB.ANG/VIVIEN TIZON, ang kaibigan ko ring matalik noong High School. Kaya naman di na ako  nag dalawang isip na pumunta sa kanila, at nung tumawag ako, isang malakas na sigaw ang narinig ko.. " EUNICEEEEEEEEE".. sigaw ni bam.. Grabe! namiss ako ni Bam, di ko akalain. Di pa rin sya nagbabago, still the same, no changes at all, bukod sa tumataba na sya at nagkakaroon na rin ng belt bags. Habang nag uusap kami at nag aantay ng sasakyan na papaakyat sa bahay namin, nabanggit nya ang present life niya sa kolehiyo. Ang pag aaral niya, mga kaibigan niya, mga guro at marami pang bagay, pero ang pinaka TUMBOK ng kwento niya ay ang Nobyo niya. Natawa ako, dahil gusto niya akong ipakilala dito, para daw ipakilala ang taong tumulong sa kanya na mamulat sa Spiritual Life. Na flattered ako, at To Go be the Glory, naging pagpapala pala ako sa buhay ni bam. Datin kasi syang Atheist at di talaga naniniwala na may Diyos. But God turned her life 180degree. Napakadaming binago ng Diyos sa buhay ni Bam. And thankful ako sa Lord dahil dito.



Habang nag uusap kami, na touch sobra ang puso ko. Naging parte pala ako ng MAJOR impact, and Bam reminds me the "VALUE OF MY EXISTENCE". Grabe! at super na bless ako dito. Kitams, answered prayer agad ni Lord, So then, may makabuluhang nangyari ngayong araw na ito!


You can be a blessing to others. Seek opportunities to Serve, not to be entertain :)
God  bless Everyone

Sunday, December 19, 2010

Christmas Season

5 days before Christmas. Hay naku! ano kaya ang gagawin ko? Araw ng Sabado. Tambay sa bahay ng lola ko? Ano ba ang maganda na gawin sa Christmas Eve at Christmas Day?


Nitong mga nakalipas na araw, ayos pa naman ang pakiramdam ko, dahil sa nabasa kong libro ni Joshua Harris na pinamagatang "I kissed Dating Goodbye". Natuwa ako sa content nito, patungkol ito sa bagong ugali sa relasyon sa opposite sex, at paano mo mago-glorify ang Lord sa relationship mo towards opposite sex. Sabi niya, ang pagiging single ay GIFT from God, kailangan gamitin mo ang blessing na ito para mag serve sa Lord. Naintindihan ko naman, at thankful ako dito, dahil di ko nagawa ang mga nandun sa libro niya. Pero teka? Ano ba ang kinalaman nito sa Christmas Season ko?


Talamak sa Facebook and mga groups and fan Page na  may nitial na S.M.P o Samahang Malalamig ang Pasko. Dahil ito sa isang commercial, at bingo! Tinamaan ako. Pero Bakit nga ba nauso ang SMP? eh diba dapat sa February pa yun? Mga pinoy talaga masyadong creative. Lagi nalang may iba't ibang interpretasyon sa Christmas. Sabi ng karamihan its about giving, yung mga bata naman eh, si santa claus daw, sabi naman ng kapitbahay namin, kainan, kasiyahan at partey partey!. People would interpret Christmas in so many different ways, pero isa lang ang ibig sabihin ng Christmas. It's about the Birth of the Lord Jesus Christ. Our Messiah, its all about Him. Though, wala naman talaga binanggit sa Bible na December sya pinanganak, nandun pa rin ang kapanganakan nya. Sa palagay ko eh, arbitrary na ang Christmas, December 25. Gora tayo! Let us celebrate th birth of Jesus Christ.


Holiday ang December 25, it means, gala, bonding, at kasiyahan. Pero sa tulad ko, na bibihira gumala, eh ano kaya ang pagkakaabalahan ko? (1) Mag Devotion ng maagang maaga. I will start it with devotion. (2) babalakin ko makatakas sa bahay at umakyat sa Bundok ng Antipolo, haha well i pray payagan ako. Sabagay balak pa lang naman ito eeh. (3) kung di ako payagan, mag aaral nalang ako ng Mafemafics (?) haha at Sfafisfics (?) hulaan mo nalang kung ano yan.


Gusto ko man magliwaliw sa maghapon ng december 25 eh baka maiyak lang ako at magtampo sa Lord, dahil panigurado; sa loob ng mall, sa park, at sa mga sinehan, kung hindi pamilya at barkada ang kasama eeh, magkasintahan. Bitter? di naman. Ayoko lang matempt at mag self pity. I'm so blessed. Kaya stay away from temptation ang dapat na pairalin.


MERRY CHRISTMAS. GOD BLESS ^^,

Saturday, December 18, 2010

So much Worries

May mga pagkakataon sa buhay ng tao na puno ng pagdududa at pag alala. Lahat naman siguro tayo ay nakakaranas ng mga ganitong emosyon, pwera nalang kung ABOVE normal ka at di mo sigurado kung nakakaramdam ka nga nito. Wala naman akong MAJOR na problema, may pagkakataon lang talaga na kahit maliit na bagay ay binibigyan ko pa ng pansin para maging big deal. Actually, sa mga oras na 'to, iniisip ko nakung ano ba talaga mga worries ko, dapat mae-valuate. Naalala ko tuloy yung kanta sa Sunday School ". . . cast your burden unto JESUS for He cares for you... " dapat maibigay ang mga burden na ito. Pero paano? Dapat i-evaluate nga eeh. Simulan sa pag lista ng mga worries, isulat sa papel at pagnatapos basahin mula sa itaas hanggang sa ibaba. Ipag-pray at ibigay kay Lord. Naalala ko tuloy ang Matt. 6:25-34, and DONOT. Ilang beses ko na ito napapakinggan, di lang nagreretain sa utak ko ang chapter at verse. Basta alam ko Matthew yun, sold na ako. Pero hindi mali ako, bakit sa salita ng Diyos eeh SOLD na ako? Di ba big deal yun? dapat yun ang binibigyan ko ng pansin, ang ´tunay na ma SOLD sa salita ng Lord, kaya pala! Di ko kasi binibigyan ng importansya ang mga shine-share sa akin. Madalas pa na nareretain sa utak eh, mga turo sa usaping LOVE, pero how can I love, kung di ko alam ang salitang LOVE? teka. lumalayo na ako, balik sa matt. 6:25-34, sabi ng cell leader ko, (1) Do not be AFRAID. Di naman ako takot eeh, sabi ng utak ko, pero sa puso ko, MARUPOK, TAKOT, DUWAG at LALAMPA LAMPA. Takot ako kasi .  . . pero ano? may napala ba ako sa pagiging duwag? MERON! SHAME on me. Sabi nga ng Lord "do not be afraid" makinig ka! sumunod ka! Sya ang bahala. (2) Do not set your hearts on worldly things. Oh yeah, not so much to deal with it. nakalimutan ko na yung pangatlo. pinaka gusto ko lahat at pinaka nakakapang encourage sakin eh yung (v.34)" Therefore do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble of its own."(NIV) Oh ha? Bongga talaga si Lord. Nakakapa lighten Siya, at higit pa ang kaya Niyang gawin. Maaring ang worries ko today ay wino-work out na nga Lord. Ginagawan na nya ng paraan para makaattend ako ng Encounter at mga major worries ko such us school at Kung paano ako makakapag share ng salita Niya.. Pero TRUST GOD, Siya ang bahala. SUPERHERO ko nga Siya kung maituturing. Ikaw? Ready kana ba isulat at ibigay sa Lord ang mga worries mo? Nag aantay lang ang Lord na tawagin mo Siya.


Kapag na Stumble tayo, wag na makinig sa mga EMO na kanta at babasahin. Instead read God's word, Ang BIBLE ito ang nagsisilbing GUIDELINES natin sa buhay that Glorifies God. The Bible speaks about the truth. Kahit ano pa ang belief mo, Hindi nito mababago ang Katotohanan na nakalagay sa Bible. Read Your Bible, You will grow deeper on God's word.

At tulad nga ng sabi ko kanina lahat ng worries dapat isulat at ipag pray.. Tama ang each day has ENOUGH trouble of its own.. Dagdag pa rito, Jesus Loves Us, di niya tayo iiwan. Hebrews 13:5 "I will never leave you nor forsake you, says the Lord". Keep your faith, keep on running... God will provide all.. lahat ng worries mo ibigay mo, He is so great. Ma sold na tayo sa Lord. Thank Him for all His goodness.God bless

Monday, November 1, 2010

LEGACY



I don't mind if you've got something nice to say about me

And I enjoy an accolade like the rest

You could take my picture and hang it in a gallery
Of all who's who and so-n-so's that used to be the best
At such'n'such ... it wouldn't matter much






I won't lie, it feels alright to see your name in lights

We all need an 'Atta boy' or 'Atta girl'

But in the end I'd like to hang my hat on more besides
The temporary trappings of this world






I want to leave a legacy

How will they remember me?

Did I choose to love? Did I point to You enough
To make a mark on things?
I want to leave an offering
A child of mercy and grace who
blessed your name unapologetically
And leave that kind of legacy







I don't have to look too far or too long awhile

To make a lengthly list of all that I enjoy

It's an accumulating trinket and a treasure pile
Where moth and rust, thieves and such will soon enough destroy




Not well traveled, not well read, not well-to-do or well bred

Just want to hear instead, "Well Done" good and faithful one...

Thursday, September 30, 2010

gabi na

Gabi na ;)



malalim na ang gabi..kaya goodnight ;)


 ;))))))

Baldadong Isipan

Baldadong Isipan
by: Keith Regacho




Hindi ko alam kung paano ito sisimulan,
Dahil kahit isang taludtod ay walang maumpisahan,
Sa larangan ng tula ako'y di bihasa,
Napakahirap gumawa kung ang isipan ay di hasa.


Isang plano ang pumasok sa isipan ko,
Hindi ko alam kung itutuloy ko ba ito?
Pasimpleng napalingon sa katabi,
at biglang hindi mapakali.


Pagala-gala ang mga mata,
Tila ba may inaasinta,
Ayun! Biglang nagdiwang ang aking isipan,
sa paggawa nitong tula ako`y di mahihirapan.


Sa bawat pag-asinta sa gawa ng katabi,
Ako`y nananalangin na huwag sanang mahuli
Bigla akong nakadama ng konsensya,
Pero HINDI ! Ako`y kumukuha lamang ng sapat na ideya


Asinta dito, asinta diyan,
tila ba ako`y isang agila na dumadagit ng panlamang tiyan,
Sa bawat pag dagit sa gawa ng aking katabi,
Tila may mga ngiting namumutawi sa aking mga labi.


Sa Wakas!. natapos na din sa tula,
at ako`y tuwang-tuwa
nangunguna sa pasahan,
at pilit na nilalagay ang papel sa unahan.


Tila ako`y napaisip
at biglang nanahimik
natapos ako sa tula ko, tama ba ang ginawa ko?
na kahit isang ideay sa tula ay wala ako.

Friday, September 10, 2010

090910

SEPTEMBER 9, 2010, 10 PASS IN THE EVENING.

At first, i did'nt expect that more than a fellowship, but then God revive us all. It's a great MAJOR MAJOR feeling to once again be Revived and encounter God. It is the first time that I've seen my brother "yanyan" like that, God changed him a lot. His spiritual life will grow more, he'll be more passionate. And little by little God is responding to my prayers. As to my ministry, my friends and I will continue to pray for the growth of our church, our ministry, our pastors and leaders, and more over our spiritual life and relationship with the Lord.

I really can't forget this day. God is moving !. 
P-pray
U-until
S-something
H-happens

GOD is GOOD ALL THE TIME :)

Wednesday, September 8, 2010

kilala mo ba ako? eh SIYA?

Kilala mo ba ako? Maaring Oo, dahil kilala mo ako sa dahil nabasa mo ang pangalan ko, o kaya dahil sa kilala mo ako dahil nakita mo na ako,nakasama, dating kaklase, kaibigan, kasama sa neighborhood, ka churchmate, kaklase ko, kamag anak at marami pang dahilan. Pero kilala mo nga ba ako? Baka hindi naman ang sagot ng iba na nakabasa nito, dahil di talaga ako kilala, at di pa kami nagkikita sa tala ng buhay ko, maaring nakita mo na ako sa daan o sa lrt station, sa school, o saan pa man, pero di mo ako kilala. Pero sino nga ba si Eunice Arpet Mijares Punzalan? Tama!. Eh SIYA?...sino nga ba ako sa paningin nyo? Ganun din ba ang pagkakakilala mo sa KANYA?


Si Eunice na Anak ko, Si Eunice na Kaklase ko, maingay, bugnutin at tamad. Si Eunice na kasama ko sa church, aah Si Eunice ate ko yan! Si Eunice dati ko yan kaklase, kalog yan!. Si Eunice aah, Yung batang Uhugin dati. Si Eunice ba kamo?. Pamangkin ko, Pinsan ko, Ate-atehan ko. Oo si Eunice nga !. tropa ko yan eeh . hmmm . Si eunice ba?. MY sister po. Si Eunice, ewan ko basta alam ko nag eexist lang sya. Si Eunice, Crush ko yun (KILEEEGG) Si Eunice?. malupit magalit yan! Si Eunice????. ay naku !. KAiBiGANG MATALiK. Si Eunice ba?? sino ba ako sayo? eeh SIYA kaya.. Sino SIYA sayo?

ako si eunice


Ako Si Eunice Arpet Mijares, labing anim na taong gulang at ipinanganak noong Pebrero ika-dalawampu't tatlo ng taong isang libo syam na raan syamnapu't apat (FEBRUARY 23, 1994)
ang dahilan bakit ako nag exist? Si LORD ! ang aking Tagapagligtas na si Jesus. At oo !. isa akong Kristyano. ayy !.. nakalimutan ko ang parents ko.. Sina Joel at Clarissa... ang aking mabutihin at mapag mahal na mga magulang.


Ngayon. Sino nga ba ako? Kilala mo ba ako?
Interesado ka ba na makilala ako?
Ayy naku !. wag na ako! May gusto akong ipakilala sayo..may ideya ka ba kung sino SIYA?
gusto mo bang malaman kung sino?. . .
Kaya nyang baguhin ang buhay mo!. gaya ng pagbago nya sa buhay ko !.
yan-- KUNG SINO BA Si EUNICE?
mas higit pa dyan ang madidiskubre mo sa iyong sarili pag nakilala mo ang gusto kong ipakilala sayo. . interesado kaba? Kilala mo na ba Siya?