5 days before Christmas. Hay naku! ano kaya ang gagawin ko? Araw ng Sabado. Tambay sa bahay ng lola ko? Ano ba ang maganda na gawin sa Christmas Eve at Christmas Day?
Nitong mga nakalipas na araw, ayos pa naman ang pakiramdam ko, dahil sa nabasa kong libro ni Joshua Harris na pinamagatang "I kissed Dating Goodbye". Natuwa ako sa content nito, patungkol ito sa bagong ugali sa relasyon sa opposite sex, at paano mo mago-glorify ang Lord sa relationship mo towards opposite sex. Sabi niya, ang pagiging single ay GIFT from God, kailangan gamitin mo ang blessing na ito para mag serve sa Lord. Naintindihan ko naman, at thankful ako dito, dahil di ko nagawa ang mga nandun sa libro niya. Pero teka? Ano ba ang kinalaman nito sa Christmas Season ko?
Talamak sa Facebook and mga groups and fan Page na may nitial na S.M.P o Samahang Malalamig ang Pasko. Dahil ito sa isang commercial, at bingo! Tinamaan ako. Pero Bakit nga ba nauso ang SMP? eh diba dapat sa February pa yun? Mga pinoy talaga masyadong creative. Lagi nalang may iba't ibang interpretasyon sa Christmas. Sabi ng karamihan its about giving, yung mga bata naman eh, si santa claus daw, sabi naman ng kapitbahay namin, kainan, kasiyahan at partey partey!. People would interpret Christmas in so many different ways, pero isa lang ang ibig sabihin ng Christmas. It's about the Birth of the Lord Jesus Christ. Our Messiah, its all about Him. Though, wala naman talaga binanggit sa Bible na December sya pinanganak, nandun pa rin ang kapanganakan nya. Sa palagay ko eh, arbitrary na ang Christmas, December 25. Gora tayo! Let us celebrate th birth of Jesus Christ.
Holiday ang December 25, it means, gala, bonding, at kasiyahan. Pero sa tulad ko, na bibihira gumala, eh ano kaya ang pagkakaabalahan ko? (1) Mag Devotion ng maagang maaga. I will start it with devotion. (2) babalakin ko makatakas sa bahay at umakyat sa Bundok ng Antipolo, haha well i pray payagan ako. Sabagay balak pa lang naman ito eeh. (3) kung di ako payagan, mag aaral nalang ako ng Mafemafics (?) haha at Sfafisfics (?) hulaan mo nalang kung ano yan.
Gusto ko man magliwaliw sa maghapon ng december 25 eh baka maiyak lang ako at magtampo sa Lord, dahil panigurado; sa loob ng mall, sa park, at sa mga sinehan, kung hindi pamilya at barkada ang kasama eeh, magkasintahan. Bitter? di naman. Ayoko lang matempt at mag self pity. I'm so blessed. Kaya stay away from temptation ang dapat na pairalin.
MERRY CHRISTMAS. GOD BLESS ^^,
No comments:
Post a Comment