Saturday, December 18, 2010

So much Worries

May mga pagkakataon sa buhay ng tao na puno ng pagdududa at pag alala. Lahat naman siguro tayo ay nakakaranas ng mga ganitong emosyon, pwera nalang kung ABOVE normal ka at di mo sigurado kung nakakaramdam ka nga nito. Wala naman akong MAJOR na problema, may pagkakataon lang talaga na kahit maliit na bagay ay binibigyan ko pa ng pansin para maging big deal. Actually, sa mga oras na 'to, iniisip ko nakung ano ba talaga mga worries ko, dapat mae-valuate. Naalala ko tuloy yung kanta sa Sunday School ". . . cast your burden unto JESUS for He cares for you... " dapat maibigay ang mga burden na ito. Pero paano? Dapat i-evaluate nga eeh. Simulan sa pag lista ng mga worries, isulat sa papel at pagnatapos basahin mula sa itaas hanggang sa ibaba. Ipag-pray at ibigay kay Lord. Naalala ko tuloy ang Matt. 6:25-34, and DONOT. Ilang beses ko na ito napapakinggan, di lang nagreretain sa utak ko ang chapter at verse. Basta alam ko Matthew yun, sold na ako. Pero hindi mali ako, bakit sa salita ng Diyos eeh SOLD na ako? Di ba big deal yun? dapat yun ang binibigyan ko ng pansin, ang ´tunay na ma SOLD sa salita ng Lord, kaya pala! Di ko kasi binibigyan ng importansya ang mga shine-share sa akin. Madalas pa na nareretain sa utak eh, mga turo sa usaping LOVE, pero how can I love, kung di ko alam ang salitang LOVE? teka. lumalayo na ako, balik sa matt. 6:25-34, sabi ng cell leader ko, (1) Do not be AFRAID. Di naman ako takot eeh, sabi ng utak ko, pero sa puso ko, MARUPOK, TAKOT, DUWAG at LALAMPA LAMPA. Takot ako kasi .  . . pero ano? may napala ba ako sa pagiging duwag? MERON! SHAME on me. Sabi nga ng Lord "do not be afraid" makinig ka! sumunod ka! Sya ang bahala. (2) Do not set your hearts on worldly things. Oh yeah, not so much to deal with it. nakalimutan ko na yung pangatlo. pinaka gusto ko lahat at pinaka nakakapang encourage sakin eh yung (v.34)" Therefore do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble of its own."(NIV) Oh ha? Bongga talaga si Lord. Nakakapa lighten Siya, at higit pa ang kaya Niyang gawin. Maaring ang worries ko today ay wino-work out na nga Lord. Ginagawan na nya ng paraan para makaattend ako ng Encounter at mga major worries ko such us school at Kung paano ako makakapag share ng salita Niya.. Pero TRUST GOD, Siya ang bahala. SUPERHERO ko nga Siya kung maituturing. Ikaw? Ready kana ba isulat at ibigay sa Lord ang mga worries mo? Nag aantay lang ang Lord na tawagin mo Siya.


Kapag na Stumble tayo, wag na makinig sa mga EMO na kanta at babasahin. Instead read God's word, Ang BIBLE ito ang nagsisilbing GUIDELINES natin sa buhay that Glorifies God. The Bible speaks about the truth. Kahit ano pa ang belief mo, Hindi nito mababago ang Katotohanan na nakalagay sa Bible. Read Your Bible, You will grow deeper on God's word.

At tulad nga ng sabi ko kanina lahat ng worries dapat isulat at ipag pray.. Tama ang each day has ENOUGH trouble of its own.. Dagdag pa rito, Jesus Loves Us, di niya tayo iiwan. Hebrews 13:5 "I will never leave you nor forsake you, says the Lord". Keep your faith, keep on running... God will provide all.. lahat ng worries mo ibigay mo, He is so great. Ma sold na tayo sa Lord. Thank Him for all His goodness.God bless

No comments:

Post a Comment