Thursday, February 24, 2011

Seventeen Years

Labing Pitong taon na pala ako nabubuhay sa mundo. Week long celebration ang kaarawan ko, slaamat sa aking pamilya, mga malalapit na kaibigan at marami pang iba. Wala man akong bisita sa aking kaarawan-- dahil wala naman ang bibisitahin, nasa school-- ay naging nasaya ito. Star Studded nga. Dahil noong nasa conference ako, dumating ang ilang artista ng ABS, at nagpamigay ng pera, pero di ako nakigulo. Masaya na ako sa nakikita ko.

Nasa bahay namin ang mama ko, (lola) And masaya ako dahil wala man ang mga kaibigan ko ay ramdam ko pa din ang presensya nila dahil sa mga nag text, tumawag at bumati sa facebook, maging sa personal. Akala ko ay magiging bitter nanaman ako sa ika-17 years ko sa mundong ibabaw. But I proved it wrong. Ang daming reasons ang ibinigay sa akin ni Lord para magsaya sa araw ng birthday ko, at boung month ng february.


Kung gaya ng pagbabaliktanaw ang gagawin ko ay baka maging nobela na ito. Medyo busy ako ngayon sa school, research, final requirements at mga library ang ginagawa ko plus typing. Ang sakit na nga sa likod, at gumagawa ako ng kwento. Finals namin sa filipino, iniba ko ang kwento ko. Tungkol ito sa Mata ng Bulag, matang bulag sa katotohanan ng buhay. gusto ko'ng bigyang diin ang napapansin ko sa lipunan at kahit medyo hindi reyalistik ang pagbubukas ng bulag na mata ng aking bidang karakter ay magiging makatotohanan ito sa paglaon ng istorya. Na eexcite na akong matapos iyon. At iniisp ko na din ang aking research paper na gagawin ko bukas. May report pa nga ako. Grabe! Pero masaya ako, tila ba hindi na din nakakaramdam ng pagod. Nagkakaroon pa nga ako ng pagkakataon mag facebook. Bukod sa eskwela ay, may mga dapat din akong uyusin sa ministry namin. Wala pa rin akong cellgroup na matino. Nawawala ang mga hinahawakan ko. Di pa ako ganun ka firm at kahanda para humawak. Lalo't higit sa sitwasyon ko. Malayo ang bahay ko. for Now, I'm still praying for my cellgroup. At naghahanda para sa Bigating Event ng aming Youth sa MARCH 26, sa katunayan, mayroon kaming isang bwan para mag handa, mag ready at manalangin.

Sa pagpasok ko sa ika-17 years ng aking buhay, napag alaman kong, I AM JUSTIFIED, at hindi dapat ako mag depend sa feelings. But trust Jesus that He died for me, His Death is more than enough to cover all my sins. And I  Submitted myself, for the Lord to work over all in my life,

Ang saya at nakaka bless. Iyan lang ang masasabi ko sa aking Birthday. Thank you Lord. Happy Edsa! 25 kasi ngayon. Heeheh.God bless

Sunday, February 20, 2011

Thank you

Birthday mo ngayon Its time to PARTEY!! whoooooaaah....


Count down na. bilang na ang araw ko bilang sweet sixteen. I'm turning seventeen. Ano ba ang nararamdaman ko? Ano ba ang inaabangan ko? Ano-ano ba ang plano sakin ng Diyos sa Pagpasok ko sa isa pang taon ng surpresa. Katulad noong nakaraang taon. Noong iiwan ko ang pagiging 15, naisip ko. Di ko man lang na enjoy, kaya pagdating ko ng 16 ko, ie-enjoy ko ang buong taon na iyon. Madami akong pagbabalik tanaw sa pagiging sweet sixteen. Madaming masasayang alala, at mga pagkakamali na nagpapatatag sa akin. Lalo't higit na isa na akong kolehiyo ngayon. Sweet Sixteen is very memorable. College plus clinging more unto God. Mas nag grow kasi ako since nung nag sixteen ako, self surveyed lang. Kidding aside, ang mga na experience ko sa sweet sixteen ay babaunin ko. Nakagraduate ako ng high school, naka pasok ako sa PUP bilang isang communication research student, lumawak ang network ko as a Christian, nakilala akong Christian ng mga bagong kong kaklase, lumalalim pa ang relasyon ko sa Diyos, naging consistent ang devotion ko, nagkaroon ako ng pagkakataon na umatteng ng iba't ibang seminars, nagkaroon ang Church ng youth Pastor, at higit sa lahat, nao-oversome ko ang mga weaknesses ko (bukod sa math). In terms of relationship status, napag alaman ko na di ako dapat magmadali, pagkatapos akong matulungan ng Lord sa pagbasa ng "I kissed Dating goodbye" ni Joshua Harris at "Lovestruck" ni Pastor ronald Molmisa, sa tingin ko ay nagmature ako pagdating dito, sabayan pa ng mga teachings ng youth pastor namin. KABOG! bongga ang sweet sixteen ko. Masaya at full of blessings.


Kung susumahin ko pala ang kabuuan ng taon ng pagiging sixteen, eh kulang na kulang ito. Madami pala akong blessings na natanggap at naranasan. Sa kabila ng pag-iisip na, mahina ako, hindi pala. Si Lord ang nagpapalakas sa akin Sabi nga sa Philippians 4:13 "I can do everything through Him who gives me strength".
At sa 2 araw na nalalabi, ano kaya ang verse na ibibigay ni Lord sa akin. What is the vision He will give me. Pala isipan pa. Waiting for His plan.


I'm very excited sa dadating na panibagong taon sa buhay ko. On Christ the Solid rock I will stand. YEAH BABY ! I'm turning seventeen :)))) Hallelujah... Here's the song for me




Thank You
33 Miles


What if in morning when I wake up 
Even before I fill my coffee cup 
I said thank You 
Thank You 

What if I look at the day and the hours ahead 
And before I move forward I bowed my head 
And said thank You 
Oh I said thank You 

What if I looked at my life in a different way 
Took a little more time to stop and pray 
I know it would change all the moments in between 
So here I go 

Thank You for everything 
Thank You for loving me 
It don?t even matter what tomorrow brings 
Well I will sing my 

Thank You for sun and rain 
For what You give and take away 
For all Your goodness I will always say 
Thank You 
Oh I'll say thank You 

What if I lost everything that I had 
I could smile and somehow still be glad 
And say thank You 
Thank you 

Cause life is joy, life is pain 
But the prayer on my heart will never change 
I say thank You 
Oh I?ll say thank You

Monday, February 14, 2011

KATORSE :)

Alam mo ba kung anong araw ngayon? Pebrero 14.

Araw lang naman ng mga puso ngayon. Oh? Nagtataka ka rin no? Bakit February 14 ang araw ng mga puso, eh pwede naman na March, April, May o kaya June, o yung mga iba pang bwan. eh bakit ba kasi kailangang february 14? Sabi sa history ng Valentines day, ang february 14 daw ay ang kamatayan ni Saint Valentine. So, bakit hearts day ang valentines day, kung kamatayan ito? Kasi ayon sa kwento, ipinagbawal ang ritwal ng pagbibigay ng sulat sa iyong nagugustuhang tao sa araw ng feb 14. Dahilan para di pumunta ang mga lalaki sa gyera. Kaya si Valentine ay pasikretong ikinisal ang mga magsising irog. At pinatay sya noong feb.14.


Yun ang kwento. Pero, diba dapat kupido ang dating ni valentine? Haha. Paano kaya kung Happy Cupids Day! Bago yun at pwede rin. Meron nga bumabati eh, Happy Hearts day. Ayaw kasing i-acknowledge si Valentine. At dahil na din sa bitter ang iilan sa valentines day. Oo, isa ako sa mga NAGING bitter ng araw ng mga puso. Pero ngayon hindi na. Napaka daming rason para sumaya at kalimutan ang pagiging single ko. Ang karamihan kasi sa mga bitter sa Feb.14 ay ang mga singles at mga binreak ng Feb14. Ang saya diba? Hahah. Break up sa feb 14?. Wala lang, na relate ko lang ang aking kapatid na lalaki, si Cj, balita ko kasi, bireak nya daw yung girlfriend nya ngayong araw na ito. Saklap. Heart breaker ang kapatid ko. Anyways. Madami pang dapat gawin. Isang araw lang naman ang Feb14. At nationwide syang isine-celebrate. Kahit nga mga professors ko kanina wala. Masipag lang talaga pumasok ang algebra ko, dahil siguro, wala syang ka date, kaya kami ang pinagtuunan ng oras nya.

Pauwi ako kanina galing sa school. Naku, hinihika nanaman ako. Hay!! Tanghaling tapat, makikita mo sa daan ang mga magkakapartner na babae at lalaki, may hawak na bulaklak, rose at bouquet. Lupet, sa tala nang buhay ko, ngayon ko lang naramdaman ang pagpapahalaga sa valentines day. Dati kasi nung bata ako, simpleng cards lang ang ibigay mo ay ok na, gagawa ka lang para s amga magulang at friends mo, solve na. Sa kolehiyo at sa totoong mundon, di pala pwede yun. Korni at Effortless ang dating, garbage sa karamihan. Pero kung tutuusin para lang naman sa akin. Mas maaappreciate ko ang mga cards kaysa sa mga flowers. Habang nasa Lrt Station kami ng mga kaklase ko. Naisip kong kantahin ang 'Love is Waiting ni Brooke Fraser' para di malungkot at ayusin parin ang pakiramdam ko sa kabila ng............... HIKA! oh kala mo aah.:D pero sa totoo lang, tao din naman ako. Medyo bitter ako nung nalaman ko at namulat ako sa mundo ni Valentine. Kasi naman, puro dates, puro love, puro hearts, flowers, and chocolates everywhere, at ang pinapauso ng gobyerno ngayon, Condom! Anu ba yan! Pati ba naman ang hearts day, dinudumihan na? Kaya siguro katorse ang valentines day, dahil Katorse nabubuntis ang mga batang babae, dala ng pusok ng damdamin at kapabayaan at tamang gabay ng magulang, walang relasyon at pagmamahal sa Diyos. Purity comes in kapag February. Love month kasi. Ang mga gawain ng mga mag-asawa ay di dapat ina-address sa mga out of marriage relationship. Hayyyyy!! Well kahit anung himutok ko dito eh, wala na rin patutunguhan. 10:30pm na ng February 14, kaya malamang sa hindi, patapus na din ang araw na ito para mag paalala.


Katorse ng Pebrero, Araw ng mga puso. Hearts can be deceiving, something feels right is really wrong.  Don't cross the line ( parang pulis lang no?) Guard you hearts. Not only on Valentines/hearts day, but Everyday.

Friday, February 11, 2011

February Impact!

Recently nakaranas ako ng panghihina spiritually. Palyado sa devotion at di ko na aayos ang prayer life ko. Naapektuhan na ako, at nanghina na ng husto. Pero mabuti ang Diyos at hindi Niya ako pinabayaan, sa halip ay pinapatatag Niya ako sa pamamagitan ng mga circumstances na kinakaharap ko ngayon.

I thought February would be flawless and painless month, buwan ko kasi ito, and I expect joy and love. And yes! Tama ang expectation ko na makakaranas ako ng Joy and Love, pero nagkamali ako kung kanino ko makukuha iyon. Kay Jesus ko pala matatagpuan yun. Di sa iba. Nakalimutan ko yung first Love ko. Nagkamali ako at namuhay ng naayon sa emotional desire ko. Note, 'desire ko' , ako lang! Di kasama ang Lord. Naging selfish ako, at isinantabi si Lord para sa pekeng ligaya na naramdaman ko.

Of course, dinidisiplina ng Panginoon ang mga anak Niya dahil mahal Niya tayo. Nagkaroon kami kahapon ng Activity sa Filipino, sulatan factor. Susulat ka para sa isang tao sa loob ng klase, pwede mong ilabas ang mga saloobin mo. Di ko inaasahang isa ako sa mga pinakamadaming matatanggap na sulat. Yung iba nga di na binasa ng professor ko. Grabe ang burden na naramdaman ko yesterday. Sabi ng sister ko, mag reflect lang ako at mag pray. Habang hinahanap ko ang Lord sa mga oras na iyon, nasasaktan ako sa mga sinasabi sa akin, bossy ako at pala utos. Nakapag reflect ako dun at natanggap ko iyon. Nasaktan lang ako sa parte ng may naiinis sa akin dahil sa mukha ko at sa presensya ko. Ouch! Ang sakit naman nun. Then, after ng klase para akong bangag at gustong gusto nang umalis ng paa ko sa lugar na iyon. Salamat sa isang kaibigan na nagmalasakit at niyakap ako, pakiramdam ko di pa rin ako nag iisa at may naniniwala pa sa akin. Naisip ko tuloy, ang dami nang "Changes" sa akin simula nang pumasok ako sa kolehiyo. Di pa ba sapat yun? O baka naman, di ako pasok sa 'Standard Nila'. Naalala ko pa, sabi ko sa Lord,  "If this Life I'll lose I will follow you". Handa ba ako? Eh, nasaktan nga ako. Handa ba ako na mamuhay pasan-pasan ang Cross, Am I ready to be hated by the World because I follow Christ? Pag uwi ko, wala sila daddy. Naka locked yung bahay. Punta ako sa tabi, gusto ko ng kausap, maiiyakan, pero dapat si Lord muna ang kwentuhan ko. Para akong batang ninakawan ng candy sa isang sulok, hikbi ng hikbi, iyak ng iyak. Dumating ang daddy ko, ang knight ko. We talked, at sinabi niya na "walang taong nasaktan na di nagbago". Be firm daw, sila ang dapat mag adjust, lalo na yung nagsulat na ayaw niya sa akin. Naisip ko, way ni God yun para magbago ako, para makita ko ang pagkakamali ko na hindi ko nakikita sa sarili ko. Way yun ni God para mas i-engaged ko ang sarili ko sa devotion at prayer life, through that I can gain strength. Way yun ni God for me to genuinely apply what I am learning from God's Word, APPLICATION sa totoong buhay.

Isa pa sa impact ng February ko ay ang Purity! BOOM!
gaya ng ibang ordinaryong kabataan, nagkakaproblema ako sa pamumuhay ng banal. When purity comes in, palyado din ako. Sabihin man na babae ako, at never nagka bf, thoughts, words and actions still counts. Sakto ang impact ng purity sa akin, I'm currently reading 'not even a hint' by Joshua Harris. At sapul kung sapul sa mensahe kanina ni Pastor Bong. I know the Lord spoke through him, saying that I must completely rid of my sexual immorality, lust to be specific.

Nakakaramdam ako ng shamefulness but because of this conviction I was lead to Redemption and Repentance and Restoration. God is always ready to forgive us from our sins, through Jesus. Total Renewal, total submission. Greater Commitment. TRUE LOVE WAITS, UNTIL I AM READY.
I will walk down on the aisle proudly saying, "Lord, I am pure. Matatanggap ako ng magiging asawa ko ng malinis at walang bahid ng karumihan".

Thursday, February 3, 2011

Kay Lamig ng Simoy ng Hangin

Pasko? Hindi.Pebrero? Oo.

Ang lamig ng pagpasok ng Pebrero. Magkahalong Saya at Lungkot ang Pebrero ko, Ito kasi ang bwan ng Aking pagtanda at pintuan ng panibagong landas. Masaya dahil bibigyan muli ako ng Diyos ng panibagong buhay, malungkot dahil tumatanda ako. Di naman talaga ganun kalungkot. Marahil, isa sa nagiging dahilan ng salitang "lungkot" ngayong pebrero ay ang Araw ng mga Puso. Hay naku! Sino ba naman kasi ang nagpauso nito. Tinapat pa sa Bwan ng Kanganakan ko.

Sa dinami-dami ng mga bwan sa kalendaryo, napansin ko na Pebrero ang pinagtutuunan ng pansin lalong higit pagdating sa kapanganakan. "Pebrero ka? Naku! Kulang kulang ka...." o kaya " bugnutin ka, siguro pebrero ka pinanganak no?" Oh diba? May ganyan talagang pangyayari. Dagdag pa dito ay ang 'Balentayns Dey' (Valentines Day). Nakita ko din na hindi lahat ng pebrero ay sobra pag dating sa isyung pag ibig, base lang naman ito sa sarili kong karanasan.

Pag Pebrero, ang uso ay mga Tsokolate, bulaklak, Restaurant, dates at puso. Meron pang nakasabit sa klasrum na Kupido, pinapa project pa ng guro. "Baka Inlab si mam." Naisip ko nung nasa elementarya ako. Gustong gusto niya na maraming puso at isasabit pa sa kisame ng klasrum namin. Meron pa nga nung bandang ga-graduate na ako ng elementary week long celebration ng Valentines Day at may party pa. Bongga di ba? Pero sa High School, bibihira ang nag ce-celebrate ng Valentines day. Alternatibo ang J.S prom at mga concert. Iisipin mong, parang Christmas at New Year din ang Pebrero, at dinagdagan pa ngayong 2011, Kong Hei Fat Choi, Chineese new year din. Mantakin mo yun, ang dmaing events sa Bwan ng pebrero. Ang bwan ko.


Malamig ang simoy ng hangin sa bwan ko, parang pasko. Pero dapat bang doon ako nakatuon, kung may nagpapainit naman sa buhay ko.? Isa lang naman Siya eh. Ang Diyos na buhay. Dapat akong mag look forward sa Araw na Niluwal ako ng aking ina, ang araw na itinakda ng Diyos dahil espesyal daw ako. Naniniwala akong walang aksidente sa Diyos kaya kahit ang kaarawan ko ay may dahilan. Malamig? Hindi na, dahil mainit na mainit ang handa ng Diyos para sa akin. Eunice Arpet Mijares Punzalan is looking forward on God's plan for another year of her life. Sana'y ikaw din, kung pebrero ka.