Monday, February 14, 2011

KATORSE :)

Alam mo ba kung anong araw ngayon? Pebrero 14.

Araw lang naman ng mga puso ngayon. Oh? Nagtataka ka rin no? Bakit February 14 ang araw ng mga puso, eh pwede naman na March, April, May o kaya June, o yung mga iba pang bwan. eh bakit ba kasi kailangang february 14? Sabi sa history ng Valentines day, ang february 14 daw ay ang kamatayan ni Saint Valentine. So, bakit hearts day ang valentines day, kung kamatayan ito? Kasi ayon sa kwento, ipinagbawal ang ritwal ng pagbibigay ng sulat sa iyong nagugustuhang tao sa araw ng feb 14. Dahilan para di pumunta ang mga lalaki sa gyera. Kaya si Valentine ay pasikretong ikinisal ang mga magsising irog. At pinatay sya noong feb.14.


Yun ang kwento. Pero, diba dapat kupido ang dating ni valentine? Haha. Paano kaya kung Happy Cupids Day! Bago yun at pwede rin. Meron nga bumabati eh, Happy Hearts day. Ayaw kasing i-acknowledge si Valentine. At dahil na din sa bitter ang iilan sa valentines day. Oo, isa ako sa mga NAGING bitter ng araw ng mga puso. Pero ngayon hindi na. Napaka daming rason para sumaya at kalimutan ang pagiging single ko. Ang karamihan kasi sa mga bitter sa Feb.14 ay ang mga singles at mga binreak ng Feb14. Ang saya diba? Hahah. Break up sa feb 14?. Wala lang, na relate ko lang ang aking kapatid na lalaki, si Cj, balita ko kasi, bireak nya daw yung girlfriend nya ngayong araw na ito. Saklap. Heart breaker ang kapatid ko. Anyways. Madami pang dapat gawin. Isang araw lang naman ang Feb14. At nationwide syang isine-celebrate. Kahit nga mga professors ko kanina wala. Masipag lang talaga pumasok ang algebra ko, dahil siguro, wala syang ka date, kaya kami ang pinagtuunan ng oras nya.

Pauwi ako kanina galing sa school. Naku, hinihika nanaman ako. Hay!! Tanghaling tapat, makikita mo sa daan ang mga magkakapartner na babae at lalaki, may hawak na bulaklak, rose at bouquet. Lupet, sa tala nang buhay ko, ngayon ko lang naramdaman ang pagpapahalaga sa valentines day. Dati kasi nung bata ako, simpleng cards lang ang ibigay mo ay ok na, gagawa ka lang para s amga magulang at friends mo, solve na. Sa kolehiyo at sa totoong mundon, di pala pwede yun. Korni at Effortless ang dating, garbage sa karamihan. Pero kung tutuusin para lang naman sa akin. Mas maaappreciate ko ang mga cards kaysa sa mga flowers. Habang nasa Lrt Station kami ng mga kaklase ko. Naisip kong kantahin ang 'Love is Waiting ni Brooke Fraser' para di malungkot at ayusin parin ang pakiramdam ko sa kabila ng............... HIKA! oh kala mo aah.:D pero sa totoo lang, tao din naman ako. Medyo bitter ako nung nalaman ko at namulat ako sa mundo ni Valentine. Kasi naman, puro dates, puro love, puro hearts, flowers, and chocolates everywhere, at ang pinapauso ng gobyerno ngayon, Condom! Anu ba yan! Pati ba naman ang hearts day, dinudumihan na? Kaya siguro katorse ang valentines day, dahil Katorse nabubuntis ang mga batang babae, dala ng pusok ng damdamin at kapabayaan at tamang gabay ng magulang, walang relasyon at pagmamahal sa Diyos. Purity comes in kapag February. Love month kasi. Ang mga gawain ng mga mag-asawa ay di dapat ina-address sa mga out of marriage relationship. Hayyyyy!! Well kahit anung himutok ko dito eh, wala na rin patutunguhan. 10:30pm na ng February 14, kaya malamang sa hindi, patapus na din ang araw na ito para mag paalala.


Katorse ng Pebrero, Araw ng mga puso. Hearts can be deceiving, something feels right is really wrong.  Don't cross the line ( parang pulis lang no?) Guard you hearts. Not only on Valentines/hearts day, but Everyday.

No comments:

Post a Comment