Pasko? Hindi.Pebrero? Oo.
Ang lamig ng pagpasok ng Pebrero. Magkahalong Saya at Lungkot ang Pebrero ko, Ito kasi ang bwan ng Aking pagtanda at pintuan ng panibagong landas. Masaya dahil bibigyan muli ako ng Diyos ng panibagong buhay, malungkot dahil tumatanda ako. Di naman talaga ganun kalungkot. Marahil, isa sa nagiging dahilan ng salitang "lungkot" ngayong pebrero ay ang Araw ng mga Puso. Hay naku! Sino ba naman kasi ang nagpauso nito. Tinapat pa sa Bwan ng Kanganakan ko.
Sa dinami-dami ng mga bwan sa kalendaryo, napansin ko na Pebrero ang pinagtutuunan ng pansin lalong higit pagdating sa kapanganakan. "Pebrero ka? Naku! Kulang kulang ka...." o kaya " bugnutin ka, siguro pebrero ka pinanganak no?" Oh diba? May ganyan talagang pangyayari. Dagdag pa dito ay ang 'Balentayns Dey' (Valentines Day). Nakita ko din na hindi lahat ng pebrero ay sobra pag dating sa isyung pag ibig, base lang naman ito sa sarili kong karanasan.
Pag Pebrero, ang uso ay mga Tsokolate, bulaklak, Restaurant, dates at puso. Meron pang nakasabit sa klasrum na Kupido, pinapa project pa ng guro. "Baka Inlab si mam." Naisip ko nung nasa elementarya ako. Gustong gusto niya na maraming puso at isasabit pa sa kisame ng klasrum namin. Meron pa nga nung bandang ga-graduate na ako ng elementary week long celebration ng Valentines Day at may party pa. Bongga di ba? Pero sa High School, bibihira ang nag ce-celebrate ng Valentines day. Alternatibo ang J.S prom at mga concert. Iisipin mong, parang Christmas at New Year din ang Pebrero, at dinagdagan pa ngayong 2011, Kong Hei Fat Choi, Chineese new year din. Mantakin mo yun, ang dmaing events sa Bwan ng pebrero. Ang bwan ko.
Malamig ang simoy ng hangin sa bwan ko, parang pasko. Pero dapat bang doon ako nakatuon, kung may nagpapainit naman sa buhay ko.? Isa lang naman Siya eh. Ang Diyos na buhay. Dapat akong mag look forward sa Araw na Niluwal ako ng aking ina, ang araw na itinakda ng Diyos dahil espesyal daw ako. Naniniwala akong walang aksidente sa Diyos kaya kahit ang kaarawan ko ay may dahilan. Malamig? Hindi na, dahil mainit na mainit ang handa ng Diyos para sa akin. Eunice Arpet Mijares Punzalan is looking forward on God's plan for another year of her life. Sana'y ikaw din, kung pebrero ka.
No comments:
Post a Comment