Recently nakaranas ako ng panghihina spiritually. Palyado sa devotion at di ko na aayos ang prayer life ko. Naapektuhan na ako, at nanghina na ng husto. Pero mabuti ang Diyos at hindi Niya ako pinabayaan, sa halip ay pinapatatag Niya ako sa pamamagitan ng mga circumstances na kinakaharap ko ngayon.
I thought February would be flawless and painless month, buwan ko kasi ito, and I expect joy and love. And yes! Tama ang expectation ko na makakaranas ako ng Joy and Love, pero nagkamali ako kung kanino ko makukuha iyon. Kay Jesus ko pala matatagpuan yun. Di sa iba. Nakalimutan ko yung first Love ko. Nagkamali ako at namuhay ng naayon sa emotional desire ko. Note, 'desire ko' , ako lang! Di kasama ang Lord. Naging selfish ako, at isinantabi si Lord para sa pekeng ligaya na naramdaman ko.
Of course, dinidisiplina ng Panginoon ang mga anak Niya dahil mahal Niya tayo. Nagkaroon kami kahapon ng Activity sa Filipino, sulatan factor. Susulat ka para sa isang tao sa loob ng klase, pwede mong ilabas ang mga saloobin mo. Di ko inaasahang isa ako sa mga pinakamadaming matatanggap na sulat. Yung iba nga di na binasa ng professor ko. Grabe ang burden na naramdaman ko yesterday. Sabi ng sister ko, mag reflect lang ako at mag pray. Habang hinahanap ko ang Lord sa mga oras na iyon, nasasaktan ako sa mga sinasabi sa akin, bossy ako at pala utos. Nakapag reflect ako dun at natanggap ko iyon. Nasaktan lang ako sa parte ng may naiinis sa akin dahil sa mukha ko at sa presensya ko. Ouch! Ang sakit naman nun. Then, after ng klase para akong bangag at gustong gusto nang umalis ng paa ko sa lugar na iyon. Salamat sa isang kaibigan na nagmalasakit at niyakap ako, pakiramdam ko di pa rin ako nag iisa at may naniniwala pa sa akin. Naisip ko tuloy, ang dami nang "Changes" sa akin simula nang pumasok ako sa kolehiyo. Di pa ba sapat yun? O baka naman, di ako pasok sa 'Standard Nila'. Naalala ko pa, sabi ko sa Lord, "If this Life I'll lose I will follow you". Handa ba ako? Eh, nasaktan nga ako. Handa ba ako na mamuhay pasan-pasan ang Cross, Am I ready to be hated by the World because I follow Christ? Pag uwi ko, wala sila daddy. Naka locked yung bahay. Punta ako sa tabi, gusto ko ng kausap, maiiyakan, pero dapat si Lord muna ang kwentuhan ko. Para akong batang ninakawan ng candy sa isang sulok, hikbi ng hikbi, iyak ng iyak. Dumating ang daddy ko, ang knight ko. We talked, at sinabi niya na "walang taong nasaktan na di nagbago". Be firm daw, sila ang dapat mag adjust, lalo na yung nagsulat na ayaw niya sa akin. Naisip ko, way ni God yun para magbago ako, para makita ko ang pagkakamali ko na hindi ko nakikita sa sarili ko. Way yun ni God para mas i-engaged ko ang sarili ko sa devotion at prayer life, through that I can gain strength. Way yun ni God for me to genuinely apply what I am learning from God's Word, APPLICATION sa totoong buhay.
Isa pa sa impact ng February ko ay ang Purity! BOOM!
gaya ng ibang ordinaryong kabataan, nagkakaproblema ako sa pamumuhay ng banal. When purity comes in, palyado din ako. Sabihin man na babae ako, at never nagka bf, thoughts, words and actions still counts. Sakto ang impact ng purity sa akin, I'm currently reading 'not even a hint' by Joshua Harris. At sapul kung sapul sa mensahe kanina ni Pastor Bong. I know the Lord spoke through him, saying that I must completely rid of my sexual immorality, lust to be specific.
Nakakaramdam ako ng shamefulness but because of this conviction I was lead to Redemption and Repentance and Restoration. God is always ready to forgive us from our sins, through Jesus. Total Renewal, total submission. Greater Commitment. TRUE LOVE WAITS, UNTIL I AM READY.
I will walk down on the aisle proudly saying, "Lord, I am pure. Matatanggap ako ng magiging asawa ko ng malinis at walang bahid ng karumihan".
indeed hehehe yehbah God bless
ReplyDelete