Monday, December 31, 2012

Genesis 2013

I am the Alpha and the Omega, the First and the Last, the Beginning and the End. — Revelation 22:13 

Sa bawat Ending at Beginning nandoon ang Diyos. Nang matapos ang 2012, naroon Siya at nang mag umpisa ang 2013 naroon din Siya. Ngayong umpisang araw ng 2013 trending muli ang Resolution, Diet at Plano para sa panibagong taong ito.

Dahil gising buong gabi at puyat mula sa pagsalubong ng bagong taon, tanghali na gigising ang karamihan, kagaya ko. Kinasanayan ko na ang mag devotion ng umaga, no devotion no breakfast ang laging iniisip ko pag tinatamad akong mag devotion. Sa taong 2012, ito ang pinaka da best na achievement ko, walang palya na devotion. Kaya ngayong 2013, uumpisahan ko ang umaga sa pag de-devotion.


GENESIS
*excerpt from my devotion 01/01/2013*



In the beginning God created the heavens and the earth. Now the earth was formless and empty, darkness was over the surface of the deep, and the Spirit of God was hovering over the waters.—  Genesis 1:1-2 (NIV)
Madaming bagay ang tiyak na natutunan ng marami sa atin nitong 2012, kaya ngayong 2013 mahalagang alamin kung paano ba magsimula, bukod sa diet program at new year's resolution na tradisyonal na nagaganap bawat pagpapalit ng taon, mag simula tayong kaharap ang Manual ng buhay.

Papaano ba uumpisahan ang 2013?

I consider mo ito, ang bagong taon na ito ay parang isang malaking sulatang papel, walang laman at ang bawat desisyon at galaw mo ang ballpen para maisulat ang 2013. Kung iisipin, ang librong Genesis ay patungkol sa creation, tungkol sa umpisa. Mula dito kukuha ako ng insights kung papaano mag uumpisa ng taon.

GOD CREATED 2013
"In the beginning God created the heavens and the earth"

Katulad ng pag gawa ng Diyos sa langit at lupa, nilikha Niya din ang 2013. Itatak sa iyong isip na ang taong ito ay likha ng Diyos, Siya ang author at may ari ng taong ito. Taon Niya ito, hindi ito taon ng ahas! Corrupted ang mundo, kaya ngayong taon wag nang makisawsaw. Maniwala at I-deklara mong ang 2013 ay para sa Diyos at ito ay para din sa iyo. Umpisahan mo ang taong ito kasama ang Tagapaglikha.


EMPTY AND FORMLESS 
"Now the earth was formless and empty,"

Ang mundo nung umpisa ay empty at formless. Sa 11 hours na nakalipas, tiyak na may nakasulat na sa sulating buhay 2013 mo. Pero sa kabila nito may dalawang bagay ang mahalang gawin para umpisahan ang 2013.

I-empty ang buhay mo.
Hindi mapupuno ang isang basong may laman, kailangang ibuhos ito hanggang sa wala nang matira. Ang pag empty ng buhay ay pag bubukas ng puso sa Diyos para punan ang buhay mo, paglimot at pag-gi-give up. Diyos din ang mag e-empty ng buhay natin, umpisahan ang taong ito sa paghingin ng tulong sa Diyos na i-empty ang buhay natin.

Hayaan ang Diyos na i-form ang 2013 mo
Kung ang mundo ay formless noong creation, gayun din ang 2013. Tanging ang Diyos ang mag-aayos nito. Wala pang shape o design o framework ang 2013, pero may foundation ka naman, ang DIYOS.
Let God forms your mind, heart, character and life. Yung formation na kahit masakit, mapapabuti ka naman, yung formation na i-le-level up ka pa at yung formation na pagagandahin at pagagwapuhin ka pa ng sobra dahil nakikita at nag-ra-radiate sa buhay mo ang Diyos.

Kapag ginagamit ang emptiness at formless, di ko maiwasang maisip ang isang broken emo picture, ang lungkot, pero wait, there's more! May twist sa mga salitang ito. Kelangan mong maging broken sa harap ng Diyos para mabuo ka muli, para Siya ang maging solusyon mo sa lahat ng aspeto ng buhay. Ito yung brokeness na magli-lead sa wholeness. "darkness was over the surface of the deep"


LET THE SPIRIT OF GOD HOVER OVER 2013
"And the Spirit of God was hovering over the waters"

Ang espiritu ng Diyos ay umiikot at lumilibot sa ibabaw ng tubig. Ngayon, hayaan mong ang Espiritu ng Diyos ang umihip at bigyan ng buhay ang 2013 mo. Importante ang Spirit of God sa pag-uumpisa ng taon mo.

Pag may presensya ng Holy Spirit:

There is power, kapangyarihan na bumubuo ng sangkatauhan. Kung noong creation, buong mundo ang ginawa, mani lang kay God ang 2013. Umpisahan ang 2013 kasama si Holy Spirit, may power, may holiness , may matinding impact na mangyayari.

There you'll hear God's voice, sa mga sumusunod na verses ng chapter 1 ng Genesis, walang ibang ginawa si God kung hindi magsalita nung ginawa nya ang mundo, liban dito yung pag create nya sa tao. sa 2013, maging sensitibo sa LET THERE BE ni God. Importanteng naririnig natin ang utos ng Diyos, at kung may salita meron din;

There is obedience, kapag may presensya ng Banal na Espiritu may pagsunod. Nangyayari ang mga sinasabi ni God, yung let there be Niya at nakikita at nasisilayan, di lang basta salita, may gawa. Kapag na master natin ang Art of Obedience, di malabong mangyayari ang true purpose ng Diyos nung nilikha nya ang tao bago pa mabahidan ng kasalan, ito ay binanggit sa verse 26 at 27
So God said, "Let is make man in our image, in our likeness....""So God created man in his own image, in the image of God he created him; male and female he created"
Yun yung very purpose ni God, yung tayo in His image and likeness. Susi ang pagsunod para mangyari ito. Through His Son Jesus Christ magiging extremely extraordinary ang 2013. This year, ito ang pangako na pinanghahawakan ko sa pag uumpisa ng taong ito. Gen.1:28, The blessing of fruitfulness(in the ministry, in family, in school, in every area of my life), and of authority (leadership).

Welcome 2013! Thank You Jesus! :)