Monday, September 23, 2013

The sweet kiss of thesis

Fourth year college. Kasunod nito ang malalim na buntong hininga. HAY!

Parang lindol ang mga katagang HAY. May after shock itong "Salamat! Ga-graduate na ako!" na merong intensity 8.0 ang lakas ng pagsigaw. Yung feeling na, konting kembot nalang eh matatawag ka nang winner ng Survivor Philippines. But wait, ang akala mong happy thoughts eh may twist. Malamang susundan pa ito ng isa pang after shock, "Ang hirap ng thesis! Ayaw ko naaaa!" na kasing lakas ng atomic bomb ang impact. Apektado ang pag-iisip mo, gusto nang magwagayway ng puting bandera. Susuko na po ako.

Ito pa ang mga senaryong mapapansin sa panahong ito; parang may state of calamity ang news feed mo sa facebook dahil flooded ng mga status tungkol sa thesis; may mga nagra-rally at tila gustong mag million people march sa tapat ng opisina ng professor dahil hindi inaprubahan yung ipina-consult nyong topic; may mga sundalong bawat araw sasabak sa gyera dahil kelangan magsanay at magpanday ng kaisipan; may mga nagte-treasure hunt sa mga library at nagpaka Sherlock Holmes ang peg para mabuo ang pundasyon ng study. Yung iba naman eh parang Will Smith ang peg at I am legend ang drama dahil nag iisa nalang siyang kumikilos sa grupo para ma-isave ang buhay ng thesis; may nagmumukang zombie at gusto na din kumain ng brains para makapag-isip ng mga ita-type nila sa bawat chapter. Na picture mo ba? Parang end times na ang mundo nila. Ang thesis siguro ang climax ng pagiging buhay estudyante.

Relate much ba? Kalma lang muna tayo! Take a deep breath, inhale and exhale. Aminan na to, talagang mahirapan thesis. Pero puro hirap nga lang ba? Baka one side of the picture lang ang nakikita natin. Baka we need to see the full picture, para ma-appreciate natin tong pinaggagagawa natin. Hayaan nyong ibahagi ko ang kwentong thesis ko.

Last semester kami nag umpisa sa thesis, chapter 1-3 ang kelangan matapos para hindi na hussle pagdating ng susunod na sem. Almost 3 months ups and downs ang nangyari. Pero na survive naming ang first phase! Awa ng Diyos, nakapasa kami at may chance na mag martsa sa Marso. May ilang bagay akong natutunan sa paggawa ng thesis, mula last sem hanggang ngayon. (On going pa din ang thesis namin)

1.     Ang thesis, hindi dapat magmukhang krisis! Unang krisis na kakaharapin ay krisis sa budget. Sobrang gastos nito. Kung ikaw lang mag-isa, mag hanap ka nan g pagkukuhanan ng budget, o kaya mag tipid muna at tsaka na manuod ng sine with friends, isa alang-alang ang bulsa. Pero kung grupo kayo, share share din ng burden sa gastusin. Babala para sa mga nagti-thesis na grupo: mag-ingat sa mga FIXER, yung groupmate mong ginagamit ang salapi para wag nang kumilos at tipong sagot na ni Papa ang lahat ng gastos. Aba aba, dapat may fairness dito, wag nang manlamang ng kapwa. Let’s practice fairness and equality, gamit gamit din ng isip.
2.     Ang paggawa ng thesis may ugaling malinis.  Yung ibang nag ti-thesis, di pa man din nag uumpisa eh galit na at uma-attitude na. Kaya nawawasak ang relasyon ng grupo. Consider your groupmates. Kapag hindi maayos ang relasyon mo sa mga kasama mo, hindi mo ma-eenjoy ang journey. Attitude counts!
3.     Thesis it! Enjoy it! Isa ito sa pinakamahalangan elementong natutunan ko. Ang i-enjoy ang thesis. Minsan nga, 60% ang tawanan at kwentuhan at 40% ang gawa para sa thesis. Wag ikulong ang sarili sa thesis na parang ito na ang A Whole New World mo. Wala dyan ang Princess Jasmine mo at Aladdin. Wake up! Take time to breath, kelangan mo din ng new environment pa minsan minsan. Wag lang sa library gumawa, kung trip nyo mag overnight do it o kaya kung medyo may budget, try nyo magkape sa starbucks! Hehe!

Kaya nagiging mahirap ang isang bagay dahil sa ating mind setting. Naalala ko nga yung commercial ng isang vitamins “What the mind can conceive your body can achieve.” Try mong mahalin ang proseso ng thesis. Tandaan na kapag ikaw ay nasa gitna ng  nagraragasang ilog hindi sago tang lumaban sa agos ng tubig para maligtas, ang tanging pag-asa mo ay magpadala sa daloy ng tubig at mag-hintay ng bato na pwedeng kapitan. Ganun din sa thesis, magpaagos ka lang dito at mag-hintay ng solidong bato na iyong kakapitan. Hang in there!


Remember na laging may naghihintay na nilaga pagkatapos ng pagta-tyaga. Okay lang yan kung nahihirapan ka. Okay lang din na isigaw mo yung mga sentimiento mo dahil nakakabawas yan ng stress. Pero wag kang susuko, wag mong iisiping end of the world na. Hardships are life requirement for us to be better individuals.

"Be strong and courageous. Do not be afraid or terrified because of them, for the LORD your God goes with you; he will never leave you nor forsake you" Deuteronomy 31:6


Tuesday, September 17, 2013

Pangarap kong...

Ang Sarap mangarap diba? Yung tipong sagad sa katotohanan. Sabi ng Prof. ko (di ko na tanda yung pangalan nya) kung mangangarap ka nalang din naman eh lubos lubusin mo na dahil libre lang ang mangarap. Kaya kapag nangangarap ako, to the highest level na. Sabi nga ng isang awitin, to dream the impossible dream.

Pero parang may problema ata doon kung hanggang pangarap nalang. Yung pangarap na nanatiling pangarap nalang. Walang evolution na nangyari. Buti pa ang pokemon nag e-evolve eh yung pangarap mo?

Poreber. Poreber ka nalang bang pobre? Pobre as in mahirap. Mahirap na pakilusin para maabot yung pangarap mo. Enebe nemen yen!

Kilos kilos din pag may time ah! Wag puro pangarap. Kasi Hindi pangarap ang tawag dun kundi pantasya. Dream will drive you to achieve it, but fantasy will stop you and it will satisfy you with something that doesn't really exist at all. 

How does God react?

This entry was written last November 11, 2012 on my devotion journal.

2 Timothy 2:11-13
"If we died with Him
We will also live with Him.
If we endure
We will also reign with Him,
If we disown Him,
He will also disown us.
If we are faithless,
HE WILL REMAIN FAITHFUL
For He cannot disown himself."

In every action we made, there is an equal reaction from God.

Tandaan na may reward ang pagpapagod mo for God's Kingdom. Continue the race.

• endure
•persevere
•run

*********************************************************************************


Ito ang devotion ko nung araw na iyon.  Saktong Sunday nung araw ding iyon. Ito yung mga panahong nanghihina ako at gusto nang sumuko. Basta mag quit na lang, kasi pagod na ako. Walang progreso sa mga sitwasyon. Pero sa Kabila ng ganung kaisipan ang mga comforting words na ito ang yumakap sa akin. Para akong kandilang sinindihan, umiiyak at natutunaw.

Ngayong gabi, nag-i-scan talaga ako ng old notes dahil may hinahanap akong event na nangyari noon. Nagbabakasakali akong naisulat yun. Bigo man ako sa paghahanap nun, Hindi ako nabigo sa mga nabasa ko. Puno ng pag-Asa ang mga luma kong mga devotion. Ang saya basahin.  Masayang Nakita iyon na mangyari. 

Hep hep hep! Bago ako magtapos sa entry na ito, gusto ko lang sabihin na kahit anong hirap ang Meron ka sa buhay mo, relax lang kapatid. Hindi ka naman super loser! Ya got the King by your side. Nasayo na ang lahat! Talo ka man sa paningin nila, aba! Sa mata lang nila yun no! Because the truth is, though you have nothing, God got it all for you! (with SM tone)


God bless you!